Chapter 5

1540 Words
Chapter five NAKALIMUTANG ALA ALA 5 ANDREA pov    KAPWA may mga ngiti sa labi nang muli kaming magkitang dalawa. Wala man kasiguraduhan ang parehong damdamin--- tila may nag-uugnay naman na isang espesyal na pagtingin sa amin. Na hindi lang bilang pagkakaibigan kundi kapwa may pag-asam na sana maging higit pa't mauwi sa pag-iibigan pag ang panahon sa amin ay dumating na.      "GABO!" malakas kong sigaw sa may 'di kalayuan tulad ng madalas kong pagbabaan dala ang kabayong kong si Whitey. "Akala ko hindi ka na naman dadating," masayang sambit sa akin ni Gabriel habang papalapit ito sa gawi ko.  Ngumiti siya ng maluwag sa akin, sabay bigay ko sa kaniya ng isang karton ng tsokolate na bigay sa akin ng Lola Imelda ko, hindi inda kung hahanapin man nito sa akin ang bagay na iyon.  "Para sa'yo," abot ko kay Gabriel nang ilahad ko ito sa harap niya. Ngumiti itong kinuha sa kamay ko ang tsokolateng bigay ko rito at hindi sinasdyang magdikit ang mga palad naming dalawa. Wari naramdaman ko ang ilang boltaheng kuryente sa katawan ko ng maramdaman ko ang palad ni Gabriel. Nahihiya itong nakangiting binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko sa tsokolateng bigay ko rito. Sinundan ko ng tingin ang palad nitong nilahad sa harap ko ang daan papunta kong saan kami madalas tumambay na dalawa. "Pinaghintay ba kita?" tanong ko ng lingunin ko siya. Nakangiting umiling-iling si Gabriel binigyan niya ako ng daan para magpatiuna sa paglalakad hanggang sa madalas namin tambayang dalawa.  "Hindi naman gaano at alam mong kahit gaano katagal alam mo naman maghihintay ako sa'yo, Andrea," narinig kong tugon ni Gabriel mula sa likuran ko sa gitna ng patuloy namin paglalakad na dalawa.  Hanggang sa makarating sa banig na nakalatag sa berdeng damuhan kaharap ang mga damong may bulaklak na animo sampaguita. Napakatahimik ng lugar na ito, pakiramdam ko rito ko natatagpuan ang katahimikan na kailanman hindi ko halos matagpuan sa mansyon. "Wala talagang kupas ang lugar na 'to, Gabriel. Napakaganda pa rin para sa akin, kahit araw araw naman tayong nandito halos," may kislap sa mga matang sambit ko sa binata. Inalalayan ako  nitong makaupo sa berdeng banig na alam kong binurda ng sariling ina nito.  Muli kong naramdaman ang boltahe ng kuryente nang magdantay ang mga kamay ni Gabriel sa balikat ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya na nagbigay pagtataka sa isip ko noong hindi ko naman naramdaman mula rito. Tila may bago, tila may mahika ngayon ang lahat. Kung ano man ang ibig sabihin nito isa lang ang alam ko--- masaya ako hindi lang dahil kasama ko si Gabriel kundi dahil may pakiramdam ako na may kakaiba sa araw na ito--- dahil na rin siguro sa damdaming hindi familiar sa akin. Napalunok ako ng tuyong laway sa naisip ko. GABRIEL POV     "PARA SA'YO," abot ko sa ilang pirasong santol na sinadya ko pang akyatin sa mataas na puno papunta ng burol kong saan kami madalas lihim na nagkikita. Ngumiti itong tinanggap ng dalagita--- kapagkuwan umupo akong patabi rito. Bahagyang nakaramdam ng ilang sa kaibigang ilang dangkal lang ang lapit mula sa akin. Sinundan ko ng tingin ang berdeng damuhan na natatanaw ng tingin naming dalawa kong saan sa bandang gawi makikita mo ang bagong sibol na mga bulaklak. "Walang kupas ang lugar na 'to, Gabriel. Napakaganda ng paligid,napakatahimik. Malayong malayo sa mansyon na kinalakhan ko,"narinig kong sabi nito sa akin. Dama ang lungkot sa bawat mga salitang dinadaing nito at alam ko ang pinagmumulan nito. "H'wag ka na malungkot. Nandito naman ako e, nandito kami ng lugar na 'to para sa'yo, Andrea." pag-aalo ko rito. Liningon niya ako  may maluwang na ngiti sa labi. "Mangako ka sa akin, Gabriel. Na mananatili kang nand'yan para sa akin, na 'di mo ako iiwan kahit na ano'ng mangyari," aniya ng kaibigan ko sa akin. Nangungusap ang mga mata--- ngumiti akong tumango-tango rito. Sabay na tinaas ang kanang kamay tanda ng pangakong mananatili ako sa buhay nito, kahit na ano man ang mangyari. Kahit pa na langit at lupa ang sumaklaw sa aming dalawa. "Tungkol sa babaeng tinatangi mo,"kapagdaka wika ko sa kaniya sa ilang katahimikang namagitan sa aming dalawa. Nilingon ako nitong nagtatanong ang mga mata. Naghihintay ng sasabihin ko sa katanungan na napag usapan namin nagdaang gabi. "Pwedi ko bang malaman kong sino siya?Magkaibigan naman tayo 'diba, Gabriel. At dapat na wala tayong tinatago sa isa't isa."Pagpupumilit nito animo batang kailangan alamin ang anumang sikreto ng kalaro ko. Ngumiti ito sa akin, ngiting kahit na sino walang makakatanggi. "Sigi na, Gabriel. Sabihin mo na sa akin, Pangako hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Mapagkakatiwalaan mo ako, Gabo." Ngumiti akong nag-aalangan dito kung tama ba ang gagawing pag-amin sa damdaming nararamdaman kong tunay para sa dalagita.       "P-pag ba sinabi ko sa'yo walang magbabago?" Ilang sandali tanong ko rito, nanatili ang mga tingin nito sa malayo. Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa sariling mga tuhod ko. "May aaminin rin ako sa'yo, pag sinabi mo sa akin kong sino siya." Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong nasa sarili nitong mga kamay. Liningon niya ako at nagtama ang aming mga mata sa isa't isa. "Hindi lang kasi ikaw 'yong may tinatanging tao. Ako rin,  Gabo. Meron rin actually matagal na kaso natatakot at nahihiya ako na baka, na baka alangan ako sa kan'ya." May lungkot sa boses nitong saad sa akin. Tinanggal niya ang kamay nito sa kamay ko tinuon ang tingin sa malayo. "Andrea," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Lumingon ito sa akin may pilit na ngiting nagtatanong ang mga mata. "Uhm, mangako ka sa akin na walang magbabago, na kahit na ano ang mangyari mananatili tayong magkaibigan. Na mananatili tayong ganito." Pakiusap ko sa kan'yang pinagtataka niya.  Sa kabilang banda nakaramdam ako ng kaba. Lihim na napalunok sa hindi maipaliwanag na damdaming nararamdaman para rito. "Uhm, kasi hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa'yo. Kung paano nagsimula 'to pero,pangako pinigilan ko. Hindi ko lang alam na lalo siyang uusbong hanggang sa 'di ko na mapigil pa" simula ko.  Walang paalam na hinawakan ang kamay niyang nasa tuhod ko. Ilang beses na rin akong napalunok ng tuyong laway, hindi ko kasi alam kung saan magsisimulang magtapat ng tunay kong nararamdaman sa kaniya. Pero heto na ako nandito na ako sa mga sandaling hinintay ko---ilang araw ko rin halos pinag-isipan 'to at ayaw ko dumating ang sandaling pag hindi ko ito gawin ngayon baka pagsisisihan ko rin pagdating ng araw na hindi ko pinagtapat sa kaniya ang damdamin na nararamdaman ko. Ito ang araw na hinihintay ko at itataya ko lahat ng pag-asang mayroon ako na posibleng sa damdaming nararamdaman ko maaaring pareho lang ng damdamin ni Andrea---na sana mayroon din ito.     "Andeng, Andeng. Ikaw ang babeng 'yon. Ikaw ang matagal ko ng tinatangi. Ikaw lang, Andrea,"  pag-amin ko roto na hindi mawari kong tama ba o mali. Kung mananatili ba ang samahan pagkakaibigan namin pagkatapos ng sandaling 'yon. Napalingon ito sa gawi ko nagtatanong ang mga mata. Unti-unting napalitan ng saya't may ningning. Ayaw kong labis na umasa pero natutuwa siya't walang kahit na anumang emosyong galit, tampo o lungkot akong nakikita. Bahagya akong nagulat nang hawakan nito ang kamay kong nasa ibabaw ng sariling kamay ko. Pinagdaup palad niya itong labis na kinagulat ko. Hindi naalis ang ngiti sa mga mata niya sa kabila ng pagtatapat ng damdamin ko para rito--- damdaming maaari namin ikasirang dalawa. "Gabo, Ikaw rin.. Ikaw rin ang lalaking tinatangi ko matagal na. At wala na akong magugustuhan pang iba alam ko, dahil ikaw lang ito, Gabriel," tugon ni Andrea na hindi ko inaasahan, tugon nitong labis na nagbigay ng saya sa puso ko. Sa damdaming pareho naming nararamdamang dalawa. Sa parehong sigaw ng puso na meron pala kami matagal na. At ngayon sa sandaling 'yon naging matapang kaming aminin sa isa't isa hindi man alam ang kahihinatnan pagkatapos ng araw na 'yon. Alam niya at aasa siyang tulad ni Andrea---ipaglalaban namin itong dalawa.   Isang mabilis na kintal ng halik sa pisngi ko ang ginawad ni Andrea sa akin. Ngumiti itong nilingon ko. Muling binaba ang tingin ko sa mga kamay naming nananatiling magkadaup palad. Wala man kasiguraduhan ang damdamin namin dalawa. Sa puso't isip alam namin may labis kaming pagmamahal para sa isa't isa "Mahal kita, Gabriel," mahinang bulong nito sapat na't narinig ko.  Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito, kung ako lang ang masusunod hindi ko na gugustuhin pang bitiwan ito. Ito pala ang pakiramdam pag mahal ka ng taong minahal mo;  masaya, hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo. Basta ang tangi mo lang alam ay wala kang kahit na sinong pahihintulutang sirain ito. Alam ko sa sarili kong nagsisimula palang kami ni Gabriel---na marami pa kaming pagdadaanan na mga pagsubok, pero heto ako sa harap niya kasabay ang pangakong walang magbabago hanggang dulo. Ngumiti ito sa akin. "Mahal rin kita, Andrea. Mahal na mahal kita," walang gatol na tugon ko sa damdamin nito--- sa damdamin na labis labis nagpuno ng saya sa aming puso.  Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Nanatiling may mga ngiti sa labi't umabot sa mga mata. "Ipaglalaban kita," halos sabay na mga salitang lumabas sa aming dalawa. Mga salitang pareho namin gagawin pag ang mundo'y hindi umayon sa pagmamahal na umusbong sa aming mga puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD