CHAPTER 3: Charles

2049 Words
Sa pagkagulat ay kinagat nya ito. "Aray!" mabilis nitong tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ni Eura. "Charles?" gulat nyang tanong dito. "Pssssssttttt! Wag kang maingay!" mahinang saway nito.  "Anong nangyare? Sino yun? Bakit ka gustong patayin?" sunod-sunod nyang tanong dito. "Wait lang, nasundan kaba dito?" tanong nito. Mabilis naman syang umiling. "Pasensya kana ha? Iniwan kita kanina. Ang nasa isip ko lang kasi kanina ay kung paano makakatakas. Huli na ng maisip ko na ikaw naman ang nalagay sa panganib." Yumuko ito. Imbes na magalit ay awa ang naramdaman nya para dito. "Sige na okay na sakin yun. Importante pareho tayong buhay. Pero gusto kong malaman kung ano ang mga nangyayare. Total eh involve na rin naman ako dito." Umupo sya sa kama. "Sige sasabihin ko pero hindi dito at may isa muna akong pakiusap sayo," seryosong sabi nito. "Pag bumalik ang guard kanina or may dumating na mga police para kausapin ka, pwede bang wag mo nalang banggitin ang pangalan ko?" pagpapatuloy nito. Bigla namang tumaas ang isang kilay ni Eura dahil sa sinabi nito. "Teka,teka! May iba akong dahilan. Promise, sasabihin ko sayo mamaya. Sa labas ng gate hihintayin kita," anito. Magsasalita pa sana si Eura nang biglang sumilip ang nurse at tinanong kung okay na ang pakiramdam nya at nasa labas na ang guard. Sinama sya ng guard papuntang Director's office. Sa labas ay may nakita syang dalawang police, isang lalaki at isang babae. Pagkakita sa kanya ay mabilis naman syang pinapasok ng Director. Sa loob ay tatlo lang sila. Si Eura, ang Director at ang policewoman. Sinabi ni Eura na may nakita syang lalaki na pumasok sa Little Baguio, na curious sya kaya sinundan nya ito. Nang kakasunod nya ay bigla nalang itong nawala sa paningin nya. Babalik na sana sya ng campus nang biglang may humarang sa kanya na lalaking naka hoodie na itim at naka maskarang puti. May hawak itong kutsilyo kaya tumakbo sya ng mabilis para hindi ito makahabol sa kanya.  Tinanong pa sya ng policewoman kung sino daw ba ang lalaking sinundan nya pero sinabi nya nalang na hindi nya namukhaan kasi nakatalikod. Grace ang pangalan ng policewoman. Seryoso itong nakikinig sa bawat salaysay nya kaya nakaramdam sya ng guilt sa pagsisinungaling nya. Huling tanong nito ay kung may ibang palatandaan o marka pa ba syang nakita sa katawan ng suspect maliban sa maskara nito. Mabilis naman syang umiling.  Nag-offer ito na ihatid sya sa kanila. Sasang-ayun na sana sya nang maisip nya si Charles. Nagpasalamat sya dito at sinabing may kasama naman syang umuwi.  "Are you sure?" nakangiti nitong tanong. Nakangiti naman syang tumango dito. "Talaga bang ayos kalang?" Inabot ng Director ang kanyang bag. "Opo Doc." Kinuha nya ang bag at nagpasalamat dito. Doc ang tawag nila sa Director. Naalala nyang nalaglag ito kanina ng mabilis syang tumakbo. Agad nya namang hinanap ang cellphone at wallet nya. "May nawawala ba?" tanong nito. "Wala naman po," ngumiti sya dito. "May susundo sayo?" Tumayo ito. "Opo, salamat po talaga Doc." Tumayo narin sya. Inutusan nito ang guard na ihatid sya sa gate at huwag aalis kung hindi pa dumadating ang sundo nya. ___   ___ Walang imik na pina andar ni Charles ang sasakyan. Kung iba lang siguro ang sitwasyon nila ngayon ay namatay na sya sa kilig. First time nyang nakasakay sa car ni Charles at magkatabi pa sila ngayon. Yaaaaayyyyy! "Bakit ka nga rin pala nasa clinic kanina?" tanong nya.  