[CHAPTER TWENTY SEVEN: Untimely Death] (Jared's POV) Linggo ng umaga... Kanina pa pala nagmimisscall si Baby honeybunch kong si Vlad. Wala naman siyang text at hindi pa ako nagpapaload. Mamaya na lang, gusto ko pang nahiga. Napa-upo ako nang may kumatok ng malakas sa kuwarto ko. "Jared, adda bisitam! (Jared, may bisita ka)" ang sigaw ni mama habang kinakalampag ang pinto. Ang aga-aga.... Sino naman kaya yun? "Jared, haan mo nga pag-urayim ni Vlad. (Jared, huwag mong paghintayin si Vlad)" Si baby honeybunch ko pala! Ang aga naman niyang dumalaw ngayon. Kaagad naman akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Kaagad kong nakita si Vlad. "Vlad, ang aga mo ngayon" ang pagpansin ko ngunit hindi siya umimik at tumingin sa aking mga mata. Napansin ko ang pamamaga nito at ang labis na kalun

