EZELLA POV "WIFEY," nakangiting bati sa akin ni Zion. Napatitig ako sa katawan ni Zion, bakat na bakat ang abs niya sa puting T-shirt na basa na ng tubig at pati na rin ang hinaharap niya, sa suot niyang hanggang tuhod na short. Nasa poso siya at doon siya naliligo! May mga kababaihan na doon, na akala mo ay nanunuod ng palabas at titig na titig sa katawan ni Zion. At ang hinayupak! Hindi man lang naramdaman o napansin, na pinapapak na siya ng nagnanasang tingin ng mga babae doon. "Zin!" sigaw ko na kay Zion, na may halong galit at nilapitan siya. Hinampas ko na siya sa braso. "Gago ka talaga, ano!" galit kong tunghayaw sa kanya. Nag-alala pa man din ako dahil akala ko napahamak na siya tapos ito ang maaabutan ko? Ipinagngangalandakan niya sa mga tao rito iyang maganda niyang katawan?

