CHAPTER 58 PABLO POV ITALY PINAGKASYA ko ang tingin ko kay Andrea, habang tahimik itong nagluluto ng paborito nitong almusal-- sunny side up egg at sinangag na kanin. Naghahanap pa rin ako ng tyempo para sabihin sa kaniya ang tungkol sa Lola Esmeralda nito. "Ayos ka lang?" tanong ni Andrea sa akin nang mapansin siguro nito ang pananahimik ko. Tumayo ako at nagpasyang lumapit sa gawi niya. "May sasabihin sana ako sa'yo," panimula ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin nagtatanong ang mga mata, biglang binitiwan ang kubyertos na hawak nito at seryoso akong tinitigan. "Tungkol saan?" tanong nito. Nakita ko ang siyang paglunok nito ng sunod-sunod, alam ko at ramdam ko na kahit hindi pa ako nagsisimula sa gusto kong sabihin sa kaniya kinakabahan na ito. "Uhmm. Alam kong hindi mo sila naala

