EZELLA POV AFTER work nag-invite si Stella sa bahay niya dahil birthday niya kasi at may handaan, kaya doon na kami lahat dumiretso. Inabot na kami nang hating-gabi, kaya ala-una na kami ni Mike, nang ihatid ni Kero sa bahay namin. Hindi ko na rin pinahinto mismo sa bahay dahil baka kasi suntukin na naman si Kero ni Zion, kaya sa may kanto ko na lang pinahinto ang kotse niya. "Salamat Kero. Ingat ka," bilin ko kay Kero. "You're welcome. Ingat kayo sa paglalakad," tugon niya naman. "Yes Sir!" saludo pa ni Mike. Tinanguan ko na lang si Kero at saka pinaandar niya ang kotse paalis. Naglakad naman na kami ni Mike, pauwi. Hindi naman ganoon kalayo kaya hindi rin kami nagtagal sa paglalakad. "Sige, dito na ako," paalam ni Mike, nang makarating sa bahay niya. "Sige." Pagdating ko sa bahay

