CHAPTER 7: Sandra

1774 Words
Sebastian's POV Lumabas sya ng hidden sanctuary at tinungo ang kwarto nya. Kailangan nyang mag-isip ng iba pang solusyon. Marami na ang naaapektuhan. Kasalanan ko to eh! Kung hindi lang sana kita minahal. Sinuntok nya ang pintuan ng paulit-ulit. Wala syang nararamdamang sakit sa mga kamao nya. Sakit sa puso ang nararamdaman nya ngayon. Parang tinutusok ito. Hindi nya kayang makita na may nahihirapan ng dahil sa kanya. Napaupo sya at napahagulgol.  Sandra!! ---FLASHBACK--- Tok! Tok! Pumunta si Sebastian ng pintuan at binuksan kung sino man ang kanina pa kumakatok. Kakagising nya lang at ang ingay ingay na. Napangiti sya ng naisip nya si Sandra.  Nawala ang ngiti sa mga labi nya ng hindi ito ang nakita nya."Hi Seb! Miss me?" mapang-akit na pahayag ni Lina. "Anong kailangan mo?" walang ka gana gana nyang tanong dito. Tinabig sya nito at pumasok ng kwarto nya. "Wait, wait, wait! Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong nya dito. Ano nanaman ang palabas nito. Umupo ito sa kama, "bakit may magagalit ba?" Kinagat nito ang pang-ibabang labi at tumitig na parang nang-aakit sa kanya. "Kung wala kang ibang kailangan Lin, lumabas kana muna. Mag-aayos lang ako, kung may business ka lalabas ako agad," mahaba nyang sabi dito. Tatalikod na sana sya ng nilagay nito bigla ang dalawa nitong paa sa pagitan ng mga binti nya at tinulak paharap dahilan para masubsob sya dito. Natigilan sya kaya tumawa ito ng malakas. Dali dali syang tumayo at sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri. "Pakiusap Lin, lumabas kana muna. Baka isipin ng iba na..." hindi na sya pinatapos nito. Bigla itong tumayo at tinulak sya pahiga sa kama at pumatong sa itaas nya.  "Akala mo ba hindi ko alam ang namamagitan sa inyo ni Sandra? Akala mo ba papayag ako?" Yumuko ito at hinalikan ang leeg nya.  Kung dati ay nang-iinit sya at sinusunggaban ito agad pero ngayon ay iba na. Hinawakan nya si Lina sa tyan para taggalin sana ang kanyang katawan na nakapatong sa kanya pero siniil sya nito ng halik. Saglit syang nawala sa katinuan at gumanti ng halik dito. Ngumiti ito at tumayo bigla. "Sabi ko na nga ba at akin kapa rin." Pumunta ito ng pintuan. Magsasalita pa sana sya ng pinigilan sya nito."Pssssssssss! Mag-ayos kana at may pag-uusapan tayo. Hintayin kita sa meeting room." Sinara agad nito ang pinto. ___   ___ Hindi si Sebastian makapaniwala sa mga narinig nya mula kay Lina. Mula nun ay hindi na sya nakipagkita pa kay Sandra.  "Seb!" tawag sa kanya ni Sandra. Napalunok sya at humarap dito. "Iniiwasan mo ba ako?" mukhang iiyak na tanong nito. Natigilan sya. Nahihirapan sya sa nakikita nya pero buo na ang desisyon nya. "Itigil na natin to," maikli nyang sabi dito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang humakbang ito papalapit. Umatras naman sya. Ayaw nyang magkalapit sila mas nasasaktan sya.  "Ayoko na Sandra. Hindi na kita mahal." Tumalikod sya at naglakad. Baka magbago pa ang isip nya. Mabilis nyang isinara ang pintuan ng kwarto nya. Hindi naman sya tumakbo pero hingal na hingal sya. Gusto nyang puntahan ulit si Sandra at bawiin lahat ng mga sinabi nya pero huli na. Nagulat sya ng may napansin sya sa itaas ng kama. "Good job!" nakangiti itong nakatingin sa kanya. "Ano nanaman ang ginagawa mo dito?" tanong nya kay Lina. Nakaupo ito sa kama nya. "Claiming what's really mine!" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Nilagay nito ang dalawang kamay sa batok nya at siniil sya ng halik. Hinawakan nya ito sa baywang para kumalas pero... "Seb!" mangiyak ngiyak na tawag ni Sandra. Kitang kita sa mukha nito ang halong gulat at sakit na nararamdaman."Ka-ka-kaya ba gusto mong tapusin na ang lahat satin dahil may bago kana?" ngayun ay umaagos na ang luha sa magandang mukha nito. Tumingin ito ng masama kay Lina bago patakbong umalis. Tinangka nya itong habulin pero hindi nya na ito mahanap pa. Lumipas ang isang linggo pero walang Sandra ang nakita sa buong palasyo. Nalaman narin ng lahat ang nangyare at lahat ay naghahanap na. Pati sila Ari at Mulan ay tinungo narin ang palasyo para tumulong sa paghahanap. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Sandra ay pati sila Lucas at Rias ay hindi sya mahanap. Sadyang ayaw nito magpahanap sa kanila. Kasalukuyang nasa hardin sila ni Ari at nag-uusap nang biglang may sumabog. Hinanap nila kung saan galing at nakita nilang may umaapoy sa gawing hilaga ng palasyo. "Sa hidden sanctuary!" sigaw ni Mulan na nasa himpapawid. Dali dali silang pumunta ng hilaga. "Ano yun?" tanong nya kay Mulan at Nadia. Sasagot pa sana si Nadia ng biglang kumidlat ng pagkalakas lakas sa loob ng hidden sanctuary. Nakita nilang nakabukas ang pintuan nito kaya dali dali syang pumasok. Naiwan sa labas sina Nadia, Mulan at Ari. Sa loob ay kitang kita nya kung papaano tumilapon si Lucas at Rias. Maya maya ay sabay namang tumilapon sina Travis at Lenie kung saan banda nakahiga at walang malay ang Hari at Reyna. Dali-dali nya silang pinuntahan. "Pagsama-samahin man kayong lahat ay hindi nyo ako matatalo!!!!!!!!" sigaw ni Sandra. Tiningnan ni Sebastian kung nasaan ito. Ibang iba ang itsura nito. Nakapula itong balabal, nangingitim ang ilalim ng mga mata at maputla ang balat. "Sandra!" agaw pansin nya dito. Sa galit nya ay tumayo sya at kinuha ang espada nya. Tumingin naman ito sa gawi nya at mas lalong nagalit ito. Nagulat sya ng bigla itong sumulpot sa harap nya at sinuntok sya sa kaliwang mukha dahilan para tumilapon sya. Hindi nya inaasahan yun ah. Kakaibang lakas at bilis, hindi ito ang ordinaryong lakas ni Sandra. "Hangal! Bakit kapa pumunta dito! Gusto mo na bang mamatay mahal ko? Wahahahahha," tumawa ito ng malakas. Sunod-sunod itong naghagis ng bolang apoy sa gawi nya. Mabilis nya naman itong naiwasan.  "Magic Fire ball!" sigaw nito kasabay ng pagporma ng higanteng apoy. Hinagis nito sa kanya. "Water fist shield!" tinutok nya kung saan banda ang fire ball pero walang lumabas sa kamay nya. "Aaah!!!" Tumalsik sya sa pinaka dulong bahagi ng hidden sanctuary. Rinig na rinig nya pa ang pagtama ng likod nya sa pader.  "Nakalimutan mo ba ang nullification magic nya?" ani Rias sa mahinang boses.  Oo nga pala, kaya pala nitong pigilan o ipawalang bisa ang lahat ng elemento. Sa tatlong guardians ay si Sandra ang pinakamalakas kaya lahat ay nahihirapan itong talunin. Naputol ang pag-iisip nya ng may paparating nanamang Fire ball sa kanya. Malapit na ito ng biglang may tumubong malalaking mga ugat sa harap nya na nagsilbing pananggalang nya.  "Pakialamera!" sigaw nito sabay hagis nito ng malaking kidlat kay Rias. Agad naman itong nailagan ni Rias at tumalon para sunggaban si Sandra.  "Itigil mo na tong kabaliwan mo!" ani Rias habang nakikipaglaban kay Sandra. "Wala kang alam!" sigaw ni Sandra sabay hagis ng patalim papunta kay Rias. Naiwasan naman ito ni Rias pero may sumalubong agad ditong fire ball kaya hindi ito agad nakaiwas. Natamaan ito sa tyan at napaupo. "Rias!" nilapitan nya ito. "Sandra! Tama na! Ako ang kailangan mo diba? Ako lang ang harapin mo!" galit nyang sigaw dito. Tumawa ito ng malakas habang naglalakad papunta sa kanya. Iniabot nito ang dagger sa kanya sabay sabing, "Kill me!" Hindi sya makaalis sa kinatatayuan nya. Nagulat sya sa sinabi nito.  Ni hindi nya mahawakan ang dagger na binibigay nito. "Hindi mo kaya? Weak!" matalim sya nitong tiningnan. Hahawakan nya sana ito pero bigla syang napaso. May kung anong bagay sa katawan nito na hindi nya maaaring hawakan. Hinawakan sya nito sa leeg at sinakal. "Seb! Anong ginagawa mo! Hindi na yan si Sandra! Labanan mo!" sigaw ni Travis. Tiningnan nya ang Ama at Ina nya na puro mga walang malay. Tumulo ang luha nya. Gustuhin nya man pero hindi nya ito kayang saktan. Pahigpit ng pahigpit ang sakal nito sa kanya. Kakaibang lakas ang meron si Sandra ngayun. Galit at poot ang nakikita nya sa mga mata nito. "Ma-mahal ko." Hinawakan nya ito sa mukha kahit na napapaso sya. Bigla namang may tumulong luha dito paghaplos nya. "Waaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!" sumigaw ito ng malakas at tinapon sya sa gilid. May itim na usok na lumalabas sa katawan nito. Nakahawak ito sa ulo habang sumisigaw ng malakas. Maya maya ay napuno na ng maitim na usok ang buong hidden sanctuary. Nanghihina si Sebastian at nakita nya sila Rias, Travis at Lenie na unti-unti naring nawawalan ng malay. Huli nyang naalala bago sya mawalan ng malay ay ang malaking apoy na sumakop sa buong puno ng Amory. ___   ___ "Sandra!" napabalikwas sya ng upo. Nilibot nya ang kanyang mga mata. Nasa infirmary sya.  "Mabuti't gising kana, inumin mo to para bumalik ang lakas mo," ani Nadia at inabot ang isang tableta. Agad nya naman itong ininum.  "Nasa hidden sanctuary silang lahat," sabi nito. "Salamat," mabilis na syang lumabas at dumiretso sa hidden sanctuary. Bumungad sa kanya ang sunog na sunog na puno ng Amory. Lahat ay umiiyak dahil sa nangyare. Natulala sya at hindi alam ang sasabihin. "Anong gagawin natin Ama?" ani Travis na hindi manlang nakikitaan ng panlulumo bagkos ay galit ang nasa mga mata nito. Galit na handang pumatay. "Kailangan nating maibalik sa dati ang puno ng Amory. Dahil kung hindi ay unti unting mawawalan ng buhay ang lahat ng mga nilalang dito sa Maharlika. Kailangan nating makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon," mahabang pahayag ng Hari. Parang ayaw nyang paniwalaan ang mga nangyayare. Alam nya sa sarili nya na kung may sisisihin man ay sya yun. Natigilan ang lahat ng pumasok si Lucas. "Pagpasensyahan nyo po kung nahuli ako," paghingi nito ng paumanhin sa Hari at Reyna."May paraan pa po," pagpapatuloy nito. Nagulat at nabuhayan ang lahat sa sinabi nito. Tumango naman ang hari hudyat na ipagpatuloy nito ang sasabihin. "Nang susunugin na ni Sandra ang puno ng Amory, akala ko ay katapusan na ng lahat lalo pa at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil sa nullification magic nito. Pero dahil sa panandaliang nabulabog ang pag-iisip nito ay nawala ang spell. Hininto ko ang oras at sinubukang kunin lahat ng life essence na nasa puno ng Amory at itinago ito. Yun lang nagawa ko dahil sa nawalan narin ako ng  lakas at malay," mahabang pahayag nito. Labis itong ikinatuwa ng lahat. "Saan mo itinago Lucas?" tanong ng Reyna. "Hindi ko maalala ee," napangiwi ito.  "HA?" Sabay-sabay na sabi ng lahat. "Eh kasi nga nawawalan narin ako ng malay diba? Pero sigurado akong natago ko yun kasi kung hindi at talagang nasunog ito kasama ng puno ay wala na tayong lahat dito," anito. "Tama si Lucas. Pero kailangan natin itong mahanap kaagad dahil kapag natagalan na wala ang amory sa puno nito ay kapahamakan ang dulot nito," ani Rias. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nya dito. "Hindi maaaring mahiwalay ang puno at ang Amory. Hahanapin ito ng puno dahilan para mahigop nito unti-unti ang life essence ng mga nilalang na nakapalibot dito. Kapag nagkataon eh unang mamamatay ang mga hayop bago ang mga maharlikan," paliwanag nito. Hinanap nila sa buong Maharlika ang Amory pero wala silang nakita. Wala ng ibang paraan kaya nakipang-ugnayan na sila kay Wura, ang pinakamagaling at pinakamasamang witch sa Maharlika. Isa itong earthos at bihasa sa paggawa ng mga gamot na ginagamit nito sa kasamaan. Ayun dito, ang Amory ay nasa mundo ng mga mortal.  Napag-alaman din nila na lumapit narin kay Wura ang mga kudos dahil alam na ni Sandra na hindi totally nasunog ang Amory bagkos ay nalipat lang ang life essence nito sa mundo ng mga mortal. Kailangan nila itong unahan. Kailangan itong mahanap ni Travis sa lalong madaling panahon. ---END OF FLASHBACK--- ___   ___ Hello lovez.. Questions answered na po ba? hehehehe Ang itlog na pula at amory kaya ay iisa? ummmm... Ano po sa tingin niyo? Gawan ko po ba ng Story ang love story ni Sandra at Sebastian? When love and hate collide! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD