CHAPTER 18

2843 Words
Chapter 18: Sacred HININTAY ko lang ang pagbalik ni Miko sa tree house. Inilabas ko naman ang cellphone ko at kumuha ako ng picture. Nasa front naman ang camera nito at marami naman ang kuha ko. Ipapakita ko na lamang sa nobyo ko ang magandang litrato ko at ipapabura kung may hindi man maganda. I-c-click ko na sana ang button ng camera nang tinawag ako ni Miko. “Jean.” Nang pumihit ako ay siniil niya ako ng mariin na halik. Mabilis naman akong tumugon at sinabayan ang mararahan na galaw ng mga labi niya. Hangga’t hindi kami kinakapos ng hangin ay talagang wala siyang tigil. Bumaba ang halik niya sa balikat ko at dahil mababa lang ang neckline ng dress ko ay pati ang gitna ng dibdib ko ay hinalikan niya. Namamanhid na ang batok ko at mainit na rin ang magkabilang pisngi ko. “Miko, huwag mo akong lagyan ng kissmark,” suway ko sa kanya at napaigtad ako na pati ang cleavage ko ay nahalikan niya. “Miko.” Nag-init lang ang katawan ko dahil sa sensasyon na pinaparamdam niya. “Jean?” sambit niya sa pangalan ko pero sa mahinang boses. Parang nahihirapan na ano. “What is it?” Bayolenteng napalunok ako dahil sa paghaplos niya sa binti ko. “Ayokong... takutin ka sa gagawin ko. Pero ang hirap-hirap talagang magpigil. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng mga kuya ko. Kapag gusto mo pala ang isang babae na kahit wala siyang ginagawa ay nagagawa kang akitin at parang torture na rin ang ginawa sa ’yo.” “Ano ba ang dapat kong katakutan sa gagawin mo, Miko?” tanong ko at hinaplos ko ang panga niya. “Sa gagawin ko. Baka... isipin mo rin kaya kita niligawan, kaya naging girlfriend kita at nagustuhan kita dahil sa gusto ko lang din na angkinin ka?” Mas tumindi na nag-init ang pisngi ko. Kakaibang hatid para sa akin ang sinasabi niyang ‘angkinin ka’. Alam ko ang kahulugan no’n. Ngunit higit ko siyang pinagkakatiwalaan kaysa sa kung sino-sinong tao lang. Maliban kina Ate Zedian at Kuya Hart ay isa na rin siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. “Miko, sa relasyon ng dalawang tao. Hindi nila kailangang gawin ang bagay na iyon. Hindi iyon ang magpapatibay sa relasyon nila. Ginagawa lamang iyon ng mag-asawa, na legal na silang kasal, sa mga mata ng tao at kay Lord. Alam mo ba kapag ibinigay mo ang sarili mo sa isang tao? At ginawa ninyo iyon ay mabilis na magsasawa sila. Iisipin nila ang tumikim sa iba na kung ano rin ang pakiramdam kapag ginagawa nila ang mga bagay na iyon? Pero may iba rin na kapag hindi mo ibinigay ang gusto niya ay maghahanap siya ng iba para ma-satisfy ang pangangailangan niya. Makasalanan ang magtalik na hindi pa kayo kasal, nakawawala ng puri at dangal lalo na sa mga babaeng katulad ko. Miko, kung mahal mo ang isang tao ay huwag mong hilingin iyon sa kanya. Ang pagmamahal ay nararamdaman lamang ng puso natin, hindi ang init ng katawan. Pagtataksil iyon sa Kanya at gagawin nila iyon dahil gagamitin lamang nila ang ibang tao,” mahabang paliwanag ko sa kanya at napabuntong-hininga na lamang din siya. “Isa ka ngang guro. Ang husay mong magsalita ng ganyan,” tila proud na sabi pa niya. “Pero...” “Ano ’yon?” “Mangyayari lang iyon sa atin kapag hindi na natin mapipigilan ang mga sarili natin,” seryosong sabi ko. “Kung ganoon, handa kang gumawa ng kasalanan kasama ako?” tanong niya na tinanguan ko. “Sige, tingnan natin.” “Miko, kung maaari ay magpigil ka naman.” Pabiro kong piningot ang tungki ng ilong niya. “Hangga’t kaya ko pa, baby,” sabi niya at inayos ang neckline ng dress ko. “Tara. Meryenda tayo. Masarap ang meryenda nila.” “Dapat dinamihan mo.” “Siyempre naman ako pa ba? Kumuha ako ng marami para maging sulit nga ang binayad natin,” sabi niya. Ang meryenda na