EZELLA POV "GUSTO lang naman po, eh. Okay lang 'yon," nahihiya kong tugon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin sa kanya ni Sir Kero. "Wala naman sigurong magagalit kung yayayain kita minsan na mag-date? Natigagal na naman ako. Niyaya na niya ako makipag-date? Bakit bigla akong na-guilty na parang kapag pumayag ako ay magkakasala ako sa Diyos? Eh, hindi ba pinapawalang-bisa na ang kasal namin ni Zion? Kasal na nga si Zion kay Luissa, bakit pa ako magi-guilty? "Wala naman," tugon ko kay Sir Kero dahil iyon naman ang totoo. "Minsan, pwede bang mag-date tayo?" walang alinlangan na tanong ni Sir Kero at kitang-kita ko na asang-asa siya na papayag ako sa pag-aya niya sa akin. "Sige," payag ko na lang. Nahihiya rin naman ako i-disappoint siya. "Dito na lang tayo, guys!" sigaw ni Stell

