[CHAPTER TWENTY: If The World is Mine] (HESIOD's POV) "Malala na siya" ang bulong ko sa ere. Humarap naman siya sa amin at pinewesto ang cellphone sa tenga niya. Ginay ko rin naman siya. "Ano bang ginagawa mo?" ang tanong ko sa kanya. "Pwede na ba tayong kumain?" ang tanong niya pabalik. "Halika na nga rito. Dalian mo" ang seryoso kong utos. Mabilis naman siyang nagtungo sa kinalalagyan namin ni Jared. Suot na na naman niya ang kanyang pamatay na ngiti. Madalian naman siyang umupo sa tabi ko. "I miss you, pillow" ang kaagad niyang paglalambing. "I miss you too" ang tugon ko. "Anong ginagawa mo rito? May klase ka pa, hindi ba?" "Wala akong pasok ngayong hapon" ang tugon niya. "Hihintayin na kita" "Hanggang five pm pa ako" "Alam ko" "Maki-seat in ka na lang, Jeric" ang singit ni J