tinutukoy niya ay bibingka, kakanin at iba pa na hindi mo mabibili sa siyudad. May buko juice rin. Dahil nasa taas nga kami ay hindi ko maiwasan ang lamigin dahil malamig nga talaga ang hangin. May parihabang upuan na makikita pa rin naman daw ang nasa ibaba. Doon ako umupo at pumuwesto si Miko sa likuran ko. Nasa gitna na nga ako ng mga hita niya, nakakulong sa mga bisig at binti niya habang may maliit na blanket ang nakabalot sa aming katawan. Pinakiramdaman lang naman ang isa’t isa at ang peaceful place na ito. “Miko?” “Hmm?” He buried his face on my neck. “Kung hindi ka ba nila dinukot at pinahirapan... Posible kayang magtatagpo ang ating mga landas?” tanong ko dahil iyon ang bumabagabag sa isipan ko kanina pa. “Ako ang gagawa ng paraan para magtagpo tayo, baby.” “Pero hindi mo pa naman alam na may Donna Jean ang nag-e-exist sa mundong ito,” saad ko. “Sabi mo ay nagkita na kayo ni Grandpa sa isang bahay-ampunan?” Tumango ako at nagpatuloy siya. “Kung hindi ako ang gagawa ng paraan ay baka si Grandpa naman ang gagawa no’n. Hayst, hindi mo alam na matagal na talaga akong pinapupunta sa bahay-ampunan na iyon pero palagi kong tinatanggihan ang lolo ko.” “Naniniwala ka sa tadhana, Miko?” “Siyempre naman, oy. Napadpad ako bigla sa madilim na mundo pero natagpuan ko pa rin ang liwanag sa buhay ko. Tadhana na ang may gawa no’n.” My heart beats so fast, again... Napapatanong din ako sa sarili ko. Pagkagusto lang ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Dahil kung pag-ibig na ito ay masyado naman yatang mabilis para maramdaman ko agad iyon. Pero marami pa naman kaming oras upang tuklasin iyon. “Oo nga pala, Miko. Tingnan mo kung may hindi ba maganda sa pictures ko.” Kinuha ko ang phone ko at ibinigay ko iyon sa kanya. Hinintay ko na magkomento siya. “Hmm, maganda lahat. Lalo na itong picture natin na nag-k-kiss.” “Ha? May ganyan tayo? Nakuhanan iyan?” gulat kong tanong. “Yup, ang ganda, eh. Gagawin ko itong wallpaper natin.” “Eh, huwag sa akin, Miko. Lagot ako sa kuya ko niyan, eh.” “Hmm, bahala ka. Basta sa akin ay papalitan ko. Ang ganda.” “Baka mayroon. Ang hilig mong mambola.” “Kahit saang sulok pa ng mukha mo ay maganda,” sabi niya at si Miko iyan, eh. Wala siyang sasabihin na hindi maganda dahil girlfriend niya ako. Mayamaya ay nagpasya naman kami na bumaba. Wala raw pupunta sa tree house dahil occupied na namin pero dinala ko pa rin ang sling bag ko. “Marami ba’ng tao, Miko?” “Oo. Pero mas pinili nila ang swimming pool. May mga foreigner din kaya pala ang daming guards sa labas noong bumaba ako kanina. May dalang basket ang aking nobyo dahil may natira pang meryenda roon. May Yakult din na iyon nga ang iniinom ko pero nilagyan niya ng straw. “Maliligo ka?” I asked him. “Ayaw mong pumunta roon sa ilog?” balik niyang tanong. “Alam mo naman na wala akong dalang pamalit at maliligo ba ako na naka-dress lang? Ayoko rin na magsuot ng naka-underwear lang.” Hinawakan pa niya ang neckline na parang itinataas din niya. “Huhubarin ko ang t-shirt ko at iyon ang susuotin mo.” Dinala niya ako sa cottage marahil dahil naramdaman ko ang hapag, eh. “Akin na ang bag mo, Jean.” Hinubad ko iyon at ibinigay sa kanya. