CHAPTER 6: Maharlika

1543 Words
Gustavo's POV "Nasan na ba yun?" inisa-isa nyang tingnan ang mga susing bigay ni Gracia, ang maganda at sexy nilang landlady. Nakahanap sila ng house for rent na malapit sa Calidad University kung saan papasok si Travis. "Kailangan ko ba talagang pumasok sa paaralang yun at makihalubilo sa mga mortal?" bungad ni Travis. Lumabas ito ng sasakyan at naglakad papalapit kay Gustavo. "Yun lang ang naiisip na paraan ni Sebastian sa ngayon para mabilis na mahanap ang Amory. At isa pa, kailangan nating malaman kung bakit malapit sa school na yun nakita ang Amory," sagot nya dito. Pumasok sila ng bahay at naupo. "Tsk! Yan lang ba talaga ang dahilan?" matalim syang tinitigan nito. Bakas sa mukha nito ang pagka-irita. Kung hindi nya ito kababata ay tiyak na matatakot sya dito. "Okay! Okay! Hindi nagustuhan ni Sebastian ang ginawa mo," tiningnan nya ang reaksyon nito. "Anong masama sa ginawa ko? Kung hindi lang ako naisahan ay napatay ko na yun sa una palang naming pagkikita," anito. Hindi malang ito makikitaan ng pagsisisi sa ginawa. "Alam mong dati ring maharlikan si Faustino bago ito naging kudos," mariin nya itong tinitigan. Ang mga kudos ang mortal na kaaway nilang mga maharlikan. "Tsk!" Tumayo ito at tinangkang buksan ang portal. "Teka, teka!" pigil nya dito. Tiningnan sya nito ng masama, "kakausapin ko lang si Seb!" "Alam mong hindi yan ikakatuwa..." hindi nito pinatapos ang sasabihin nya at pumasok na ng portal. Ang portal ang nagsisilbing pintuan o lagusan papasok at palabas ng Maharlika. Ang pinahihintulutan lang makabukas nito ay ang Royal State. Hinayaan nya nalang ito. Kay Sebastian lang naman ito nakikinig. Ang MAHARLIKA ay ibang iba sa mundo ng mga mortal. Ito ay nahahati sa limang States. Royal State, Earth State, Fire State, Water State and Air State. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ 1. Ang Royal State ang namamahala sa boong Maharlika. Kinabibilangan ito ng limang Royal Blood (King Raul, Queen Elizabeth, Sebastian, Travis at Lenie). Kaya nilang kontrolin lahat ng elements (earth, fire, water and air). *Bartzabel - nakababatang kapatid ni Queen Elizabeth. Unang kudos at hari ng mga ito. Immortal ito at hindi tumatanda. Just like the Royal Blood, kaya nitong kontrolin ang lahat ng mga elemento. He can also manipulate memories. Nagbibigay ito ng sumpang kamatayan na tinatawag nilang Dark essencia. *Wura - pinakamagaling na earthos sa buong maharlika ngunit sadya itong masama at tuso. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ GUARDIANS           Sandra ang Guardian of Love. She can see your heart's desire. Pinakamagandang Fiero sa buong Maharlika at kasintahan ni Sebastian.  Kaya nitong kontrolin ang apoy at kidlat. She can also nullify all elements. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤           Lucas ang Guardian of Peace. Isa itong Aeros at pinagkakatiwalaang magbantay ng Amory. He can read minds, controls air and manipulate time.  ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤           Rias ang Guardian of Light. Isa itong earthos at healing ang pangunahin nitong kapangyarihan. She can manipulate nature and memories. She can also control and speak to animals.  May kakayahan din itong mag-anyong hayop. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ 2. Ang Earth State ay pinamumunuan ni Nadia. Kaibigang matalik ni Lenie. Madalas ito sa palasyo at naglilingkod sa hari at reyna. Ang mga Earthos ay kayang kontrolin ang kalikasan. They use nature as their weapon sa pakikipaglaban. Sila ang inaasahan sa larangan ng medisina. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ 3. Ang Fire State ay pinamumunuan ni Lina. May gusto kay Sebastian. Ang mga Fiero ang nangunguna tuwing digmaan. Kaya nilang kontrolin ang apoy. Matatapang ang mga Fiero, they were very skilled in using swords. Sila ang pinaka mapanlinlang sa boong lahi ng mga Maharlikan. They uses their beauty to lure and seduce men into their bait. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ 4. Ang Water State  ay pinamumunuan ni Ari.  Ang mga Aqua ang pinakamayamang lahi ng Maharlikan. Kaya nilang kontrolin ang tubig. Sila ang pangunahing pinagkukunan ng mga sandatang pandigma.  ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ 5. Ang Air State naman ay pinamumunuan ni Mulan. Aeros were very skilled in using bows and arrows. Sila ang palaging katuwang ng mga Fiero tuwing digmaan. Sila naman ang pinaka pinagkakatiwalaang lahi ng mga Maharlikan. Likas na mabubuti ang mga aeros. Kaya nilang kontrolin ang hangin. ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ Ang AMORY ang Life Source ng Maharlika. Ito ang nagbibigay buhay at lakas sa bawat isa. Binabantayan ito ng mga Guardians lalo na ni Lucas. Dahil sa ito ay sacred, royal blood at guardians lang ang nakakalapit dito. Dahil dito, ang maharlika ay mas lubos na nakaka-angat compared sa mundo ng mga mortal. Mababang mga nilalang ang tingin ng mga maharlikan sa mga mortal. Maraming alam ang mga maharlikan tungkol sa pamumuhay ng mga mortal salungat ito sa alam ng mga tao. Sa isip ng mga mortal ang mga maharlikan ay mga kathang isip lang na gawa ng malilikot na imahinasyon. Hindi maaaring magmahalan ang isang mortal at isang maharlikan. Ito rin ang isang dahilan kung bakit hindi malayang nakakatawid ang mga maharlikan sa mundo ng mga mortal. ___   ___ Naputol ang pag-iisip ni Gustavo nang may naramdaman syang hindi maganda. Tumayo sya at tumingin sa bintana. Sa di kalayuan ay may nakita syang isang kudos. Palinga-linga ito sa paligid at mukhang may hinahanap. Natunton kaya kami nito?  Travis POV Hindi nya na pinatapos si Gustavo sa sasabihin nito, alam nya narin naman kung ano sasabihin nito. Matalik na kaibigan nya ito at bihasa ito sa pakikidigma kaya ito narin ang pinili nyang isama sa mission nya. Isa itong aeros pero hindi nakikita ng mga mortal ang pakpak nito. Pumasok na sya nang portal at sa isang iglap ay nasa labas na sya ng palasyo. Pagpasok nya ng gate ay nakita nya kaagad si Seb na kausap si Nadia sa hardin. Hindi pa sya nakakalapit ng itinaas ni Seb ang isang kamay at sumenyas na tumigil sya. Kahit na naiirita sa inasal nito ay huminto naman sya. Seryoso ang dalawa sa pag-uusap ng nagpaalam na si Nadia. "Ibinilin ko kay Gustavo na kung maaari ay limitahan ang pagpunta mo dito," mariin nitong sabi. "Bakit kailangan ko pang pumasok sa paaralang yun? Kaya ko namang tapusin ang mission ko ng hindi nakikihalubilo sa mga tao," tanong ni Travis dito. "Kayang tapusin? Sa anong paraan? Pagpatay?!" galit nitong sabi. Sabi ko na nga ba. "Isang kudos si Faustino, marami syang pinatay na mortal. Isa pa ay kailangan na nating mahanap agad ang Amory. Naging sagabal sya kaya tama lang ang ginawa ko," paliwanag nya dito. "Ang padalos dalos at pagka iritable mo ang magpapahamak sayo kapatid. Buo na ang desisyon ko." Tumalikod ito tanda na pinapaalis na sya nito at ayaw ng makipag-usap. Napakuom nalang sya sa inis. Ayaw na ayaw nyang