[CHAPTER NINETEEN: Finally] (HESIOD'S POV) "Ang lawak lang talaga ng pinapasukan mo" ang pagbasag niya ng katahimikan nang nasa harap na kami ng College of Agriculture. Tanaw ko na ang Graduate School. "Siguro" ang walang interes kong tugon. "Gusto mong kumain muna?" "Sige" ang nakangiti niyang tugon. Nagtungo kami sa Marketing Center at bumili ng Choco roll galing sa Bake Shop ng mismong university. Kumuha na rin ako ng maiinom. Pumwesto kami sa damuhan sa Shimumura Park at pinanood ang ilang CHET students sa kanilang bartending practice. "Nakakarelax mag-aral dito. Look at the trees, and the grass" ang sabi niya sabay tingin sa akin. "Oo, kaya nga sakit na naming mga State University students ang maging tamad; sabi ng isa kong Prof" ang kwento ko sabay inom sa paborito kong bottled