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na alam ang ginagawa niya. Basta pagkatapos ay ibinigay na niya sa akin ang t-shirt niya. “Mamaya ano ang susuotin mo?” “Jacket. Maghuhubad din ako ng pantalon. May shorts ako.” “Samahan mo ako sa CR.” “Dito ka na maghubad, wala namang tao.” “Ayaw ko nga. May tao nga at ikaw iyon,” salubong ang kilay na saad ko. Natatawa na naman siya. “Ano naman? Boyfriend mo naman ako.” “Hindi porket boyfriend kita ay puwede mo ng makita ang katawan ko,” masungit na saad ko. “Ay ang damot.” “Miko!” “Oo na po! Pero puwedeng pasilip?” “Miko?! Hindi na lang ako maliligo,” nakangusong sabi ko. “Oo na, tatalikod na po ako, Miss.” Tumalikod na rin ako at hindi ko naman na naramdaman pa na sinisilipan niya ako. Kaya nagawa kong isuot ang t-shirt niya. Napasinghot pa ako dahil ang bango kaya nito. Amoy na amoy ko ang gamit niyang perfume. “Tapos na ba?” “Oo,” tipid kong sagot. Alam kong oversize lahat ang damit ni kuya. So umabot pa rin iyon sa itaas ng binti ko. Hinawakan na niya ang kamay ko at napangiti ako nang tubig na nga ang nilalakaran namin. Naririnig ko na rin ang lagaslas ng tubig sa ilog. Nang umabot na yata sa hita ko ay sinabuyan pa ako ni Miko ng tubig. Ginantihan ko rin siya. Akala niya ay hahayaan ko siyang sabuyan niya lamang ako ng tubig. “Dala ko ang phone ko. Waterproof naman ito. Ipadala natin kay Daiz ang mga litrato natin.” “Nananakot ka yata, eh,” ani ko. “Hindi, ah. Gusto ko lang ipagmalaki sa kanya ang babaeng gusto ko.” “At mapipilay ka lang ulit. Sige ka.” “Hindi ’yan. Ipagtatanggol kaya ako ng baby ko.” “Ang yabang mo.” “Guwapo naman ako.” “Ewan ko sa ’yo.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya ng bato na ang inaapakan ko. Umabot nasa baywang ko ang tubig pero hindi pa rin naman ako binibitawan ni Miko. Hanggang sa marating na namin ang tunog na nanggagaling. “Ang lamig pala!” “Ngek. Saka mo lang sasabihin na malamig, eh nasa baywang mo na ang taas ng tubig.” Ngumiti lamang ako sa kanya at umupo ako sa bato kaya binitawan na rin niya ang kamay ko. Nasa ilalim na ako ng tubig kaya nababasa na rin ang buhok ko pati na iyong t-shirt niya. Narinig ko pa ang pagtalsik ng tubig at mukhang lumalangoy na nga siya. Ilang minuto kaming ganoon at saka lang siya lumapit sa amin. Dumikit na naman siya sa katawan ko kaya hindi ko sinasadya na dumikit din ang kaliwang braso ko sa bandang tiyan niya. Mainit siya. “Balik na tayo?” pag-aaya ko dahil medyo lumalamig na rin. “Jean.” “Oh?” Favorite na yata niyang bigkasin ang pangalan ko. “Kaya natin bang kontrolin ang init ng katawan kapag nasa ilalim tayo ng tubig?” Umaandar naman ang pagiging flirt niya. “Oo kaya.” “Then subukan natin?” “Ayaw ko nga. Kanina ka pa, ah. Sinabi ko na sa ’yo na hindi natin puwedeng gawin iyon.” “Just make out, baby.” “Uhm, make out?” kinakabahan na tanong ko. Alam ko naman iyon. Wala kaming gagawin kundi ang mag-kiss and physical touch pero wala pa namang mangyayari. “Yeah,” bulong na naman niya sa tainga ko at napapikit ako nang halikan niya ang leeg ko. “Nasa public place tayo.” “Hmm, nasa taguang part tayo.” Napabuntong-hininga na lamang ako. “At kung kaya nating kontrolin?” “Ako mismo ang hihinto,” sagot niya at bigla na lamang niyang inihiga sa bato. May tubig pa rin ang pumapatak sa ulo ko. “Eh, may tubig dito,” reklamo ko at itataas na sana niya ang damit ko nang makarinig kami ng mga taong nagsasalita. “Dito naman tayo maligo!” “Sure!” Mabilis akong pinaupo ni Miko at mahinang natawa ako nang marinig ko ang kanyang reklamo. “See? Kahit hindi ang katawan natin ay mayroon pa rin naman na hahadlang sa gusto mo.” Isinandal na lamang niya ang ulo niya sa balikat ko. “Miko...” “Hmm?” “Gusto mo ba talagang may mangyari sa atin?” “Hindi ko naman iyon gagawin kapag hindi ka pa handa. Make out, just kissing, iyon lang ang gusto ko,” parang batang saad niya. Sincere naman siya nang sabihin niya iyon. Wala akong takot o kahit na ano’ng kabang nararamdaman. Babaliin na yata ni Miko ang opinyon ko tungkol sa bagay na iyon. “Ano ba ang pinagkaiba roon? Pareho pa naman na makasalanan,” ani ko. “Urgh,” daing niya. Kahit hindi natuloy ang gusto niya ay nag-enjoy pa rin naman siya. Masarap