nakikihalubilo sa mga mortal pero wala syang magagawa. Tumalikod narin sya at binuksan ulit ang portal. Sebastian's POV Pag-alis ni Travis ay napabuntong hininga sya. Padalos dalos ito sa mga desisyon. Nagpapadala ito sa init ng ulo. Dahil sa pagkawala ng Amory ay unti-unti ng nagbabago at nawawalan ng balanse ang maharlika. Lahat ay takot at nababahala. Marami narin ang nagkakasakit ayon kay Nadia. "Sebastian! Ang hari at reyna!" tawag ni Lucas sa isip nya. Dali dali syang pumunta ng Hidden Sanctuary, lugar kung nasaan ang puno ng Amory. Alam nyang nandoon lang ang Hari at Reyna. Pagpasok nya ay nakita nya agad ang Hari na nakahawak sa dibdib nito. "Ama!" Nilapitan nya ito. "Sinabi ko sa kanya na magpahinga muna sila kahit saglit," nag-aalalang sambit ni Rias. Tinitigan nya ang puno ng Amory. Ang ibabang bahagi nito ay unti-unti ng lumiliwanag pero ang itaas na bahagi nito ay sunog na sunog pa. Dati ay sunog ito mula ibaba hanggang itaas pero dahil sa pinagsama samang kapangyarihan at lakas nila ng Hari, Reyna, Lenie, Lucas, Rias ay unti-unti itong naaayos. Wala narin silang ibang aasahan pa dahil sa royal blood at guardians lang ang nakakapasok dito sa hidden sanctuary. Nagulat sila ng napaupo ang Reyna. Nilapitan naman ito ni Rias. Humarap sya sa Hari. "Magpahinga po muna kayo Ama," sabi nya dito. "Hindi pwede! Hindi nyo makakaya ni Lucas at Rias na maibalik ang Amory ng kayong tatlo lang," mariin nitong pahayag. "Ama, sa ginagawa nyo po ay pinapahamak nyo ang sarili nyo at ang Reyna," sagot nya dito. Tumingin naman ito kay Ina at bakas sa mga mata nito ang awa. Napaluha ito, "Kailangan nating maibalik sa kaayusan ang Amory kundi mapapahamak ang lahat ng mga maharlikan," patuloy nito. "Naiintindihan po namin yun, pero kung pati po sarili nyo ay nilalagay nyu sa kapahamakan ay mas lalo po tayong mahihirapan. Ginagawa po namin ang lahat ama," sagot nya. Hindi na ito nakakibo pa kaya sinenyasan nya si Rias at tumango naman ito. Hinatid nito ang Hari at Reyna sa kanilang kwarto. Napahawak sya sa sintido nya dahil sa stress at pagod. Pagdating ni Rias ay sinimulan ulit nila. Nakataas ang kanilang mga kamay at nakatutok kung nasaan ang puno ng Amory. Patuloy nila itong sinusuplayan ng kapangyarihan at lakas. "Pati kayo ay magpahinga muna," sabi nya sa dalawa. "Alam natin ang mangyayari pagtumigil tayo dito Seb," ani Lucas. Mababakas narin dito ang pagod. Magsasalita rin sana si Rias ng bigla itong napaupo at hinang hina. Mas maraming enerhiya ang kinukuha sa kanila ngayon ng dahil sa tatlo nalang sila. Nilapitan nya ito. "Lucas, tanggalin mo muna ang harang na nilagay mo sa buong hidden sanctuary," utos nya dito. Sinunod naman agad nito. May mga ibinulong lang ito sa hangin at maya-maya ay lumapit narin ito sa kanila.  Dahil sa tinanggal ni Lucas ang harang ay malaya ng nakakahigop ang puno ng Amory ng mga enerhiya sa buong Maharlika. Panandalian lamang dapat ito dahil maaari itong ikamatay ng lahat na mga nilalang. Ang puno ng Amory ang blood line ng lahat ng mga nabubuhay dito sa maharlika. May kakayahan itong makapagbigay ng life essence pero dahil sa nasunog ito ay hinihigop nito pabalik ang life essence. Kailangan ng mahanap ni Travis ang Amory sa lalong madaling panahon. ___   ___ Hello mga lovez Alam ko pong medyo naguguluhan po kayo kung ano po ang connection ng pulang itlog at ng Amory. Hehe Sa susunod na chapter ay malalaman nyo na po. Thank you sa pag support Lovelots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD