CHAPTER 12

2120 Words
Chapter 12: The Bridge NABITAWAN ko ang spoon ko sa gulat, nahulog nga lang ito sa plate ko. Dahil hindi ko nga namalayan ang pagpasok niya. Kaya naman pala parang may nararamdaman din ako kanina na may nanonood nga sa akin. Masyado lang akong busy sa ginagawa ko at hindi ko na siya napansin pa. Pero dahil alam kong nasa loob na siya ng studio ko ay nararamdaman ko na nga ulit ang mabigat na presensiya niya. “D-Dati ka bang magnanakaw sa past life mo, ha? Hindi ka ba marunong kumatok man lang?” kunot-noong tanong ko sa kanya. “Wew, speaking of ‘hindi marunong kumatok’ ay naaalala ko tuloy ang mga kuya ko,” naaaliw na sambit niya. “Bad manners iyon. Matuto kang kumatok. Ano ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa hospital ka pa?” nagtataka kong tanong sa kanya. Sa ganitong oras ay dapat wala pa siya sa bahay. Sabay nga sila kung umuwi ng nakatatanda kong kapatid. “Binigyan ako ng break ng doctor ko kaya naisipan kong umuwi. Isa pa may narinig ako kanina,” paliwanag niya. “At ano naman ang narinig mo, aber?” tanong ko pa sa kanya. “Kapag may nagtatampo na isang tao ay hindi ba dapat suyuin mo siya? Hindi naman talaga nag-iinarte ang taong iyon, sadyang nagtatampo lang siya at naghihintay na suyuin pero mukhang siya pa ang makikipagbati sa halip na gawin din nito ang advice nito kanina,” mahabang saad niya at napahawak ako sa batok ko. Parang pamilyar sa akin ang sinabi niya. “Nakikinig ka ba sa station ko, Engineer Miko?” malamig na tanong ko sa kanya. Kasi ako na yata ang pinaparinggan niya. Naramdaman ko ang mahinang kalampag sa table kasi alam kong itinukod niya roon ang dalawang siko niya na parang nangalumbaba rin siya at nasa akin na ang kanyang buong atensyon. “Sounds sexy kung ikaw ang tumatawag no’n sa akin, Miss,” sabi niya. I heaved a sigh. “Alam mo, gutom lang ’yan kaya kukuha na muna ako ng plate para sa ’yo,” sambit ko at saka ako tumayo para kumuha ng isa pang plato para sa kanya. Nagsandok na rin ako ng kanin at bumalik din ako sa table. Ibibigay ko na sana iyon kay Miko nang mapansin kong wala na ang kinakain ko kanina. Pati ang plato ko ay kinuha niya rin. “Ang sarap ng luto ni Zedian, ah.” “Woy, akin naman iyang kinakain mo, ah,” sita ko sa kanya dahil basta na lamang niyang kinuha ang pagkain ko. Eh, may laway ko na kaya iyon! Pati yata ang kutsara ko ay kinuha niya rin. “Miss, gutom na talaga kasi ako, eh. Parehong pagkain lang naman ang kukunin mo.” “Pero bakit mo naman kinuha at kinain pa, eh kinakain ko na nga iyan. Kinuha mo pa ang spo—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang bigla niya akong subuan ng kanin na may chicken curry. Hinawakan ko pa ang gilid ng labi ko dahil nalagyan din iyon ng sauce. Wala na akong choice pa kundi ang inguya iyon dahil masasayang pa kapag iniisip ko na may laway na niya iyon. Hindi naman ako nandidiri sa kanya, ha. “Nagkainan na tayo, ’di ba?” Nagpanting ang tainga ko sa narinig. “Ano kamo? Ano’ng nagkainan?” “Wala, kumain ka na lang diyan,” pag-iiba niya ng topic at sumunod naman ako but I can feel his eyes. “Miko, stop it will you?” “Ha? What did I do?” “Kanina ka pa nakatitig sa akin, eh,” sagot ko sa kanya at humagalpak na naman siya nang tawa. “You’re so observant,” he commented. “Talagang mararamdaman mo na may nakatitig sa ’yo kahit na hindi mo iyon makikita,” usal ko. “Bakit ikaw? Kapag kasama kita ay hindi ko naman nararamdaman na nakatitig ka sa akin?” bigla ay tanong niya sa akin. Nawalan ako nang imik kasi alam ko naman ang kasagutan kung bakit iyon ang nararamdaman niya. “Kahit noong in-coma ako ay nararamdaman ko lang ang presensya mo. Ang pag-aalaga mo sa akin pero ni minsan ay hindi ka naman tumitingin sa akin.” Nag-angat ako nang tingin sa kanya. “Kahit ngayon nga ay parang sa iba ka pa nakatingin. Diretso mo man ako tinititigan ngayon ay parang hindi mo pa rin ako nakikita.” Bumuntong-hininga ako at ibinaba ko na lamang ang tingin ko sa plato ko—kahit na wala nga rin talaga akong nakikita. “Kumain ka na, Miko. Baka lumamig ulit iyan,” wika ko. “Don’t mind my words, Miss. Ganito lang din talaga ako,” mayamaya ay saad niya. “Madaldal ka, eh. Iyan ang napapansin ko sa ’yo,” usal ko. Napatuwid naman ang upo ko nang ipitin niya ang mga hita ko ng kanyang binti. Maliit lang ang table at talagang magdidikit ang mga tuhod namin. “Ano ba, Miko. Ang binti mo!” “What? Kumain ka na lang diyan bago pa lumamig ang pagkain mo,” sabi niya at deadma lang siya. “Ang binti mo kasi!” sigaw ko sa kanya. “Hayaan mo na. Nasa maayos na kalagayan siya,” aniya at nagpakawala ulit ako ng buntong-hininga. Ako na lamang talaga ang susuko sa attitude niya na super kulit pa. “Nalaman ko sa kuya mo na takot ka pala sa aso. Kaya naman pala ganoon na lamang ang pag-iyak mo nang sabihin ko sa ’yo na kamukha mo ang dogie na nasa lansangan. Iyon pala isa sa weakness mo iyon.” “Huwag mo na nga akong daldalin pa.” “Ang sungit mo naman, Miss,” aniya at alam kong mahaba ang nguso niya. Sa tono pa lang ng kanyang boses. “Donna or Jean ang itawag mo sa akin. Huwag mo akong i-mi-miss,” sabi ko. “Huwag kitang i-mi-miss?” tanong niya na parang ang inosente pa. “Oo,” mabilis na sagot ko at sumubo ng kanin. “Kapag umalis ako ay alam kong mami-miss kita,” sabi niya at bigla ay hindi ko na kayang lunukin pa ang kanin na parang bumabara na ito sa lalamunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Narinig ko na lamang ang pagmumura niya at may basong tubig agad sa tapat ng bibig ko. Siya ang umalalay sa akin na makainom ng tubig. Nang dumaan na nga ang kanin sa aking lalamunan ay panay na ang pag-ubo ko. May luha na nga sa gilid ng mga mata ko. “Nakaiinis ka talaga, Miko! Bakit ka ba nanggugulat?!” asik ko sa kanya. “Ay sorry, nakabibigla pala ang sinabi ko na mami-miss kita.” At inulit pa nga niya. Haist. Natapos ang lunch time namin ni Miko at hindi pa rin siya umaalis sa studio ko kahit noong nag-on-air ulit ako ay nanonood lang siya. Kapag nakikita naman niya na busy ako ay hindi naman siya nangungulit pa. Sa ilang beses ko lang siyang nakakasama ay alam ko na ang iilan niyang mga katangian. Carefree siya masyado, happy-go-lucky siya, madaldal at makulit. Kahit na ganoon ay mararamdaman mo na may busilak siyang puso. Kasi gentleman din siya. Iyon nga lang ay walang oras ang lilipas na hindi niya ako aasarin. “Hindi ka ba na-trauma sa nangyari sa ’yo, Miko?” tanong ko. “I was. I was traumatized. Who doesn’t, right? You are going to work but there is a danger waiting for you. After they tortured me and even pointed at my leg they just threw me somewhere it was so dark. They made sure I couldn’t ask for help because there was no one in the area. Sometimes I wake up from that nightmare. I’m already afraid of the dark. I remember what happened to me,” seryosong pahayag niya at nasa boses niya talaga ang galit at poot dahil sa nangyari sa kanya. I feel sorry for him. “I’m thinking maybe this is just my karma? Because I did a lot of things that were not good to my brothers and cousins. But do I really deserve to experience that one nightmare in my life? The pain they gave me that almost killed me? Eh, my family feels hurt? Do they deserve that?” tanong niya na punong-puno ng lungkot at sakit sa boses. I cleared