PABLO POV "MAGANDANG umaga," masigla kong bati sa dalawa. Pupungas-pungas itong bumangon, sinalubong ako ng ngiti. "Magandang umaga, Papa," ganting bati sa akin ni Atasha. "Goodmorning, Pablo," bati rin sa akin ni Andrea. Tumayo ang mga ito, sabay na sinuot ang kaniya-kaniyang roba ng hotel kong saan kami naka-stay ngayon. "Hindi ka na ba inaantok?" tanong ko kay Andrea, umiling-iling ito sa akin. "Nakatulog ka ba ng maayos?" ganting tanong nito. "Maya-maya lang nandito na sundo natin galing sa Ilocos, maaga raw lumuwas sabi ni Tita," "Makikita ko na ang mga kabayo, Papa?" sabat ni Atasha, halata ang siyang pananabik sa mga kabayong kinkwento ko sa kaniya na nasa rancho nina Andrea. "Makikita mo na, Atasha." Tumalon-talon ito dala ng excitement na mayroon ito. "Kumain muna tayo

