CHAPTER 68 ANDREA POV SAYA ang siyang naramdaman ko pagbaba namin sa paliparan sa Clark Pampanga. Nandito na kaming tatlo sa Pilipinas, sa mahigit pitong taon na paninirahan ko sa Italya kasama si Tasha, ngayon nakauwi na ako ulit. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, wala akong gaanong natatandaan sa lugar na ito siguro dahil hindi naman ako nagawa mula noon doon dito o, sadyang wala lang talaga akong maalala. "Tayo na?" Lumingon ako kay Pablo, hindi ko talaga maitatago ang siyang sayang nararamdaman ko kasabay ang siyang pananabik ko sa pamilya ko sa Ilocos. "Hotel muna tayo magpapalipas ng gabi, bago umuwi sa Ilocos," sabi pa nito, inakay ako nito habang buhat-buhat si Atasha at nakatulog na sa balikat nito. "Gusto mo bang ako naman magbuhat kay Atasha?" tanong ko sa kaniya. Mukha