ang lunch namin dahil may mga gulay na ulam namin. Nagkamay rin si Miko kahit hindi siya marunong. Hindi kami nag-overnight ni Miko dahil kailangan pa rin naman namin na umuwi sa bahay. Pero segurista kami dahil nagdala pa rin kami para sa dinner namin. Ang kulit din niya kasi. Hindi na kami nagtabi pa sa pagtulog. Isang linggo pa ang nakalipas ay nakabalik na sina Kuya at Ate Zedian. Isang magandang balita pa ang dala-dala nila. Haist, bago sila ikinasal ay may nabuo na pala silang dalawa. Kaya noong nalaman ko iyon ay inilingan ko na lamang sila. Si Miko ay natatawa na lamang din. “Bubukod po ba kayo, Kuya?” tanong ko. “Hindi. Pero magbabantay pa rin ng flower shop niya ang Ate Zedian mo. Hindi na siya puwedeng magtanim at mamitas pa ng bulaklak ninyo,” sabi ni kuya. “Kukuha na lamang po tayo ng mga tauhan?” “Ako, puwede naman ako,” boluntaryo ni Miko. “Hindi puwede. Hindi ka rin puwedeng mabinat, Miko. At may nabalitaan pala ako. Iyong kotse ko at nakita iyan na lumabas. Saan kayo nagpunta? Alam kong magkasama kayo.” Mabubuking na ba kami ni Kuya? “Ipinasyal ko lang ang kapatid mo, Daiz.” “Sigurado ka na wala kang ginawa sa kapatid ko?” “Ha? Wala nga. Mas alam pa niya yata ang sagradong bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa. Eh, kayo?” “Miko.” Alam kong nagbibiro lang siya pero kailangan pa ba talagang sabihin iyon sa harapan nila? Napatikhim tuloy ang kuya ko. “Kidding aside,” pagbawi niya sa huli. “May kakilala pala ako, Miko. Puwede kitang idaan sa kanya. Naghahanap siya ng engineer.” “Wala akong maipapakita sa kanya na isa akong engineer.” “Ang makita lang naman ang potensyal mo ay malalaman na niya,” ani Kuya. “Oh, sige. Para may pera ulit ako para i-date ang kapatid mo.” “Ano kamo?” malamig na tanong ni Kuya Hart. “Hey, tumigil ka nga, Hart. Alam mong palabiro siya.” “Sino ba siya? Puwede ko naman siguro siyang makausap in person, ’di ba?” “She’s the owner of Chavez Incorporation.” “Ayoko,” mabilis na tanggi niya. “Ano’ng ayaw mo?” “Ayoko kapag babae ang magiging client ko.” “Babae nga pero hindi mo naman siya makakausap kung gusto mo,” sabi ng nakatatanda kong kapatid. Napahawak ako sa batok ko. “Tinatanggihan mo ba kapag babae ang client mo sa Manila?” “Hindi pero ngayon ay oo,” he answered. Ewan ko kung ano ang trip ng isang ito. “Bakit?” tanong pa ni Ate Zedian. “Kung maaari ay ayokong may ibang babae ang ma-involve sa trabaho ko.” “Naguguluhan na ako sa ’yo, Miko.” “Sige na, tatanggapin ko na. Basta huwag mo na lamang akong ipakilala pa sa kanya, okay?” “Lalaki naman ang secretary niya at puwedeng siya ang makausap mo,” ani pa ng kuya ko. “Good.” *** Sa gabi ay palihim na pumasok pa si Miko sa kuwarto ko. Hindi na siya lumundag pa sa kama ko sayo alam niyang mag-b-bounch na naman ako. Mahilig siyang humilig sa balikat ko at paglaruan ang mga daliri ko. “Bakit pala ayaw mo na babae ang client mo, Miko?” tanong ko sa kanya. “Ayaw ko lang.” “Ano?” “Hindi ka ba magseselos na may ibang babae akong kinakausap?” “Magseselos pero hindi ko naman kayo makikita kaya okay lang,” wika ko. “Baby naman... Hindi dapat ganoon.” “May tiwala naman ako sa ’yo, Miko. Wala pang isang buwan simula ng naging tayo at—” “Jean?” Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Hart. “B-Bakit po, Kuya?” tugon ko. “Matutulog ka na ba? Bakit sarado ang silid mo?” “M-Matutulog na nga po ako, kuya, eh.” “Tama iyan. Dapat isarado mo palagi ang pintuan dahil baka may maligaw sa iyong silid. Sige na, baby girl. Matulog ka na.” “Sige po. Good night.” Umaalog na ang balikat ni Miko kaya hinampas ko siya sa dibdib. “Miko.” “May naligaw na kaya, Daiz,” komento pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD