CHAPTER 5: Goodbye Charles

2062 Words
___   ___ Lumipas ang isang linggo, nailibing na si Pao at ang parents ni Charles. Kasalukuyang nasa canteen sila Eura at naglulunch ni Merry at Rosy ng dumaan si Charles, Mike at Simon. Tumigil sila sa harap ng lamesa nila. "Eurs, pwede ba tayong magkita mamaya after class?" nakangiting tanong ni Charles. Kakaiba ang aura nito ngayun. Nakatali ang medyo kulot at hanggang balikat nitong buhok.  Napatigil si Eura sa pagnguya ng marinig nya ang sabi nito. What? Magkita? Hehehe... date na ba yan baby lovez... hehe "Umm, oo naman," maikli nyang sagot. Gumanti sya ng ngiti rito pero hindi sya nagpahalata na kinikilig, syempre dalagang pilipina tayo eh.  Tumango lang ito at umalis na sila. Nakita nya naman si Mike na tumingin ulit sa kanila at kumindat. "Ang yabang!" inis na sabi ni Merry. Napatingin sila ni Rose ng sabay sa kanya. Nakayuko ito at nagpatuloy na sa pagkain pero halata parin ang namumula nitong mukha. Sabay silang tumawa ni Rosy, "para sayo ba yon Mers?" tanong ni Rosy dito. "Anong meron ha? hahahaha," asar pa ni Eura dito. Simula palang ng burol ni Pao ay halata na naman nila na may something kay Mike at Merry pero hindi na muna nila pinansin. "Wag mung ibaling samin ang issue Eurs, ikaw dyan ang may mga hindi pa kinukwento samin ni Rosy. Anu yang kita kita after class na yan ha? Akala ba namin F-R-I-E-N-D-S lang?" ani Merry sabay dila nito sa kanya.   Naikwento nya na kasi lahat ng nangyare sa kanila simula sa unang kita nya sa naka maskarang lalaki sa Little Baguio hanggang sa nailigtas nila si Justine. "Sinabi ko naman lahat na diba? Malay ko ba kung may itatanong lang ang tao. Kayo napaka malesyosa nyu," sagot ni Eura. "Wait lang Eurs, yung tungkol sa itlog? Malaki ba talaga? Di kaya sa dinosaur yun?" pabulong na tanong ni Rosy.  "Baliw! May dinosaur paba dito? Kung meron man, tiyak na ikaw unang kakainin, galit yun sa mga nakapulang bestida. Haha," ani Merry. Napanguso naman si Rosy at sabay tingin sa bestida nya, "bagay naman sakin ah. Inggit kalang, bigyan kita bukas. Bleeeeehh...." "Yuck! mapapaluha mo muna ako ng dugo bago mo ko mapasoot nyan," nakangiwi nitong sagot. Nako at nag-asaran pa talaga. "Pero alam mo naisip ko rin na baka hindi talaga yun itlog, baka ginto yun o di kaya mamahaling bato ang nasa loob. Kasi diba sabi mo eh handang pumatay ng maraming tao yung naka maskara para makuha lang yun? Sa panahon kaya ngayun eh halos ginto o pera na ang sinasamba ng mga tao nuh," mahabang pahayag ni Merry. Napatingin naman sila dito. May point nga naman ito. "Pero kasi magaan sya. Diba mabigat ang ginto?" sagot naman ni Eura dito habang umiinum ng orange juice. "Diba na kay Charles? Sabihin mo mamaya sa kanya kung pwede nating tingnan? Hehe," ani Rosy. "Tingnan ko, pero sa isang kondisyon." Kumuha si Eura ng papel at ballpen. Sinulat nya sa papel ang "MAUUNA KAMING UUWI MAMAYA AFTER CLASS AT HAHAYAAN NALANG NAMIN NA UMALIS SI EURA KASAMA SI CHARLES." Signed by:  Signed by: "Ayan pirmahan nyu," nakatinging pahayag nya sa dalawa. Mabilis namang pumirma si Rosy.  "Ayoko," maikling sabi ni Merry at tumayo na para umalis. Kinuha naman ni Rosy ang papel at hinabol si Merry. Tumayo narin si Eura at naglakad na palabas ng canteen.  Nakakatawang tingnan ang dalawa habang pinipilit ni Rosy na pirmahan ni Merry ang papel, nang biglang maagaw ang pansin ni Eura ng isang lalaking estudyante na nasa rooftop ng Building A. Ang building A ay may apat na palapag. Nakaharap ito sa canteen kaya kitang kita kung may mga tao man sa taas.  Nakatingin ito sa gawing Little Baguio.  Teka, pamilyar sakin ang lalaking to. Napahinto si Eura bigla ng maalala nya. Ito yung lalaking nakita nya sa labas ng banyo nung araw na pinauwi silang lahat ng Director. Ito ang gwapong lalaking sugatan.  Tumingala ulit sya sa rooftop para tingnan ulit ito. Sabay nang pagtingin nya ay ang pagbaba naman ng tingin nito sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumilis ang t***k ng puso nya. Hindi nya maalis ang tingin nya dito. Nakapamulsa ito at seryoso ang tingin. "Eurs! Ano na?" tawag sa kanya ni Rosy.  Saka lang sya natauhan at tumakbo papalapit sa kanila. ___   ___ Mga 10 minuto palang na nag-umpisa ang lecture nila sa Religious Education III ng tumigil sa pagsasalita si Mr. Denaque at humarap sa pintuan. "You are the new student?" tanong nito sa labas. Hindi ni Eura makita kung sino ang tinutukoy nito dahil sa gawing dulo na sya ng classroom nakaupo. Napa awang ang bibig nya ng pumasok ang lalaking nakita nya sa rooftop.  "Class, may bago kayong kaklase sa ibang mga subjects ninyo. He's taking up Financial Management just like you. Introduce yourself to the class," ani Mr. Denaque. "I'm Travis Lopez," walang ka emo-emosyon nitong sabi. Rinig ni Eura naman ang bulungan at halinghing ng mga babae nilang mga kaklase. Transfer student pala ito. Pero anung nangyare dito nung nakaraan at sugatan ito?  Napatigil naman sya sa pag-iisip ng dumaan ito sa gilid at umupo sa likuran nya. Sinandal nito ang mga paa sa baba ng upuan nya kaya bahagyang tumagilid ang upuan. Tumayo si Eura at inayos ito dahilan para makatingin sya dito. "Excuse me," sabi nya dito. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi inaalis ang mga paa nito.  "I said, excuse me Lopez," ulit nyang sabi dito. "Is there a problem Eura?" tanong naman ni Mr. Denaque.  Nakatingin narin lahat ng mga kaklase nila pati si Merry na nasa gawing kaliwa at Rosy na nasa kanan nya naman.  "Wala po Sir, Sorry po." Umupo nalang sya kahit na medyo nakatagilid parin yung upuan. Tumingin ulit si Eura kay Lopez at sinamaan ito ng tingin.  Ngumisi ito ng nakakaloko. Arrrrrgggggggg!!!!! Talaga lang ha! Kunin ko yang mata mo eh. ___   ___ "Yes Manoy, si Charles na po maghahatid sakin pauwi. Sige po." Binaba ni Eura ang phone at nilagay sa loob ng bag. One week naring nakabalik si Manoy sa bahay nila kaya hatid sundo na ulit sya. "Rosang, akin nayan!" pilit kinukuha ni Merry ang papel kay Rosy. Nasa labas sila ng gate at hinihintay si Charles. Sinamahan sya ng dalawa kasi may sasabihin daw sila kay Charles bago sya dalhin nito. "Ayoko ko nga! Napirmahan mo na to eh, wala ng bawian. Mas lalong di ko to bibigay sayo Meryang! Hahahaha," ani Rosy. Nag-aagawan pa ang dalawa ng huminto ang sasakyan ni Charles.  Dumungaw ito, "Hi Eurs, Merry and Rosy," nakangiti nitong bati. Hindi pa si Eura nakakapagsalita ay pumunta si Merry sa tapat ni Charles. "Charles, tistigo kaming ikaw ang kasama ni Eura. Pag may nangyareng masama dyan ikaw babalikan namin." Gumuhit ito sa leeg na parang kikitil ng buhay.  Natatawa namang tumango si Charles. Aba'y nagbanta pa. Umiling iling nalang syang pumasok ng sasakyan at nagpa-alam na sa mga ito. "Ang swerte mo sa mga kaibigan mo nuh," sandaling tumingin ito sa kanya. "Hehe yun nga lang medyo over protective," mahina nyang tugon. Kahit papaano naman ay hindi na sya masyadong nahihiya kay Charles. Sana nga ay ganito nalang palagi. Dati ay sa malayo nya lang ito napagmamasdan, ngayun ay katabi nya na at kausap.  "Anong prefer mo? Chinese? Japanese? Korean food?" tanong nito. "What? Kakain tayo sa labas?" hindi makapaniwalang humarap sya dito. OMG! Hindi ko naman inexpect na magde-date talaga kami nuh! Shockkkksssss!!! para syang naiihi na ewan. "Yup, don't worry nagpa alam na ko sa Mom mo na mag di-dinner tayo at ihahatid kita after," anito. Naikwento narin kasi ni Eura sa parents nya ang lahat ng nangyare kaya nakausap at nakilala narin ng mga ito si Charles.  Napagdesisyunan nilang sa isang Korean Restaurant nalang kumain. Marami naman silang napag-uusapan. Masaya si Charles kasama pero minsan ay naiilang sya sa mga titig nito. Tumatawa sila ng bigla syang magulat ng dumapo ang daliri nito sa gilid ng bibig nya. Dyosmiyo! Si Charles pa talaga ang pumunas ng dumi ko sa mukha. Napayuko sya dahil sa hiya. "Beautiful!" mahina nitong sabi.  "Ha?" kahit rinig na rinig nya naman ay napatanong sya. Syempre para ulitin nya. Hahahaha "Sabi ko, may dumi sa mukha mo," anito. "Saan? Dito ba? Dito? or Dito?" sinasapo sapo nya ang mukha para makuha kung saan man ang dumi na tinutukoy nito. Tawang tawa naman ito kaya napatigil sya. "Ako ba'y pinagtitripan mo Mister?" tinaas nya ang isa nyang kilay. Kunwari ay galit sya dito. Tumigil naman ito sa kakatawa at tumitig sa kanya. "Pag umalis ako malulungkot kaba?" biglang sumeryoso ang expression ng mukha nito. Nagulat si Eura sa tanong nito.  "Saan ka naman pupunta?" tanong nya. "Si Auntie and Uncle kasi nag decide na mas makabubuti kay Justine na doon mamalagi muna kasama nila sa Canada. Ayaw ko namang mahiwalay si Justine sakin, sya nalang ang natitira sakin," pahayag nito. "Kung yun ang makabubuti eh gawin mo, bakit naman ako magagalit diba? Wala namang tayo. We're just friends," malungkot nyang tugon dito. Nagulat sya ng hawakan nito ang kamay nya na nasa table. "Sa maikling panahon na lubos kitang nakilala ay napalapit kana sakin kaya nalulungkot din ako pero I have no choice, my brother needs me." Pinisil nito ang kamay nya. Tama sya kailangan talaga ito sa ngayon ni Justine. Dahil sa nangyare ay lubos na naapektuhan ang murang isip ng bata. Palagi itong umiiyak at natatakot kahit wala namang nangyayare. Naiintindihan nya naman ito pero syempre nalulungkot din naman sya nuh.  Kung kailan naman pa-bloom na ang kung anong meron sila ay ngayon naman ito kailangang umalis. "Ano kaba? Okay lang naman nuh! Friends tayo kaya susuportahan kita," ngumiti sya rito. "Hindi mo ko mami-miss?" tanong nito. "Hahahah, baliw!" Hinampas nya ito sa braso. Sa huli ay nagtawanan nalang silang dalawa.  Nagkwentuhan pa sila bago sya nito hinatid sa bahay. "Magandang gabi po Nay Rosa!" bati ni Charles dito. Tumango naman ito at ngumiti.  "Nay, si Mom and Dad?" tanong nya. "May pinuntahan pero kanina pa yun baka maya-maya eh darating na. Papasukin mo muna si Charles at kukuha ako ng maiinum nyu." Pumunta ito ng kusina. "Wait may kukunin lang ako sa sasakyan," paalam nito. Pumunta naman sya ng garden para doon na ito hintayin. Pagbalik nito ay may dala na itong malaking box na puti. "Eurs, pwede ba akong makiusap sayo?" Nilapag nito ang box sa lamesa. "Sige ba basta kaya ko." Tumango sya. Binuksan nito ang box at pinakita sa kanya ang laman. Nasa loob nito ang itlog na pula. "Pwede bang sayo nalang to? Hindi ko kasi alam pa kung ano gagawin ko dito," anito. "Ha? Eh.. sure ka? Hindi pa nga natin alam kung ano yan diba?" sabi nya dito. "So itapon nalang natin to?" anito. "Akin na nga, oo na. Pero kung may maghahanap eh ibibigay ko to." Kinuha nya ang box at tinakpan ulit ito. "Eurs, thank you for everything ha? Hindi naman tayo lubos na magkilala yet tinulungan mo parin ako, kami ni Justine," anito habang nakatitig sa kanya. "Kung ikaw rin sa kalagayan ko, I know you would the same naman so welcome!" sagot nya. "Iniwan nga kita diba? Nahihiya ako sa sarili ko tuwing naaalala ko yun," sabay kamot sa ulo nito. Nagtatawanan silang dalawa ng dumating si Nay Rosa at nilapag ang coffee.  Mga ilang minuto rin silang nag-usap at nalaman nyang next week na pala ito aalis. Nakakalungkot pero wala syang magawa. Wala naman syang karapatan para pigilan ito at isa pa ay may rasun naman ito kung bakit aalis. Tumingin ito sa relo. "Mauna na siguro ako Eurs, baka hinihintay na ko ni Justine ee," sabi nito. "Sige hatid na kita." Tumayo na sila at nagpaalam narin ito kay Nay Rosa na aalis na. Bago ito pumasok sa sasakyan ay niyakap sya nito. Tumulo ang luha ni Eura pero agad nya naman itong pinunasan. Ayaw nyang makita nito na sobra talaga syang apektado. Wala naman talaga itong kaalam-alam na matagal na syang may gusto dito. First and last hug. Pag-alis ni Charles ay dinala nya sa kwarto ang itlog. Nagready narin syang maligo pero parang ayaw nyang basain ang katawan nya especially yung kamay nya.  Kinuha nya ang cellphone at binuksan ang youtube.  Nag jo-joke ba to sakin at Heaven knows pa talaga ang una kong nakita? Pinindot ko ito at nag-umpisa ng maligo. He's always on my mind From the time I wake up 'til I close my eyes He's everywhere I go  He's all I know Haaaaayyyysssss...  Pwede bang sabihing hindi? Huwag?  Bakit ganon?  For how many years na ina-admire nya si Charles ay ngayon lang sila nabigyan ng chance para makapag-usap. Hindi pa nag-uumpisa ay mawawakasan na. Para syang binigyan ng paborito nyang pagkain, isusubo nya na ay binawi pa. So tell me where do I start 'Cause it's breakin' my heart Don't want to let him go.. Ganito pala ang feeling kapag iiwan ng taong importante sayo. Pero katulad nito ay wala rin syang choice. Kahit hindi nito sabihin ay alam nya namang katulad ni Justine ay nahihirapan din ito at kailangan din nitong magpakalayo-layo muna. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin. Hindi nya manlang nasabi ang nararamdaman nya para dito. May magbabago ba? Pagsinabi nya bang may gusto sya dito ay hindi na ito aalis?   Maybe my love will come back some day Only heaven knows And maybe our hearts will find a way Only heaven knows And all I can do is hope and pray 'Cause heaven knows  Hanggang sa muli Charles... She silently cried that night... ___   ___ Hello mga lovez... Nakakalungkot man ay magpapa-alam muna si Charles sa ating bida..Huhuhu Thank you po for all your support and love.. Lovelots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD