ZION POV PUNO ng poot ang nararamdaman ko pero nang marinig ko ang pakiusap ni Ezella, na mag-usap daw muna kami ay heto na naman ang puso ko na parang gustong matunaw ang lahat ng galit na nararamdaman ko. "Ano pa bang dapat nating pag-usapan, Ezella? We're done!" galit kong tugon. "Please. Last na lang naman ito, eh." Napatitig ako sa kanya. Kita ko ang pakikiusap sa mga mata niya. "Ano pa bang gusto mong pag-usapan?" tanong ko ulit sa kanya. "Tingin ko kasi, hindi tamang maghiwalay tayo nang may samaan nang loob. I think- "Bullshit, Ezella! Niloko mo ako, for the second time around! Ano sa tingin mo ang dapat kong maramdaman? Ang matuwa? Ang mag-party?" may sarkasmo na tanong ko kay Ezella. Hindi ko maintindihina kung ano ba ang gusto niyang iparating. Walang samaan ng loob sa p

