ANDREA POV NANDITO kami ngayon ni Gabriel sa rooftop ng hospital. Ilang minuto nang namayani sa amin ang katahimikan. Tanging sinag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw namin, kapwa nakikiramdam kung sino ba sa amin ang siyang unang magsasalita. "Sasama ka ba sa kanila?" Ilang sandali narinig kong tanong sa akin ni Gabriel. Hindi ko alam kung ano ang siyang isasagot ko, dahil sa totoo lang labag sa akin ang lahat-lahat. "Tuluyan ka na bang aalis, Andrea?" muling tanong nito. Napayuko ako hindi ko gustong sagutin ang tanog ni Gabriel dahil alam kong masasaktan ko lang ito at ayaw kong mangyari iyon. "Sabi ni mama buo na raw ang desisyon ni papa," tugon ko kay Gabriel-- naramdaman kong lumingon ito sa akin. Lumingon din ako sa gawi niya, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Ma

