bc

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5)

book_age18+
157
FOLLOW
2.4K
READ
HE
kickass heroine
billionairess
tragedy
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again.

In her dark world she meets her older brother’s patient that he brought home to their house. A young man who did nothing but tease her and pissed her off.

On the other hand, Miko S. Brilliantes, a happy-go-lucky and he loves to tease his older brothers—cousins. One of his favorite things to do is to annoy and make them jealous for being close to his sister-in-laws. But because of a tragedy everyone thought he was dead.

His doctor’s sister took care of him and the man who save his life. Until they liking each other. However, everything got complicated especially when fate tested them. He lost of the mother of his children and he found her married to another man.

Will Miko still continue to find a way for him to see the woman he loves even if he knows it’s dangerous?

Will he win a fight but his life is on the line of death to get his Donna back?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE TAHIMIK na nakaupo lamang ako sa carpeted floor ng aking silid, na nasa paanan ng bed ko nang makarinig ako nang mahihinang pagkatok sa sliding door ng balkonahe ko. Sa una ay binalewala ko iyon dahil baka malakas ang hangin sa labas ngunit naulit ito hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagkatok. Tumayo ako upang lapitan iyon at pagbukas ko ay labis kong ikinagulat ang lalaking nasa labas. Mabilis akong nagtungo sa pinto para i-lock ito at binalikan ko rin naman siya. “What are you doing here, Miko? D-Delikado rito. Paano mo nalaman ang lugar na ito?” kinakabahan na tanong ko at hinila ko ang kanyang braso upang makapasok na siya sa loob. Baka may makakita pa sa kanya mula sa labas. Hindi na niya ako pinakawalan pa at mahigpit na niya akong niyakap. He buried his face on my neck at nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Umawang ang mga labi ko sa naging reaksyon niya nang makita niya ako rito. “I’m sorry...” hinging paumanhin niya sa akin at nabasag agad ang kanyang boses. “Miko...” “I’m sorry, Donna...” “Please...h-huwag ka nang pumunta rito, Miko.” “Paano ako hindi pupunta rito kung nandito ka?” tanong niya at kumalas mula sa pagkakayakap niya mula sa akin. He cupped my face at mataman niya akong tinititigan. Simula nang malaman niya na buhay ako at ako si Donna Jean—his ex-fiancé ay gumagawa na siya ng paraan upang makita ako kahit alam niyang mapapahamak siya kapag lalapitan pa niya ulit ako. Alam niya na kung ano ang kayang gawin ng...asawa ko sa kanya kapag hindi pa niya ako iiwasan. “Miko... Please, huwag ng matigas ang ulo. Huwag mo na akong lalapitan pa... Iwasan mo na ako... Mapapahamak ka lang,” natatakot na sabi ko. “Ilang beses na kitang pinakawalan, Donna... Wala akong pakialam kung ikapahamak ko pa ang makita ka at lapitan ka. Minsan na rin akong nakipagpalaban kay kamatayan at gagawin ko ulit iyon para sa ’yo, baby...” Nag-init ang sulok ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at bumilis pa ang t***k ng puso ko. “M-Miko...” “Ako ang dahilan... Ako ang dahilan kung bakit napunta ka sa sitwasyon na ito, Donna... Ako ang dapat sisihin. Dahil naging makitid ang utak ko noon. Naging sarado ang tainga ko para pakinggan ang mga paliwanag mo noon sa akin... Kaya dapat gumawa ako ng paraan para mapaalis ka sa pamamahay na ito. Donna...kailangan ka namin... Kailangan ka namin ng mga anak natin...” “Pero Miko... Mas safe kayong apat kung hindi ninyo ako kasama... Mabibigyan kayo ng mapayapang buhay kung wala ako sa piling ninyo. Hayaan mo na ako...” sabi ko pero ilang beses siyang umiling at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya. “Paano mo nasasabi ’yan? Paano mo nasasabi iyan sa akin kung alam kong nahihirapan ka na pakisamahan ang lalaking iyon?” tanong niya at nagtatagis pa ang bagang niya. “Miko, mas mahalaga ang kaligtasan ninyo kaysa sa sarili kong buhay,” mariin na saad ko. “Ayoko, Donna,” sabi niya at umiling. “Hindi ako makakapayag na ikulong ka lang niya rito,” malamig na sabi niya at dumilim pa ang ekspresyon ng mukha niya. “Miko.” “Ilang hospital ang pinuntahan ko noong araw na iyon para hanapin ka. Pero anong ginawa ng lalaking iyon, Donna? Itinakas ka niya at pinilit na pakasalan siya!” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Mariin siyang napapikit at bayolenteng nagtaas baba ang kanyang dibdib. “Malaki pa rin ang utang ng loob ko sa kanya, Miko. Dahil naoperahan ako at muling...nakakita.” “Kaya ko ring gawin iyon... Kaya ko rin iyon kung hindi lang ako...nabulag sa galit at selos... Kaya rin kitang ipagamot, baby...” Nang makarinig ako ng yabag mula sa malayo ay nanigas ang katawan ko. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. “Baby, what’s wrong?” Mabilis kong itinulak si Miko sa labas at nagtatakang tiningnan niya ako. “Umalis ka na, Miko. Please...parating na siya. Nasa corridor na siya ng mansion namin—” “This is not your fvcking house, Donna Jean. May bahay tayo...” “Sige na, please. Umalis ka na, Miko...” Alam kong malayo pa lang ang tunog ng yabag na iyon. Sa tagal ko sa madilim na mundo ay malakas na ang aking pandinig at kabisado ko na rin ang paraan nang paglalakad nito. “Donna...” Hinapit niya ako sa baywang at idinikit sa katawan niya. Dumoble lang ang kaba sa dibdib ko. “Miko, pakiusap...” Bumuntong-hininga siya bago niya ako mariin na hinalikan sa mga labi ko. Ilang segundo lang iyon ngunit nagbigay na sa akin ng malakas na impact. Mapupungay ang mga mata niya at may kislap din. Ngayon ko lang talaga iyon nakita dahil ilang taon akong pinagkaitan na makita ang magandang tanawin sa mundo—isa na ang mga mata ng lalaking mahal ko. “Babalik ako. Babalikan kita at babawiin sa kanya, Donna. Hindi ako makakapayag na makuha niya ang ina ng mga anak ko. Akin ka lang, Miss. Akin ka lang,” banta niya at ako naman ang napalunok dahil sa lamig ng kanyang boses. “Mahal kita. Gagawin ko ang lahat at maiuwi lang sa bahay ko—sa bahay natin kasama ang triplets.” Yumuko lang ako dahil sa namumuong lungkot sa dibdib ko. Miss na miss ko na sila. “Sagutin mo ako, Miss. Or else hindi ako aalis dito.” “M-Mahal din kita. Sige na, mag—” siniil pa niya ako nang mas mariin na halik. Mabilis din akong tumugon sa mga halik niya hanggang siya na rin mismo ang kumalas. Napapikit pa ako nang masuyong hinalikan niya rin ang noo ko. Hinawakan niya ang kamay ko at may ibinigay siya sa akin na maliit na bagay. Cellphone? “Kunin mo ’yan at itago mo, Miss. Keypad siya at hindi ’yan masyadong makakakuha ng pansin. Matibay ang battery niyan. Bubuksan mo lang in case na may mangyayari na hindi maganda sa ’yo. Tawagan mo ako agad, Donna. Prepaid sim card ang gamit at nag-iisa lang ang numero ko sa contact mo. Just please, don’t hesitate to call me kung may gagawin na naman siya na masama sa ’yo. Miss...” Tumango ako at tinanggap na iyon. “Duly noted.” Niyakap pa niya ako nang mahigpit saka siya tumalon mula sa balkonahe. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil isinara ko na ulit ang sliding door. Itinago ko muna ang cellphone na bigay sa akin ni Miko dahil baka makita ito ng asawa ko. Pag-upo ko sa kama ay saka may kumatok sa pintuan ng silid ko. I took a deep breath.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook