Chapter 4

1063 Words
Andrea POV MASAYA akong bumangon at pumili ng isusuot para ngayong araw na ito. Mag bestida kaya ako? Palagi ko kasing napapanood 'yon sa mga pelikula ng mga may kabayo. Ang iba nga ay wala pang saddle pero hindi nahuhulog habang lumilipad lipad ang laylayan ng damit at maging ang buhok nila. Mas lalo kayang maakit sa akin si Gabriel kung ganoon ang itsura ko? Kinuha ko ang nakahanger. Ito kayang kulay dilaw na guhit guhit? Napaisip ako, parang pupunta ako sa beach. Ibinalik ko. Naghanap ako uli ng panibago hanggang makita ko ang isang puti na bulaklakan at may ruffles. Aha! Ito ang perfect outfit ko for today. Papartneran ko lang ng riding boots ko. Hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay. Naisip kong mag apply ng kolorete sa mukha pero alam kong gusto ni Gabriel ay simple lang. Makapagpulbos na nga lang at lip gloss. Natural namang mapupula ang labi ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay masaya akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Gusto kong magmeryenda. "Andrea, anong ginagawa mo dito sa kusina at nagkakalkal ka ng kaldero?" Tanong ni Yaya. Napakamot ako sa leeg ko. "Kasi po Yaya, medyo nagugutom na ako. Gusto ko sanang mag-meryenda." "May suman sa mesa at latik. Gusto mo ba 'yon?" "Uhm.. gusto ko po sana ng sopas. Chicken sotanghon, Yaya please?" Niyakap ko pa s'ya at nilambing lambing. "O s'ya, igagawa kita. Maupo ka d'yan." "Gusto ko kayong panoorin magluto para matuto ako." "Susmaryosep na bata ka. Kay ganda ganda ng bihis mo ay mangangamoy ulam ka," naiiling na sabi nito. "Hindi ako masyadong lalapit. Okay na po?" "Hay sus! Ikaw talaga. O sya sige manood ka." Kumuha si Yaya ng ilang pirasong manok sa ref. Mabuti na lang at wala sa freezer kung hindi ay bukas na ako makakain ng meryenda ko. Dinala ang sangkalan sa mesa at naghiwa ng bawang at sibuyas at kaunting luya. "Gigisahin natin muna ito. Ako na ang magninitnit ng manok at mangangamoy ang kamay mo ay may lakad ka pa naman." Masaya akong pinanood s'ya. Balang araw, gusto kong maipagluto rin si Gabriel at ang magiging anak namin. Napangiti ako sa naisip ko. Anak agad? Ni hindi pa nga kami magkasintahan! At heto pa, paano kung hindi pala ako ang babaeng tinutukoy n'ya? Bigla akong nanglumo. Pero hindi bale, lalakasan ko ang loob ko. Kayang kaya ko ito. Nagsimula ng magluto si Yaya at nagpakulo rin ng tubig sabay patak ng square shaped na kulay mapusyaw na brown. "Yaya, ano po 'yang huling nilagay nyo?" Ito na ba ang secret ingredient? "Knorr cubes 'yan. Pampalasa. May mga flavor 'yan. Chicken, beef, pork at may vegetable rin. Parang may nakita pa nga akong pish." "Pish?" Taka kong tanong sa kanya. "Ano ka ba naman! 'Yong isda!?" "Ahhh! Fish 'yon Yaya," natatawa kong sabi sa kanya. "Pish, fish, ganoon na rin 'yon basta isda," napatawa na rin s'ya sa pagkakabigkas kanina. Mayamaya lang ay luto na ang sopas at takam na takam ako. Nilantakan ko agad "Dahan dahan at baka masamid ka." "Ang sarap kasi Yaya." "O s'ya, d'yan ka muna at may kukunin lang akong sinampay." Masaya akong kumain dito sa kusina. Mas at home pa nga ako dito sa maliit mesa kaysa sa dining room. Ang laki at haba ng mesa, maraming upuan at may kutson pa pero bihira naman kaming mag sabay sabay kumain. Isa pa, nakakasuyang kumain na nakaismid ang kasalo mo. Speaking of the devil. She is here. "What's that smell?" Maarteng tanong n'ya sa akin. Napatawa ako at sumubo. Hindi ko s'ya pinansin. Nasa isla kami pero ang suot ni Agatha ay mistula rarampa sa catwalk. At ang make up? Ito yata ang super powers n'ya para takpan ang mabantot n'yang pag-uugali. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong ikinakagalit n'ya sa akin. Maganda din naman s'ya. At kung magiging mabait s'ya sa lahat ay mamahalin rin s'ya ng mga tao dito imbes na katakutan. Sobrang spoiled kasi kaya kahit sina Lola naiinis sa kanya. "Didn't you hear me?? Bingi ka ba, Andrea? Tinagalog ko na. Ano ang amoy na 'yon?" Pagkalunok ko ng isinubo kong sopas ay ngumisi ako sa kanya. "Baka ang naaamoy mo ay ang masangsang na ugali mo? Isama mo na rin 'yang make up mo na kasing kapal ng uling sa kaldero." Hinampas n'ya ang mesa at bahagyang natapos ang kaunting sabaw ng sopas ko. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.  "Anong sinabi mo?" Nagniningas sa galit ang mga mata n'ya. "Ang sabi ko, kung ayaw mo ng amoy dito. Umalis ka sa kusina. Doon ka sa salas. Gusto mo ba ng sopas? Kumuha ka na lang d'yan at doon ka kumain sa dining room. Mas mabango doon." Dinukwang n'ya ang kinakain ko. "Iyan pala ang naaamoy ko! Pweh! Ang baho. Why would you even think I would eat something like that? Mukha bang karinderya ang mansyon na ito at kumakain ka ng mga ganyan? Yuck! Wala ka talagang taste," nagtakip pa ito ng ilong at pinaikot ang mga mata. Sobrang arte talaga. "Alam mo, Agatha. Kung ayaw mong kumain -- walang pumipilit sa iyo. At kung nababahuan ka, umalis ka dito sa kusina. Siguro naman ay hindi mo na maaamoy ito sa salas?" Bigla akong tumigil sa pagsasalita at pinagmasdan s'ya. "O kaya naman, para hindi mo na maamoy for sure -- umalis ka dito sa mansyon at magpunta ng Maynila. Siguro naman, sa layo noon ay hindi ka na mababahuan. Unless ganyan kalaki ang butas ng ilong mo at nasisinghot mo lahat ng mabaho sa mundo kaya nagkaganyan ang ugali mo," napatawa ako ng malakas sa sinabi ko.  Akala n'ya siguro uurugan ko s'ya. Pwes, nagkakamali s'ya. Pasensyosa ako pero kapag sinagad n'ya ako, papatulan ko s'ya. At isa pa, alam kong pikon ang pinsan kong ito kaya alam kong lalayas s'ya sa harap ko kapag nasukol. "You ---" "Ooops! Baka marinig ka nina Lola. Ayaw na ayaw pa naman n'yang pinagsasalitaan mo ako ng kung ano ano. Sige ka, baka sa tanda mong 'yan ay mapalo ka pa. Or worse, mapaluhod sa asin. Hmm.. pwede rin pala sa butil ng munggo. Ano sa tingin mo?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Mabilis pa s'ya sa alas kwatrong lumayas ng kusina. Winner na naman ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko ng sopas at nagpalipas ng oras. Mayamaya ay magkikita na kami ng mahal ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD