CHAPTER 4: Lady in RED

2045 Words
Someone's POV: "FAUSTINOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" dumadagundong na tawag nito. Biglang dumilim ang buong palasyo. Kumidlat at kumulog ng pagkalakas-lakas. Lahat ng mga hayop ay takot na nagsisitaguan. Ilang segundo palang ang nakakalipas ay wala ng kahit anong nilalang ang nasa labas. Alam ng lahat na galit nanaman ito. Takot na binuksan ng isang alagad ang malaking pintuan ng palasyo. Pumasok si Faustino. Sa hindi kalayuan ay may isang babaeng naka pulang balabal. Nakatalikod ito kaya hindi makikita ang galit na galit nitong mukha. "Mahal na kamahalan!" lumuhod at yumuko ito bilang pagbati at respeto dito. "Nasaan na ang AMORY! Hindi ko nararamdaman ang presensya nito sayo," nakatalikod paring saad nito. "Sabi mo ay nahanap mo na! Pero isang linggo na ang nakararaan ay hindi mo pa dala!" kasabay nito ay ang pagkulog ng malakas. "Totoo pong nahanap ko na ang Amory kamahalan ngunit may mga taong kumuha nito," nakayuko parin ito. Bigla itong humarap. "Nagpapatawa kaba Faustino? Mga tao lang ang kumuha nahihirapan kapa?" "Aaaaahhhhhhh!!!" sigaw ni Faustino. Tinamaan ito ng malaking bolang apoy sa tyan. "Maawa po kayo kamahalan. Bukas na bukas rin po ay dala-dala ko na ito." Tumayo ito mula sa pagkakabagsak. "Tandaan mong hawak ko ang anak mo!" Tumalikod ito at biglang nawala. Pagkaalala sa anak ay napahagulgol ito ng iyak. Mahal na mahal nito ang anak. Naglakad ito papalabas ng palasyo hawak-hawak ang tyan nito. "Kung hindi lang para sa anak ko ay hindi ako papatay ng mga walang kalaban-labang mga tao," nasaisip nito. ___ ___ EURA's POV: Maaga palang ay gising na si Eura. Hindi sya masyadong pinatulog ng mga ikinuwento sa kanya ni Charles kagabi. Halong kaba, awa at pag-aalala ang nararamdaman nya para dito. Tumayo na sya at nag ayos. Pagbaba nya ay nakita nya si Nay Rosa na nagluluto ng almusal. "Good morning po Nay!" maligaya nyang bati dito. "Oh, ang aga mo ngayon. Gisingin mo na ang bisita mo at ihahanda ko lang ang almusal nyo," saad nito. Pagtapat nya sa pinto ng guest room ay bahagya itong nakabukas. Kumatok sya ng mahina at binuksan ito dahan-dahan. Pagtingin nya sa kama ay wala syang nakitang Charles. Lumapit sya sa lamesa at may nakita syang maliit na note. Eura, Salamat sa pakikinig at pagpatuloy mo sakin dito. Pasensya kung hindi ako nakapagpaalam pero hindi rin naman ako makakapagpahinga ng maayos dahil sa lahat ng mga nangyare. Hindi ko kayang matulog habang hindi ako siguradong ligtas si Justine. If you really wanna help, just stay safe please. Para naman makabawi ako sa pag-iwan ko sayo sa little baguio. Charles Napaupo sya sa kama. Hindi nga yun sa kanya nangyare pero nahirapan parin sya sa pagtulog paano pa kaya si Charles na sya ang nagdadala ng lahat ng ito. Tumayo sya at dali-daling kinuha ang maliit nyang bag. Pagbaba nya ay nasalubong nya si Nay Rosa. "Handa na ang almusal nyo." "Nay, aalis po muna ako. Bye po," mabilis nyang sabi. Papalabas na sya ng pinto nang, "umalis na po si Charles nay," habol nyang sabi dito sabay sara ng pinto. Sa katigasan ng ulo nya, heto sya ngayon sa labas ng bahay nila Charles. Urban modern ang style ng bahay. Sa labas palang ay mapapansin nang alagang-alaga ito. Umagaw ng pansin nya ang swan fountain na nasa gitna ng bakuran. Napapaligiran ito ng mga puting rosas. Palagi nya itong nakikita tuwing tinitingnan nya sa malayo si Charles pero hanggang ngayon ay nahuhumaling parin talaga sya dito. Napatingin sya sa dami ng taong nakapaligid sa labas ng bahay. Lahat ay mukhang nakiki-usyuso. May mga pulis ding labas masok sa loob ng bahay. Nakita nya si Simon. "Mon!" tawag nya rito habang papasok ng gate. Mabilis naman itong napatingin sa gawi nya. "Si Charles?" tanong nya rito. "Eurs, ikaw pala. Umalis si Charles kasama ng auntie at uncle nya. Inaasikaso nila ang bangkay ng Mommy at Daddy nya," mahinang sagot nito. "May balita naba sa kapatid nya?" tanong nya. Umiling naman ito. "Eurs! Anong ginagawa mo rito?" Papalapit na saad ni Mike. Umakbay ito kay Simon. "Ah..Eh..Ah.." shocks! Ano sasabihin ko? Baka isipin nila na may something samin ni Charles pag sinabi ko ang totoo. Kinaway-kaway ni Mike ang kamay nito sa harap ng mukha nya. "Eurs, okay kalang?" ngumite ito ng bahagya. "Ahmm, oo naman. Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa pamilya ni Charles kaya ako nandito," mahina nyang sagot. Napatingin sila bigla sa labas ng gate ng dumating ang sasakyan ni Charles. May lumabas ng sasakyan na isang babae at isang lalaki. Mga nasa late 40's na ang lalaki at early 40's naman ang babae. Unang lumapit ang babae. Namumula pa ang ilong nito tanda ng kakatapos lang nitong umiyak. "Condolence po!" sabi nya habang nakayuko. Halata naman na ito ang Auntie na sinasabi ni Simon kanina. "Thank you! Kaklase ka ni Charles iha?" mahinang tanong nito. "Girlfriend po ni Charles Auntie!" singit ni Mike. Pinandilatan ni Eura ito ng mga mata. Napatingin sya sa papalapit nyang boyfreind! Ay! Chaaar lang masyado ko naman ginampanan kaagad. Haha "Auntie, uncle si Eura po," pagpapakilala nito. Matipid namang ngumite ang Auntie nito. "Uncle, kayo na po muna ang bahala dito? May lalakarin lang po kaming importante," paalam ni Charles. "Sige, ako na muna ang kakausap sa mga pulis tungkol sa update kay Justine," seryoso lang itong nakatingin sakin. Yaaaaayyyy! Nakakatakot naman uncle nito. Bigla syang hinawakan ni Charles sa kamay at dali-daling lumakad papuntang sasakyan. Kasunod namang pumasok sina Mike at Simon. "Alam ko namang pupunta ka dito." Tumingin ito sa gawi nya. Hindi makatingin si Eura dito dahil ramdam nyang namumula nanaman ang mukha nya sa hiya. Shockkksssss talaga grabe!!!! Hindi sya makapagsalita, hanggang ngayon ay ramdam nya parin ang init ng palad ni Charles. Lalong uminit ang mukha nya sa naisip. Pinaandar ni Charles ang sasakyan at tumingin nalamang sya sa labas ng bintana. "Sure kang nandoon pre?" tanong ni Simon. "Wala namang iba pang pagtataguan si Pao. Kung wala don, baka makahanap tayo ng kahit anong clue manlang," ani Charles. "San tayo pupunta?" tanong ni Eura dito. "Sa bahay nila Pao. Doon natin unang hahanapin ang itlog. Sure kabang sasama ka?" Tumingin ito ng sandali sa kanya. Tumango naman sya. "Nangako ako diba?" tipid nyang sagot. "Urrrrggggg...meron ba tayong hindi nalalaman pre?" nang-aasar na tanong ni Mike kay Simon. Napangiti naman sya ng palihim. ___ ___ "Baliw ka Mike! Sigurado kabang dito tayo dadaan? Ang liit-liit nito?" turo ni Simon sa maliit na bintana sa likod ng bahay nila Pao. Sabi ni Charles ay nawala daw ni Mike ang susi na bigay ni Tita Sabel, ang Mommy ni Pao, ng nagpaalam sila ditong may kukuning project sa kwarto ni Pao. "Nakalimutan mo bang dyan dumadaan si Pao kapag di sya pinapayagang lumabas dati?" ani Mike. Bigla namang nalungkot ang lahat ng maalala ang isa sa mga masasaya nilang mga katarantaduhan ng buhay pa si Pao. "That was 3 years ago pa," mahinang sagot nito pero una itong sumubok makapasok. Nahirapan man eh nakapasok ito. Sunod na nakapasok ay si Eura. Syempre sexy kaya walang kahirap-hirap. Wahahaha! "Ayos lang ba braso mo?" turo ni Charles sa maliit na galos sa kaliwang braso ko. "Okay lang, masyadong maliit lang talaga ang bintana. Hehe," binuko pa ko nito. Naghanap sila sa buong kwarto pero wala talagang pulang itlog na malaki. "Mukha yatang sa tindahan lang tayo makakahanap ng pulang itlog nito," birong sabi ni Mike. Tumawa naman sila ng bahagya. Kahit naman naghahanap sila ay sinisiguro nilang binabalik nila sa maayos ang bawat gamit sa loob ng kwarto. Kasalukuyang nasa loob si Eura ng walk in cabinet ng may napansin syang umiilaw sa pinaka ilalim na bahagi ng isang drawer. Binuksan nya ito at dali-daling tiningnan ang nasa loob. May malaking bagay sa loob na tinatakpan ng puting tela. Kinuha nya ang tela at may nakita syang isang itlog na kulay pula. Makintab ito. Sinubukan nya itong kunin. Kung anong laki nito ay ganon naman ito kagaan. Habang naglalakad sya palabas ng walk-in cabinet ay pahina ng pahina ang liwanag nito. Napatingin silang tatlo sa kanya. Makikita sa reaction ni Charles na natutuwa ito at nahanap na nila ang itlog. "May 30 minutes pa tayo," nakangiti itong tumingin sa kanya. Mabilis silang sumakay sa sasakyan at umalis. Si Eura ang taga hawak ng itlog. Magaan naman kasi ito talaga. Hindi ito katulad ng isang ordinaryong itlog na matatakot kang hawakan dahil baka mapisa bigla. Para itong semento sa loob pero magaan. "Seryoso kaba pre na hindi natin sasabihin sa mga police?" nag-aalalang tanong ni Simon. Kwento ni Charles kanina habang hinahanap nila ang itlog sa kwarto ni Pao na pag-uwi daw nito sa bahay nila ng madaling araw ay may nakita itong nakasulat sa malaking salamin sa loob ng kwarto nito. Ang nakasulat ay "Montelebano. Buhay kapalit ng buhay!" Wala namang iba pang maisip si Charles na kinuha nila kundi ang itlog lang. Siguro ay napaka importante nito para sa lalaking nakamaskara. "Hindi na, baka mas malagay sa panganib si Justine," ani Charles. ___ ___ Faustino's POV: "Tumigil ka! Ang ingay mo!" sigaw nyang sabi sa bata. Nakatali ang mga kamay at paa nito sa upuan. Mula pagkuha nya dito ay wala itong tigil sa pag-iyak. Hindi nya man gustong pumatay ng mga tao ngunit nasa panganib ang anak nya. Nagpatulong pa sya kay Wura (wicked witch) para lang mahanap ang Amory. Alam nyang may hihingin itong mabigat na kapalit pero wala na syang pakialam kahit buhay nya pa ang kapalit. Pero kung kailan naman nahanap nya na ito ay may kumuha naman dito. Kung hindi lang pakialamero ang mga mortal ay kasama nya na sana ang anak nya ngayon. "Ahh!" bigla syang napahawak sa tyan nya. Nawala na ang bisa ng gamot na ininum nya. Kinuha nya ang isang dahon na naglalaman ng mico (maliit na gamot na kapag ininum ay sandaling manunumbalik ang lakas at mawawala ang sakit na nararamdaman). Bigay rin ito sa kanya ni Wura. Iisa nalang ang laman nito kaya dapat ay makuha nya na agad ang Amory. "Uncle, ano po yan? Pwede pong pahingi? Nagugutom na po ako," nakatingala ito sa kanya. Magsasalita pa