[CHAPTER FOURTEEN: Road, Motorcycle and the Beach] "PinaAuto tune ko yung kotse ko kaya motor ang gagamitin ko ngayon" ang paliwanag ko. "Ikaw na ang magmaneho para sa sarili mo. Sayang naman ang driver's license mo kung hindi ka rin magmamaneho" "Fine" ang pagpayag niya. "So, papasok na ako" ang paalam ko kay Kuya. "Yeah, you take care. Huwag ka nang gagawa ng kalokohan. And galingan mo sa race. Stay safe, Seb" ang mga bilin ni Kuya Santi. "Yes, Kuya. Thank you" ang huli kong sinabi bago lumabas ng bahay. Nasa harap na ang nakaparadang Ducati Superbike 1199 Panigale R na gagamitin ko. Sinuot ko ang aking helmet at sumakay. Pagdating ko ng RU ay naka-agaw na naman ako ng pansin. All eyes on me. Palagi naman eh kaya hindi na ito bago sa akin. Bumaba ako ng sinasakyan kong motor at ina

