ZION POV "ZIN! Uy gising na! Naalimpungatan ako sa paggising sa akin ni Ezella at pagtingin ko sa kanya ay naka-roba lang siya. "Hmm, goodmorning Wifey," bati ko at hinila ko siya pahiga saka niyakap. "Zin, gumising ka na. May inihanda ako, nasa pool tapos mag-swimming tayo," patuloy pa rin sa paggising za akin ni Ezella. "Mamaya na." Niyakap ko siya nang mahigpit "Zin, sige na. Naka-ready na ako at nandoon na ang mga pagkain natin. Naka-swimsuit na nga rin ako, eh." Napangisi ako. "Talaga? Patingin nga ng swimsuit na suot ng Wifey ko." Mukhang nakatunog naman si Ezella kaya itinulak niya ako. "Ayoko nga! Iba naman ang iniisip mo, eh! Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. "Zin, ano ba!" reklamo na niya. "Titignan ko lang, Wifey," naglalambing na sabi ko sa. Tinanggal ko na ang rob