sana sya ng may bumaong pintado sa tagiliran nya. Isa itong uri ng patalim na kung matatamaan ka ay panandaliang hindi ka makakaalis sa iyong kinatatayuan. Alam nya kung sino ang nagmamay-ari nito.Linteks! Paano nya ko nasundan dito. Bigla itong sumulpot sa kanyang harapan. "Nahirapan kaba sa paghahanap sakin?" nakangisi nyang sabi dito. Sinuntok sya nito ng paulit-ulit pero manhid na ang buo nyang katawan. "Nasaan ang Amory!" sigaw nitong tanong. Napahagolgol naman ang bata dahil sa lakas ng sigaw nito. Sabay silang napatingin dito. "Hindi ka parin nagbabago Travis. Hahahaha," pang-aasar nya pa dito. Dahil sa sinabi nya ay lalo itong nagalit. ___ ___ Eura's POV: Tumigil sila sa isang abandonadong warehouse. Sa labas ay may nakasulat na Montelebano Corporation. Mga dalawang taon na itong pinasara dahil sa naging aksisori ito ng mga illegal na gawain ng may-ari. Buo na ang plano. Si Charles ang magdadala ng itlog papasok ng warehouse at hahanapin naman ni Simon at Mike si Justine. Lalabas na sana si Eura ng bigla syang hinawakan sa braso ni Charles. "Maiwan ka dito Eurs, ikaw ang mata dito sa labas. Mas delikado pa pag pati ikaw ay lumabas. Siguraduhin mong naka lock ang mga pintuan," mariing sabi nito sabay kuha sa kanya ang itlog at umalis na. Gusto nya mang sumama ay wala na syang nagawa. Siguro nga ay mas mabuting nandito sya dahil baka maging pabigat lang sya kapag sumama pa. Hinayaan nya nalang na nakaandar ang sasakyan para naman kapag may humabol pa sa kanila ay makaka-alis sila kaagad. Tatlong minuto palang na nakakapasok sila Charles ay karga-karga na nito si Justine at hawak-hawak naman ni Simon ang itlog. Bumaba si Eura ng sasakyan at sinalubong sila. "Anong nangyare?" tanong nua. "Pagpasok namin ay nakita namin nakahandusay na ang lalaking nakamaskara. Si Justine ay nakita naming umiiyak sa isang upuan at nakatanggal na ang pagkakatali dito," mahaba nitong paliwanag. Taka man ay sumakay na sila ulit ng sasakyan. Sa likuran na si Eura pumwesto para mahawakan at mabantayan nya si Justine. Habang papauwi ay walang may gustong magsalita. Ibang iba ito sa ini-expect nila na mangyayare pero bakas naman sa mukha ni Charles na kahit papaano ay masaya ito dahil ligtas si Justine. Pagdating nila sa kanila ay wala na ang mga pulis. Ang auntie lang ni Charles ang nasa bahay at tuwang tuwa naman itong tumawag sa asawa nito dahil sa nahanap na si Justine. Kinarga nito si Justine at nagpa alam na aasikasuhin muna ang bata. "Pre! Salamat sa inyo ha?" sabi ni Charles. Nagkamay-kamay naman ang tatlo. "Sino pa ba ang aasahan mo kundi kami lang din diba?" ani Simon. Napangiti naman si Eura dahil sa kahit wala silang ideya sa nangyari ay nakuha parin nilang buhay at ligtas si Justine. Nabigla naman si Eura ng lumapit sa kanya si Charles. "Thank you!" anito habang nakahawak sa kanyang mga palad. Para naman syang matutunaw dahil sa hiya. Ang bilis ng mga pangyayare. This was the hardest week for all of us especially to Charles yet I'm still grateful na wala ng iba pang nasaktan. Akala nila ay tapos na pero this is just the... BEGINNING! ___ ___ Hello mga lovez... Yes! Sa wakas ay na feature narin natin si Travis kahit sandali lang. Abang-abang lang po dahil two updates po tayo ngayong araw. Hehe Please like and follow for more updates... Lovelots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD