GABRIEL POV Habang pinagmamasdan ko si Victoria na mahimbing na natutulog.Mga magagandang alaala namin ni Andrea ang bumabalot sa aking diwa. Mga masasayang sandali noong kabataan namin. Sa simpling santol ay napapangiti ko siya. Ang kaakit niyang mga biloy ay siyang hindi ko makakalimutan. Higit sa lahat ang mapangakit niyang ngiti. Sariwa pa rin sa isipan kung paano sumayaw ang mga buhok niya sa hangin. Para siyang diwata sa aking paningin. Matagal na panahon na ang nakalilipas ngunit kahit isang saglit hindi ko nakalimutan ang bawat sandali na kasama ko ang babaeng minamahal ko pa rin magpahanggang ngayon. Kasalanan man sa mata ng iba na patuloy kong mahalin si Andrea ngunit hindi ko madidiktahan ang sinisigaw ng aking puso. Ituon ko man ang buong oras at panahon ko kay Victoria s

