EZELLA POV SA isang bar ako dinala ni Slant. Sabi niya kakanta raw kami sa bar na iyon at kahit ilang beses akong tumanggi, hindi pa rin siya nagpapigil na hilahin ako sa stage at pakantahin. "Zelle, enjoy the song and let's have fun, okay?" paalala sa akin ni Slant. Tumango na lang ako at nagsimula siyang tumugtog. Ako naman nag-gitara at sabay kaming kumanta. Kahit paano sa pagkanta kong iyon ay nawala ang sakit na nadarama ko dahil kay Zion. Kahit paano napasaya ako ng pagkanta kong iyon sa stage. Matapos kumanta ay tumambay pa kami doon, to have fun nga raw sabi nga ni Slant. "So, what's your plan now? Dumating na si Luissa," interesadong tanong ni Slant sa akin. "Wala. Tuloy pa rin sa ang agreement hanggang sa matapos ito. Alam naman ni Luissa ang agreement na ito at wala naman s

