ANDREA POV TATLONG araw mula nang nagpasya akong gusto ko ng bumalik ng Pilipinas. Maayos na kaming nag-usap ni Pablo na pansamantala lang ang lahat, hanggang sa bumalik lang siguro ang sigla ng Lola ko. kasabay sa napag-usapan namin na gagawin namin ang lahat para maipasyal si Atasha, at magint masaya ito sa bansa. Sinulyapan ko silang dalawa habang masayang pinagsasaluhan ang binili naming meryenda pagkagaling sa sariling pad ni Pablo, para sa ilang damit na kailangan nitong dalhin. "Okay ka lang d'yan, Mama?" maya-maya tanong sa akin ni Atasha. Ngumiti lang ito bilang tugon, para sabihing ayos lang ako rito kung saan ako nakaupo ngayon habang masaya silang pinagmamasdan. Hindi ko maitatatwang masyado na talagang malapit ang mga ito sa isa't isa. Napansin kong tumayo si Pablo, at palap

