CHAPTER 39 GABRIEL POV HINDI ko alam kong saan ako kumuha ng lakas at nakarating ako sa burol kong saan kami madalas na nagkikita ni Andrea. Hindi ako makapaniwala sa sinabi s akin ni nanang sa harap ni Don Ignacio na tumanggap siya ng isang milyon na kabayaran para layuan ko si Andrea. Hindi ko lubos maisip na magagawa ng nanang na ikasangkapan ang kasiyahan ko alang-alang sa pera. Binayaran ni Don Ignacio ang nanang ko ng tatlong milyon kapalit para layuan ko si Andrea- at wala man lang akong kamalay-malay sa ginawa nito. Bumalong ang luha sa mga mata ko, mahal na mahal ko ang nanang ko kaya kahit mali ang ginawa niya wala akong magawa para sumbatan siya sa pagsunod ng kagustuhan ng lolo ni Andrea. At ang malaking tanong sa kaisipan ko ngayon ay kong saan nito gagamitin ang siyang pe