Humarap ito saglit sa kanya. "Syempre nagpagamot din," tipid ngiti nitong tugon. Shockssss.... ang gwapo talaga nito ... "Sa Montes Subdivision ka diba?" tanong nito. Shockssssss! Ba't nya alammmm!!!! Hindi ako kinikilig. Ayayayyyyyyyy! "Okay lang ba na doon ko nalang ikwento lahat sayo? Okay lang ba sa parents mo?" dagdag pa nito. "Okay lang, wala naman si Mom and Dad ngayon," mahina nyang tugon. OMG! Speaking of her parents! Dali-dali nyang kinuha sa bag ang cellphone. -10 Missed calls from 'Mom' -10 Missed calls from 'Dad' -11 Missed calls from 'Nay Rosa' -2 Missed calls from 'Manoy' -5 Missed calls from 'Babe Rosy' -7 Missed calls from 'Babe Merry' 45 Missed calls lahat ang nasa call logs ko.   She dialed her Mom's number and mabilis naman itong sumagot. "Eura baby? How are you? San ka ngayon? Are you hurt?" may pag-aalala nitong tanong. "Si Eura ba yan? Kamusta sya? Sabihin mong in two days uuwi na tayo," narinig nya pang sabi ng Dad nya. "Mom, I'm okay! Please tell Dad na okay lang po ako. Promise no need to worry about me. Pauwi na po ako sa bahay ngayon. I'm with a friend." Tumingin sya kay Charles na tuloy parin sa pagmamaneho. Supposedly 1 week sila don, ayaw nya namang masira ang bakasyon nila ng dahil sa kanya. "No Eura! Mas hindi kami mapapanatag ng Mom mo dito. Hindi rin naman kami makakapag enjoy dito lalo na't muntik ka ng mapahamak," mariing sabi ng kanyang Dad. Pag ganon na ang tono nito ay wala narin naman syang magagawa. Sunod ay tinext nya nalang sila Manoy, Rosy, Merry at Nay Rosa na okay lang sya at pauwi na. Alam nya narin naman ang dahilan kung bakit ang dami nilang mga missed calls. Pasado na 8 PM ng makarating sila ng bahay. Agad naman silang sinalubong ni Nay Rosa at Aling Gloria. "Tumawag dito kanina ang Dean nyo at sinabi ang nangyare. Kamusta ka?" nag-aalalang tanong ni Nay Rosa. "Ayos lang naman po ako Nay, kukwento ko nalang po sa inyo bukas lahat ng nangyare. Si Charles po pala kaibigan ko," pagpapakilala nya. "Magandang gabi po," nahihiyang bati ni Charles. Tumango si Nay Rosa at sinabing umupo muna sila at maghahain lang sya ng hapunan. Nang makatapos na silang kumain ay iginiya nya si Charles sa garden at umupo malapit sa pool. "So?" Tumingin sya dito ng seryoso. "Okay, okay!" Humarap ito sa pool. ___   ___ ---Flashback--- Charles POV "Sure kaba pre na hindi natin to sasabihin kina Mike at Simon?" tanong nya kay Pao. "Wag muna ngayon pre, sabihin nalang natin pag na confirm na natin. Alam mo naman mga yun baka pagtawanan lang ako," anito. "Malaki ba talaga? Baka naman namamalikmata kalang." "Malaki talaga pre, wala pa kong nakitang itlog na ganon kalaki," sabi nito habang pinapawi nito ang mga sanga sa kanilang dinadaanan. Kasalukuyang nasa gitnang parte sila ng mini forest malapit sa school na kilala bilang Little Baguio. Huminto sila sa isang malaking puno. Sa ibaba nito ay may nakita silang malaking itlog. Kulay pula ito at mga isang ruler at kalahati ang taas nito.  "Itlog siguro to ng malaking ibon dito pre," sabi nya sabay paupong tiningnan ito. "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng itlog pre. Malay mo baka totoong may dinosaur," hindi makapaniwalang hinawakan nito ang itlog. "Tingin mo pagbenenta natin to mga magkano to?" Kinuha nito ang dalang sako at pinasok dito ang itlog. "Hoy! Anu yan?" pagpipigil nya dito. Naglakad na ito pabalik ng school at dala-dala ang itlog. Kahit anong sabi at babawala nya dito ay iniuwi parin nito ang itlog. May masama man syang kutob ay hinayaan nya nalang. Kinabukasan ay hindi pumasok si Pao. Alam narin nila Simon at Mike ang tungkol sa itlog. Tinext at tinawagan nila ito pero nag ri-ring lang ang cellphone nito. Sinubukan rin nilang tawagan ang landline nila sa bahay at ang Mommy nito ang nakasagot. Maaga pa raw umalis si Pao para pumasok. Inisip nalang nila na baka may pinuntahan ito at baka ayaw lang sabihin sa kanila. Gumabi na eh wala paring balita mula dito. Kahit may tinatago ito ay hindi nito ugali na hindi manlang makapagparamdam kahit sa mga magulang nito. Natapos na ang gabi ay wala silang balita kay Pao. Kinabukasan ay ganon parin. Wala parin silang Pao na nakita.  3 PM ng dali-dali silang pumunta sa Little Baguio dahil sa maraming mga studyante ang tumatakbo papunta roon. Mga ilang metro pa ang layo nila sa mga nagkukumpulang mga tao ay rinig na rinig na nila ang iyak ng isang babae, alam nila kung kanino boses yun. Nanlulumong tumingala sila sa mataas na puno kung saan banda ang mga nagkukumpulang mga studyante. Nakita nilang nakalambitin si Pao at wala na itong buhay. Nang makita sila ng ina ni Pao ay lalong lumakas ang iyak nito. Sila man ay naiiyak dahil sa nangyare. Magkababata silang apat.  Simula ng nagkaisip ay magkakasama na sila. Akala nila ay naka alitan lang ni Pao sa school ang may motibo dahil sa medyo pilyo ito at parating nasasangkot sa kahit anong gulo. Pero.. Webes ng tanghali ng mag announce ang Director na umuwi lahat ng mga estudyante. Katatapos lang nilang maghapunan at umakyat na sya ng kwarto para makapagpahinga at mapag-isa. Pagbukas nya ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang napakalakas na hangin. Pinuntahan nya ang bintana at sinara ito. Sa tanda nya pa ay nakasara ito bago pa sya bumaba para kumain. Tatalikod na sana sya nang may mapansin syang tao sa tapat ng bahay nila. Nakapwesto ito sa may poste. Naka hoodie ito na itim at naka maskara na puti. Alam nyang nakatingin ito sa kanya dahil sa ang mukha nito ay nakatingala kung saan sya banda. Bumaba sya ng kwarto at siniguradong naka lock lahat ng pintuan at bintana sa bahay. Pumunta rin sya sa kwarto ng nakababatang kapatid at mabilis na inilock ang bintana nito. Sinabi nya ito sa kanyang parents pero pagtingin nila ay wala namang tao. Pagkagising nya kinaumagahan ay naligo at nagbihis na sya ng uniform at dumiretso ng kusina para sana kumain ng agahan. Pagbaba nya ay nagulat sya dahil sa wala pang almusal na nakahain. Usually mga ganitong oras ay nagkakagulo na sa buong bahay.  Sa ilalim ng lamesa ay nakita nya si Ate Lanie, kanilang kasambahay na nakahandusay at wala ng buhay. May tumutulong dugo mula sa ulo nito.  Dali-dali syang pumunta sa kwarto ng parents nya  at doon ay tumambad sa kanya ang mga magulang nyang wala ng buhay. Napaluhod sya sa nakita nya. Hindi nya lubos na maisip na sa ilang araw palang na nakakalipas ay marami ng mahahalagang taong nawala sa kanya.  