NAKALIMUTANG ALA ALA 6
GABRIEL POV
DALA ko ang isang kumpon ng bulaklak ng santan na pinitas ko pa mula sa halamanan ng aming bahay. Matiyaga akong naghintay sa tagpuan namin ni Andrea. Kalahating oras na akong nand'on, suot-suot ang bagong pantalon at polo na regalo sa akin ni nanang nagdaang pasko. Nasasabik akong hintayin ang dalaga sa gayon pormal akong maka panligaw dito tulad ng pinangako ko sa sarili ko nagdaang gabi. Maya't maya kong tinitingnan ang madalas na paghintuan ng kaibigan sakay ng sarili nitong kabayo. Naisip kong kahit na alam ko rin ang damdamin nito para sa akin. Gusto ko pa rin pormal na ligawan ito, dahil alam kong hindi basta-bastang tao si Andrea, na ang isang katulad nito ay nilalagay sa pedestal. Napangiti ako sa sarili para sa ilang bagay na nais kong mangyari para sa aming dalawa. Mahal ko si Andrea, at lahat ay gagawin ko para sa kaniya.
ANDREA POV
MULA sa malayo natanaw ko na ang kaibigan kong si Gabriel. Hindi ko napigilan ang mga ngiti sa labi ko ng makita ang binatilyo. Labis ang tuwang nararamdaman ko na hindi ito lagi nakakalimot sa pagpunta sa aming tagpuan. Na kahit kailan wala man lang itong sinirang pangako para sa aming dalawa."Gabriel," mahina kong sigaw ng makababa sa kabayo kong si Whitey. Nakita kong nagmadaling naglakad si Gabriel papunta sa gawi ko--- na tulad ko nanatiling may nakapaskel ring mga ngiti sa labi."Huli na ba ako o, napa-aga lang dating mo?" tanong ko nang tanggapin na ito sa gawi ko. Muli itong ngumiti sa akin, ginagap ang kamay ko para alalayan ako tulad ng madalas nitong ginagawa. Hanggang sa makaupo kami ng ayos sa damuhan o sa tumbang malaking puno ng kahoy."Napa-aga lang ako," nakangiti nitong sagot sa akin. Gumanti ako ng ngiti rito. Lihim kong pinagmasdan ang suot ng binatilyo. "Mukhang may bago sa atin ngayon a," natatawa kong tanong sa kaniya, nang mapansin ko ang ayos nito. Matapos akong alalayan hanggang makaupo sa tumbang kahoy paharap sa burol."P-para sa'yo," napatingin ako sa kumpon ng pulang rosas na inaabot ni Gabriel sa akin. Lihim akong napalunok nakaramdam ng kakaibang saya ng abutin ko ito mula sa kamay ng binatilyo. Matapos umupo patabi sa akin."Para saan 'to?" agap kong tanong sa kaibigan, tukoy ko sa mga bulaklak na bigay nito sa kan'ya. Dinala ko ito sa ilong ko sinamyo ang mabahong amoy nito."Para sa 'yo," nahihiyang sagot nito sa tanong ko. Ilang katahimikan ang lumipas, bago ito muling nagsalita paharap sa akin."May sasabihin sana ako sa'yo, Andrea," simula nito sa akin. Muli itong lumingon sa gawi ko at sinalubong niya ang nagtatanong kong mga mata."G-gusto ko sana pormal na umakyat ng ligaw sa'yo, Andrea."Walang pag-aatubiling paghingi nito ng permiso sa akin. Lumuwag ang dibdib ko ng may makita akong ngiti sa labi nito. Alam kong kahit papano nawala na ang nararamdaman nitong takot, sa ginawang pagtanong sa akin. Pero sa kaliwang banda nakaramdam ako ng lungkot sa naalala ng isip ko--- ang hindi ko pweding kalimutang sa lahat ng bagay."Hindi ka naman pwedi umakyat ng ligaw sa mansyon, Gabriel. Kilala mo si Lolo't Lola hindi ka nila pahihintulutan---hindi nila ako papayagan." Alam kong bigla itong nakaramdam ng pagkadismaya sa sinabi ko. Tumingin ito sa akin, ang kanina lang masayang nakikita ko sa mga mata nito'y biglang napalitan ng lungkot.
GABRIEL POV
TAMA si Andrea, alam kong hindi ako basta-basta papayagan ng pamilya nitong pormal na umakyat ng ligaw dito. Kahit na sabihin pang malinis ang intensiyon ko sa dalagang nasa harap ko."Pero hindi ba, sinabi ko naman sa'yo kahapon na kong ano man ang nararamdaman mo para sa akin. Ay tulad rin ng nararamdaman ko para sa'yo," aniya nito. Pagkalipas ng ilang sandali katahimikan namin, na nagbigay liwanag sa mukha ko. Nagkatinginan kami kapwa sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi namin. Ngiting may pagmamahal,ngiting may parehong damdaming ipaglalaban ang isa't isa kahit sino man ang humadlang sa aming dalawa.
"I-ibig mong sabihin?" nahihiya kong tanong sa ibig nitong ipahiwatig sa akin. Sa nais liwanagin ng dalagita sa damdamin naming dalawa."I-ibig kong sabihin masaya ako sa'yo,Gabriel. At, kung pag-ibig ang nararamdaman mo sa akin. Gan'on rin ako, iniibig kita,Gabriel. Minamahal kita." Hindi ko alintana ang mga sinabi ni Andrea sa akin. Lihim akong napalunok dala ng masayang damdamin naramdaman ko para rito. "Minamahal rin kita, Señorita Andrea Esperanza," aniya ko rito, pinaglipat-lipat ang mga tingin sa mga mata nitong nanatili ang ngiti sa labi ko."Papayag lang akong mahalin mo kong hindi mo ako ituturing na señorita," aniya nitong natatawa. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang hinawakan nito."Ako si Andrea, Gabriel. Naging kaibigan mo at mangangako sa'yong mananatili akong si Andrea, kahit na ano man ang mangyari--- kahit na ano man ang humadlang sa atin." Muli akong nagtaas ng tingin dito. Sinalubong ang mga mata nito. Humigit ako ng malalim na hininga, mahigpit na hinawakan ang malambot na kamay nito na nakahawak sa mga kamay kong nasa ibabaw ng tumbang kahoy kong saan kami nakaupong dalawa."At mananatili akong si Gabriel---na iingatan ka at mamahalin ka kahit ano man ang mangyari, Andrea," pangako kong ganti sa kan'ya. Kapwa kami nagbaba ng tingin sa mga kamay namin magka-daup palad. Nagulat ako ng dalhin ito ni Gabriel sa labi nito.
ANDREA POV
"SALAMAT sa pagmamahal, Gabriel," may luha sa nga matang aniya ko kay Gabriel. Hindi lubos maisip na ang binata ang siyang magbibigay sa akin nang pagmamahal na matagal ko ng hangad mula pa noon. Pagmamahal na labis kong inaasam mula sa aking sariling pamilya. Napatingin ako sa relong pambisig ko. Mag-aalas-dyes na ng umaga kailangan ko ng makabalik ng mansyon bago pa magising ang lola't lola ko gan'on rin si mama't papa."May problema ba?" tanong ni Gabriel sa akin nang mapansin nitong hindi na ako mapakali. Kapwa kami napatingin sa kabayo ko. Muli kong itong nakita ang lungkot sa mga mata nito-- dahil na naman sa amin pansamantalang pagkakalayo."Kailangan ko ng umuwi, Gabriel. Baka gising na sila sa bahay." May lungkot sa boses kong magpaalam dito. Ngumiti ng pilit si Gabriel sa akin, tumango-tango."Naiintindihan ko h'wag kang mag-alala, marami pa naman pagkakataon na mag-usap at magkita tayo---ang makasama kita." Pagpapalakas loob ni Gabriel sa akin. Pero alam ko sa kabilang bahagi ng puso nito, tulad kong may lungkot rin itong nararamdaman kailangan kong pagpapaalam. Sabay kaming napatayong dalawa, kapwa na kay Whitey ang tingin sa may 'di kalayuan at tila hinihintay na rin ang pag-uwi namin. Inalalayan ako nito hanggang sa makarating sa kabayo niya. Natuwa ako ng maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Gabriel sa kamay ko. "Magkikita tayo ulit, hindi iyon magbabago, Gabriel. Hihintayin mo ulit ako rito at patuloy akong darating kahit na ano man ang mangyari," pangako ko sa kaniya. Tulad sa nakasanayan namin dalawa---sa lagi namin pagkikita sa lugar na ito, na nagsisilbing paraiso para sa aming puso.
GABRIEL POV
MAY mga ngiti sa labi nang salubungin ako ng nanang ko. Palabas ito sa munti naming bahay sa harap ng isla kong saan masaya kami namumuhay mag-anak."Pumunta ako sa Lola Emely mo kanina," balita nito sa akin---na ang tinutukoy ay ang lola kong may sakit na alzeimers disease, dana na rin siguro ng katandaan ng Lola Emely ko na nakatira sa karatig isla."Kamusta nama siya, Nang?" tanong ko kay nanang. Matapos magalang na nagmano rito. Umupo ito sa bangkong kawayan namin--- binato ang tingin sa payapang karagatan."Hindi niya pa rin ako naalalang anak niya ako, Gabriel." Malungkot na tugon nito sa akin. Ang madalas nitong sagot pag kinakamusta ko ito. Nilapitan ko si Nanang, dinala ang mga kamay sa balikat ko patalikod dito."Matanda na si lola, Nang. H'wag na kayo masyado malungkot malamang n'ong naalala niya pa kayo wala siyang ibang mahal kundi kayo lang." Pagbibigay lakas loob ko sa sariling ina ko---na hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito. Tiningnan ko ng mariin ang mga mata ni nanang--- tsaka ko napagtanto na wala itong pinagkaiba sa mga mata ni Andrea. Sa mata ng babaeng mahal na mahal ko, maliban sa babaeng una kong minahal na nasa harap ko ang nanang ko.