out my throat. “Maybe that’s all that’s destined to happen in your life, Miko, and another one... You survived that nightmare naman,” sambit ko at napapa-English ako kasi kapag seryoso pala siya ay ganito siya magsalita. Dudugo pa ang ilong ko sa kanya, ay. “I bet it’s like that. I’m still thankful to be here and alive. Or maybe that nightmare is a way or bridge for me to meet someone,” he uttered and I felt his strong stares at me. “Huh? What do you mean by that?” I asked him in confused. “If it hasn’t happened to me. Do you think makikilala kaya kita?” he suddenly asked me. “Huh?” nagugulat ko pa ring tanong. “I want to forget that nightmare but I can’t. Because that’s the way for me to find the one for me,” he stated at hindi ko na siya na-gets pa. “I’m confused with you, Miko,” sabi ko na lamang na sinabayan ko pa nang pag-iling pero narinig ko na naman ang boses ng batang babae na nakausap ko sa bahay-ampunan, noong nasa Manila pa kami. “Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan.” Si Miko na kaya ang tinutukoy niyang pangalawang lalaki? Kasi katulad nga ng mundong kinagisnan ko na—ang kadiliman ay natagpuan namin siya nina Kuya Hart at Age Zedian sa madilim na lugar na walang taong dumarayo roon. Kung hindi lang mag-s-shortcut ang mga ito. Pero napapaisip ako. Si Miko na nga ba ang magmamahal sa akin ng walang katulad? Eh, siya rin naman ang magtutulak sa aking maagang kamatayan. Dapat ko ba siyang katakutan na lalapitan pa? Ngunit ang sabi rin sa akin ay hindi ko puwedeng pigilan ang kapalaran ko kasi mangyayari at mangyayari pa rin iyon. “Ang pangatlo naman po ang siyang magbibigay sa ’yo ng liwanag ngunit mali ang kanyang piniling pag-ibig. Ate sa piling po niya ay mararanasan mo ang isang buhay na prinsesa pero hindi po niya kayang pantayan ang pag-ibig ng pangalawang lalaki. Higit pa sa isang reyna ang ituturing niya sa ’yo. Ililigtas ka niya mula sa panganib kahit buhay pa niya ang kapalit. Ang huling dalawang lalaki ay malaki ang magiging role nila sa buhay mo, Ate Donna. Maaaring magiging masaya ka sa umpisa pero hindi ito magtatagal. Ikaw rin po ang magtutulak patungo sa kamatayan ng pangalawang lalaki. Paghandaan mo po ang mangyayari sa hinaharap at sana piliin mo ang siyang karapat-dapat talaga. Kung alam mo pong mapanganib ay huwag mong pilitin at iyo’y bitiwan agad dahil magsisisi ka rin po sa huli.” Feeling ko ang suwerte ko pa rin dahil dalawang lalaki ang gagawa nito sa akin. Sino nga ba talaga ang para sa akin? At kung darating man ang pangatlo ay baka wala na si Miko sa piling ko? Wait, bakit naman mukhang mag-on kami sa sinabi ko. Mawawala na talaga sa piling ko ang sinabi ko? Napahinto ang pag-iisip ko ng malalim na may pumitik na naman sa noo ko. Hindi naman iyon masakit pero hinimas-himas ko pa rin. “Ano ba ang problema mo, Miko? Bakit ka ba namimitik ng noo?” mahinahon kong tanong. “Kanina pa ako daldal nang daldal dito pero hindi mo naman ako pinapansin. Ni hindi ka sumasagot kahit nagtatanong pa ako sa ’yo,” sabi niya at hayon na naman ang tunog ng pagtatampo. “Ipaalala ko lang sa ’yo na hindi ka na bata, Miko,” pangangaral ko sa kanya. “Eh, sa gusto ko ring magpa-baby sa ’yo.” Tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko. “Ewan ko sa ’yo,” supladang saad ko. I stood up from my seat and went to the door. “Lumabas ka na rin. Huwag mong guluhin ang studio ko,” paalala ko pa sa kanya kasi baka mamaya niyan ay bubuksan niya iyon at daldalin pa niya ang ka-harty ko. “Yes po, Miss,” nang-aasar na sambit niya. Napairap ako. “Ang cute umirap, ah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD