Chapter 24: Torrid kiss
SA BIYAHE namin ay mahinang humahalakhak siya. Na parang ang saya-saya niya ngayon. Naiintindihan ko siya dahil makikita na niya ulit ang pamilya niya pero mayamaya lang ay sinabi niya ang dahilan kung bakit siya natatawa.
“For sure na katulad din ni Kuya Markus ay priceless na naman ang mukha nilang lahat kapag nakita na naman nila ako,” sabi niya na sinabayan talaga niya nang tawa. Napasimangot ako.
“Akala ko pa naman ay excited ka dahil makikita mo na ang pamilya mo. Pero...ang magiging reaksyon lang nila ang tinatawanan mo? Seryoso ka riyan, Miko?” tanong ko.
“Yes,” simpleng sagot niya.
“Miko...”
“Siyempre naman masaya ako dahil makikita ko na ang pamilya ko. Pero ipatatanggal ko ang puntod na may pangalan ko mamaya niyan ay baka magkatotoo iyon.”
“Miko, hindi ka nakatutuwa,” naiinis na sabi ko. Dahil talagang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Hindi iyon mangyayari, hinding-hindi.
“Sorry, Miss. May balak pa akong pakasalan ka at ikaw pa ang magsisilang ng mga anak ko,” sabi niya sabay halik sa likod ng kamay ko.
Gusto ko rin naman iyon, eh. Gusto ko rin na maikasal sa kanya tapos magkaroon kami ng anak katulad ng gusto niya.
“Sa manibela ka humawak, Miko. Hindi sa kamay ko.”
“Ang damot ng baby ko, ah.”
“Hindi kita pinagdadamutan. Ang gusto ko lang ay mag-focus ka sa pagmamaneho mo. Miko, iniingatan lang kita. Puwede mong hawakan ang kamay ko kahit magdamag pa,” sabi ko at binitawan na niya ang kamay ko.
“Okay po, Miss.”
Pagdating namin sa bahay—tamang sabihin na mansion nila. Hindi lang naman iyon bahay nila dahil sa laki nito, nakapunta na rin ako sa mansion nila talaga at nakilala ko ang Mommy niya medyo...uhm, masungit? Ewan ko lang, kasi tahimik naman siya. Hindi katulad ni Grandma, na may pagkadaldal.
“Miko, parang sasayaw naman tayo niyan,” ani ko at mahinang natawa pa ako. Dahil nakapuwesto siya sa likuran ko habang hawak niya ang kaliwang balikat ko tapos pati na ang kamay ko. Pinagsiklop na lamang niya ang mga daliri namin saka kami naglakad.
“Saan tayo? Sa mansion ng lolo mo or sa parents mo?” tanong ko.
“Sa mansion ng grandparents mo,” sagot niya para lang magsalubong ang kilay ko.
“Wala na po ako no’n,” pagtatama ko sa kanya.
“Sa mansion ng parents ko. Mamaya na tayo roon kina Grandpa. Gugulatin muna natin ang mga kuya ko.” Kahit na kailan talaga ay mapagbiro siya.
“Bahala ka kung ma-h-heart attack ang mga kuya mo,” utas ko.
“Hayan na si Kuya Markin. Hi, Kuya! I-welcome mo ako, dali!” sigaw niya at narinig ko na lamang ang kalampag ng bagay na tila nahulog. “Parang nakakita ka ng multo sa hitsura mo,” dagdag pang usal niya. “Kuya Michael!”
“What the fvck?!”
“Hey, may baby tayong kasama!” sigaw niya at tinakpan pa ang dalawang tainga ko na mabilis ko namang inalis ang kamay niya. Ramdam ko na ang mga tinginan sa amin ng mga nakatatandang kapatid niya.
“Is that...that...”
“Hindi yata kayo natutuwa na makita ulit ako, ha?” parang nagtatampong saad ni Miko. Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon niya ay alam kong nakanguso siya.
“Mom! Dad!” mayamaya ay sigaw nila tapos mabilis na footsteps nila ang lumapit sa amin.
“Ouch! Ang pisngi ko!”
“T-Totoo ba siya, Kuya?”
Hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa nila kay Miko dahil puro daing at reklamo na lamang ang naririnig ko.
“What’s going on here?” Boses iyon ng daddy nila. Pamilyar na ako dahil nakausap ko na siya minsan.
“Jean, hija? Akala ko ba ay kasama mo ngayon si Mikael?” ang tanong naman sa akin ni Tita Jina.
“Opo, kasama niya po ang... boyfriend niya po,” sabi ko na nag-aalangan pa.
“Si... Wait... Hon, si...”
“Mom, Dad! Na-miss ko po kayo!” sigaw ni Miko at patakbong nilapitan yata ang parents niya. Narinig ko na lamang ang pag-iyak ng Mommy niya.
“Totoo bang si...Miko ito, honey? Ang anak ko... Miko?”
“Ako po ito, Mommy! Buhay pa ho ang pinakaguwapo ninyong anak!” biro pa niya pero hagulgol lang ang naisagot ng Mommy niya. Bunsong anak niya kasi si Miko. Kaya ganyan na lamang ang pag-iyak niya, you can feel the sadness at ang pangungulila niya.
“Jean, paanong... What just happened?”
“Uhm, three years ago po kasi ay nakita namin si Miko sa madilim na lugar. Sugatan po siya sa mga panahon na iyon. Si Kuya Hart po ang gumamot sa kanya,” sagot ko sa tanong ni Kuya Markin. Siya kasi ang nagsalita.
“S-Sugatan?”
“Opo, si Miko na lang po ang tanungin ninyo tungkol sa nangyari sa kanya.” Matagal bago nahimasmasan ang mommy niya kasi halos hindi na nga siya bitawan nito. Iyak nang iyak pa rin.
Masaya naman na ako para sa kanila. Dahil nakabalik na ng ligtas ang bunsong anak nila na lalaki at sana nga ay malaman na rin nila ang mga taong nagtangka sa buhay nito. Para makuha naman ng dalawang magkapatid ang hustisya para sa kanila. Hindi biro ang nangyari dahil buhay talaga nila ang nakasalalay.
“Mom, Dad. Girlfriend ko ho pala. Siya po ang savior ko. Siya ang nag-alaga sa akin noong na comatose po ako. Siya rin po ang pumilit sa kuya niya na iligtas ako dahil nag-aalangan po sila ng mga panahon na iyon na baka scam—”
“Talaga namang scammer ka, Miko. Wala kang idea kung ano ang nangyari sa amin noong nakita namin ang bangkay mo,” sabat sa kanya ni Kuya Markin.
“Totoo, sa pagkawala mo ay halos hindi na ako umuuwi sa mansion natin. Dahil naaalala kitang gàgo ka,” si Kuya Mergus naman ang nagsalita.
“Wala na rin ang nag-aalaga kay Novy. Miko, sana pinaalam mo sa amin na buhay ka para hindi ka namin agawan ng puntod mo,” sabi ng isa pa niyang kuya na si Kuya Michael.
“Natatakot lang po ako dahil baka balikan nila ako kapag nalaman nilang buhay ako. Mas mabuting magtago muna ako at alamin ang mga taong nagtaka sa buhay ko na palihim kong magagawa iyon, pati na rin kay Mik. Dad, mga kuya. Huwag na po sana kayong makialam pa sa problema namin ni Mikael. Ako na po ang mahahanap ng kasagutan at sa mga taong iyon,” seryosong sabi ni Miko.
“Mas matanda kami kaysa sa ’yo, Miko. Kami ang dapat poprotekta sa ’yo,” mariin na saad ni Kuya Markin.
“Si Markus ba? Alam na niya na buhay ka, Miko?” Tito M asked him.
“Yes, Dad. Nasa hospital po kami kanina.”
“Where is Mikael, then?”
“She’s with her boyfriend, Dad.”
“Jean, hija?” tawag sa akin ni Tita Jina.
“Po?” tugon ko naman.
“Thank you for saving our son.”
“Wala po ’yon, Tita.”
“Naku, puntahan na natin sina Grandpa at Grandma, Jean.”
“Iwan mo na lang dito sa amin si Jean. Sige na.”
“But Mom...”
“You’re clingy. Wala namang aagaw sa Jean mo.”
“Shut up, Kuya Mergus.”
Umalis din si Miko at sinamahan siya ng mga kuya niya. Naiwan ako kasama ang Mommy niya. Noong una ay nag-aalangan pa ako at medyo naiilang pero nang magsimula siyang magkuwento tungkol kay Miko ay saka lang ako naging komportableng kausapin siya. Lalo na iyong mga panahon na nawala raw ito bigla at hanggang ngayon pa pala ay hindi pa siya naka-move on. Bunsong anak niya nga si Miko at napakasakit para sa kanya ang mawalan ng isang anak at ang bunso pa.
