EZELLA POV "BULALO tayo after work, Ezie," yaya sa akin ni Stella, nang malapitan niya ako. Isa sa katrabaho ko sa bagong pinagtatrabahuan ko sa isang Dress Shop Store sa Tagaytay. "Sige. Miss ko na ring kumain ng bulalo," payag ko naman kaagad at natakam sa pagkain na bulalo. Walong buwan na simula nang maghiwalay kami ni Zion at nandito ako ngayon sa Tagaytay, nagsisimula nang panibagong buhay na malayo kay Zion at ang tanging huling balita ko na lang sa kanya ay nagkabalikan sila ni Luissa at matutuloy na ang kasal. Pero walong buwan na iyong nakakalipas at sa ngayon umiiwas na akong makibalita sa kanila. "Si Mike, isama mo. Tiyak hindi tatanggi ang bruhang 'yon," suhestiyon ko kay Stella. "Oo nga, ano? Sige, yayayain ko kapag nakita ko ang tibo na 'yon," tugon ni Stella saka ako i

