EZELLA POV KINABAHAN akong napatitig kay Zion. Nasabi ko ang bagay na iyon, na hindi dapat. Wala sa plano ko ang sabihin kay Zuon ang lahat ng nakaraan na iyon sa akin dahil ayokong makagulo pa at ang tanging gusto ko lang ay ang makasama si Zion, bago siya tuluyang maikasal kay Luissa. "Zella," kuha ni Zion sa atensiyon ko. "Mema lang iyon," 'agad na pagsisinungaling ko. "Mema? Anong mema?" nagtatakang tanong ni Zion. "Mema-sabi lang. Ganoon talaga ako 'pag lasing kung anu-ano ang sinasabi. Kahit wala sa katotohanan." "So, sinasabi mo kahit lasing ka ay nagsisinungaling ka pa rin?" "Parang ganoon na nga." Napakagat-labi ako. Bumuntong hininga si Zion."Hanggang kailan ka magsisinungaling, Ezella? Kita ko ang galit sa mukha ni Zion sa akin. "Zin, lasing ako! Wala ako sa tamang pag