“Pasensiya na po kung itinago namin mula sa inyo si Miko. Ang sabi po ni Kuya Hart ay bugbog sarado po talaga siya. Kaya po may leg injury rin siya.” Naririnig ko pa ang mahihinang hukbo ng ginang kaya ginanap ko ang mga kamay niya.
“A-Ayos lang iyon... Nawala na ang sakit, hija dahil totoong buhay naman ang anak ko. Salamat din na hindi mo siya pinabayaan. Nakikita ko na nasa mabuting kamay nga siya. Malaki ang utang na loob namin sa inyong magkapatid. Sana ay makilala ko rin ang kuya mo, Jean.”
“Opo, nandito na rin po siya kasama ang mag-ina niya,” sabi ko at nagulat pa ako nang yakapin niya ako. Hinagod ko na lamang ang likod niya.
“Tara, paglulutuan kita ng masarap na dinner,” pag-aaya niya bigla na ikinatuwa ng puso ko.
“Hala, salamat po. Gusto ko po ’yan,” nakangiting sabi ko. “Gusto ko rin po sanang tumulong sa inyo pero baka makaabala lang ako sa inyo,” nahihiyang sabi ko.
“No, maupo ka na lamang diyan, hija. Ikuwento mo na lang sa akin kung paano kayo naging magkasintahan ng anak ko at paano mo nagawang tanggapin si Miko. Alam mo na ang ugali niya, ang mga kuya niya ay minsan sumusuko na rin sa kapilyuhan niya.” Kahit nahihiya ako ay nagkuwento na lamang ako sa kanya.
“Mabait naman po si Miko, Tita. Ang ugali niya na minsan ay nakapipikon ay isa na po ’yon sa nagustuhan ko sa kanya. Tanggap ko po kung minsan ay pilyo siya at madalas din po siyang mang-asar sa akin. Pero po, Tita Jina. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo.” Sunod-sunod pa ang naging kuwentuhan naming dalawa.
Akala ko sa dinner namin ay hindi na makababalik pa si Miko. Pero dumating din naman siya at kaming apat lang ang kumain. Dahil kasama pala ng mga kuya niya ang mag-iina ng mga ito. Sa kanilang magkakapatid, na maliban kay AJ ay may mga anak na pala ang iba. Hindi pa nga raw kasal.
“Nakaiinis ang kuya mo, Jean.”
“Ha, bakit?” nalilitong tanong ko.
“Gusto niyang iuwi kita sa hotel na tinutuluyan mo. Ayokong ipamigay ka.”
“Ha?”
“Ha?” panggagaya niya sa akin.
“Ang OA mo naman,” ani ko at matunog niyang hinalikan ang pisngi ko.
“Na-miss nga kita,” bulong niya sa tainga ko at humalik pa siya sa leeg ko.
“Miko...” sambit ko sa pangalan niya dahil kinagat niya ang tainga ko.
“I miss your lips, baby.”
“Nakahalik ka na sa akin kanina. Enough na ’yon,” ani ko at napasinghap na lamang ako nang itulak niya ako pahiga sa kama niya.
“Alam mo naman na hanggang halik lang ang nagagawa natin. Wala pa tayong gagawin, Miss. Wala pa.”
“Sige na nga,” pagsuko ko.
Pagkatapos ko lang sabihin iyon ay may diin niya akong hinalikan sa mga labi ko. Napadaing ako dahil sa pagkagat niya sa pang-ibabang labi ko. Dahilan na umawang ang labi ko at ipinasok niya ang pilyong dila niya sa loob ng bibig ko.
Napakapit na ako sa leeg niya. Sasabayan ko pa lang ang paghalik niya pero naging mapusok na ito. Sinabayan pa niya nang paghaplos sa pisngi ko. Sa unang pagsipsip niya sa labi ko ay namanhid ito, mariin at may panggigigil pa kasi. Napahalinghing ako na pati ang dila ko ay sinipsip niya rin. Humigpit ang hawak ko sa leeg niya hanggang sa nakikita ko na ang sarili ko na sinasabunutan siya.
Nagawa kong kagatin ang labi niya at sinipsip ko lang ito hanggang sa nalasahan ko ang metal.
“Aw...” daing niya at dahil naramdaman ko nga ang dugo na dumaloy sa mga labi niya. Humiwalay rin siya at naghahabol na kami ng sarili naming hininga. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko.
Wala pang isang minuto ay siniil ulit ako ng halik. Mapusok at mapaghanap pa naman ang bawat halik niya. Naramdaman ko ang bigat niya nang nasa ibabaw ko na siya at nagpalit kami ng posisyon.
Ako na ngayon ang nasa ibabaw niya at siya ang nakahiga sa kama. Umayos ako mula sa pagkakadapa ko sa kanya at naitukod ko ang kanang braso ko sa gilid ng ulo niya pero hinapit niya ako sa baywang at pinirmi. Ang isa niyang kamay ay nasa batok ko.
Hindi kami tumigil sa paghalik sa isa’t isa at ilang beses din kaming nagpalit ng posisyon. Hanggang sa pareho kaming nahulog sa kama.
“M-Miko?” sambit ko sa pangalan niya at nag-alala pa ako dahil nadaganan ko siya. “Baby?” Hinaplos ko ang pisngi niya.
Matunog na humalik siya sa mga labi ko. Namamanhid na nga ito, eh. Parang matatanggal na nga, kasi matinding pagsipsip ang ginawa niya.
“Wow... Pulang-pula na ang mga labi mo, Miss.”
“Enough na ha? Namamanhid na siya, Miko,” salubong ang kilay na sabi ko at hinawakan ko pa iyon. Umupo siya kaya nadala rin ako saka niya ako pinangko at iniupo sa kama. Nakiliti ako nang ilang beses niyang hinalikan ang leeg ko at pababa sa balikat ko. “Hala, Miko!” natatawang sabi ko.
“I love you, Jean... I love you, so much my baby...” malambing na sabi niya at ngumuso ako dahil sa pahalik-halik niya buong mukha ko at dumadapo rin sa labi ko. “I love you... I love you.”
“Oo na, alam ko. Alam ko!” sigaw ko na sinabayan ko nang pagtawa. Sinapo ko ang panga niya at hinalikan ko naman ang pisngi niya. “Mahal na mahal din kita,” sambit ko.
“Let’s sleep, baby.”
“Thanks God,” usal ko and I felt relief. I heard him chuckled. “Ay...” I uttered dahil ginawa niyang unan ang kanang braso ko at idinikit niya ang pisngi niya sa dibdib ko. Siya pa ang naglagay ng isang kamay ko sa baywang niya at higit niya akong hinapit sa baywang kaya magkadikit na ang mga katawan namin.
“I miss cuddling with you, Miss.”
“Ako rin,” saad ko at hinaplos ko ang buhok niya saka ko hinalikan ang gilid ng labi niya.
“Let’s kiss later.”
“Matulog ka na lang, Miko. Kalimutan mo na lang iyan,” ani ko at mariin kong pinisil ang ilong niya.
“Ipahinga na muna natin tapos kiss ulit.”
“Tumigil ka na nga!” Tinakip ko na lang ang bibig niya para hindi na siya magsalita pa. Kakaiba talaga siya, oh. Tinanggal niya iyon at hinalikan ang likod nito. “Matulog na lang tayo, please... Namamaga na ang lips ko, baby,” may pagmamakaawang sabi ko. Knowing him na mahilig sa kiss ay alam kong hindi na naman siya titigil pa.
“Tingnan ko nga,” sabi niya at pinaunan na niya ako sa kaliwang braso niya. Marahan na hinaplos iyon ng hinlalaking daliri niya. Nakapikit na nga ako pero dumampi na naman ang malambot niyang labi sa akin at marahan niyang kinagat saka niya ito sinipsip. Nakaaantok ang bawat halik niya kaya kahit namamanhid na ang mga labi ko ay tumugon pa rin ako kaya mas lumalim ang halikan namin. Ang tunog na paggalaw lang ng mga labi namin ang maririnig.
Titigil lang kami kapag wala na namang hangin sa dibdib namin. Masuyong hinalikan niya ang noo ko at natawa pa siya dahil mabigat na ang talukap ng mata ko.
“Sleep well, baby. Bukas ulit,” sabi niya, umungot ako na parang bata.