GABRIEL POV "MAY kasama ka pala, Doc?" tanong ko kay Doc Silva nang makabawi ako ng pagkabigla-- tukoy ko kay Jordan na kasama nito. "He is my niece, Gabriel," pagbibigay alam sa akin ni Doktora, tungkol kay Jordan. Hindi ko maalis ang tingin ko rito,binuksan ko ng maluwag ang pinto para bigyang daan ang mga ito. Labag man sa loob ko na pumasok ito sa loob ng Hotel na siyang pagmamay-ari ko wala akong magawa,kailangan kong maging tao sa harap ng mga ito. Afterall! Wala pa naman akong alam, na hindi ko pa naman nakukumpirma ang kutob ko tungkol dito at kay Victoria. Lihim ko lang itong pinagmasdan, huminto ito sa may paanan ng sofa kong saan nakahiga si Victoria, hindi pa rin ito nagigising. "Pwedi na ba siyang gisingin? Kanina pa ba siya nakatulog?" tanong sa akin ni Doc Silva, nang lin