Bigla syang tumayo ng maalala nya si Justine, ang nakababata nyang kapatid. Dali-dali nyang binuksan ang pinto ng kwarto nito. Wala syang nakita sa kwarto. Pero may note syang nakita sa taas ng kama nito. MAHALAGANG BAGAY ANG KINUHA, BUHAY ANG KAPALIT!  "Mom! Dad!" sigaw ng kapatid nya. Sa labas ito nanggagaling. Pagsilip nya sa bintana ay nakita nya ang lalaking naka maskara na hawak-hawak ang nagpupumiglas nyang kapatid. Patakbo syang lumabas ng bahay at hinabol ito.  Pinilit nitong ipinasok si Justine sa loob ng sasakyan. Nang akmang papasok narin ito sa driver's seat ay hinawakan nya ito sa braso at akmang susuntukin ng mabilis naman nitong natanggal ang braso nito sa pagkakahawak nya. Ang bilis ng bawat galaw nito. Natauhan nalang sya ng bigla syang tumilapon dahil sa suntok nito sa tagiliran nya. Hindi nya na napigilan pa ang pag alis nito kasama ang kapatid nya. Gusto nya itong sundan pero hindi nya alam kung saan ito papunta or saan sya mag uumpisa. Bigla nyang naisip ang nakasulat sa note. Doon nya na naconnect lahat ng mga nangyare. Mula sa pagpunta nila ni Pao sa Little Baguio, pagkuha nila sa itlog, pagkawala ni Pao at pagkamatay nito. May kinalaman ito sa itlog! Pumunta sya sa pinakamalapit na police station at doon humingi ng tulong. Bandang hapon ng naisipan nyang bumalik sa Little Baguio para sana tingnan kung ibinalik ba ni Pao ang itlog. Pero pagtingin nya ay wala ito doon. Babalik na sana sya ng makita nya ulit ang lalaking naka maskara.  --- End of Flashback --- Eura POV "Ibig mong sabihin ay si Pao ang pinag-uusapang namatay sa Little Baguio? Kaya pala ng masalubong namin kayo ng lunch break ng araw na yon eh tatlo lang kayo."  "Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na mangyayare lahat to ng dahil lang sa kinuhang itlog ni Pao." Yumuko ito at umiyak. Hindi nya masisisi si Charles kung bakit takot na takot nya itong nakita kanina sa Little Baguio at bigla nalang umalis ng makahanap ng pagkakataon. Siguro ay gulong gulo na ang isip nito. "Tutulungan kita. Hahanapin natin si Justine," mahina nyang sabi dito.  "Talaga?" Tumingin ito sa kanya. "Pangako," nakangiti kong sabi dito. Mga 30 minuto pa silang nag-usap ng inaya nya na itong matulog na. Tumayo naman ito at sinabing babalik nalang bukas nang pinigilan nya ito.  Alam nyang delikado pa para dito ang umuwi kaya inoffer nya dito ang guest room nila. "Sure ka? Hindi mo pa ako lubos na kilala pero buong buo na ang tiwala mo sakin at dito mo pa ako papatulugin," mahabang pahayag nito. "Ano kaba naniniwala ako sayo alam kong wala kang gagawing masama. Kung meron man ay kanina pa dapat." Kung may gagawin kaman ay willing victim ako. Charooot! Sa isip ko ay 'ANONG HINDI LUBOS NA KILALA KA DYAN? NI SIZE NGA NG PAA MO ALAM KO!' hindi pa sya stalker nyan ha. Hahahaha  Alam nya ang background ng family ni Charles at mabuting tao ito. Advantage ng pagiging stalker! Haha Sabay silang pumasok sa kanya kanyang kwarto. Pagsara nya ng pintuan ay bigla syang napatalon. Ayssss pero kawawa talaga si Charles my lovez. Wala mang kasiguraduhan ang bukas ay nagpapasalamat parin ako dahil ligtas kami pareho. ___   ___ Hey loverz.... Medyo mahaba ang update natin ngayon. Sana po ay magustuhan ninyo.  Please like this chapter. Thankies Lovelots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD