“Ladies and Gentlemen ang hinihintay ng lahat ang nag-iisang tagapagmana at may-ari ng Diamond Company. Ipinapakilala namin sa inyo ngayong gabi please welcome. Francisco Luke Villiamor ang nag-iisang anak ni Don Villiamor.” masayang pagpapakilala ng m-cee sa lahat ng taong naroon sa party na iyon. Kasabay ng pagtawag sa pangalan ni Luke ay ang pag ilaw nang boung paligid. Masigabong palakpakan naman ang pumuno sa buong venue. Ilang sandali ang lumipas ay lumabas na si Luke at may kasama itong isang magandang babae. Magkahawak kamay ang dalawa na para bang matagal na silang nagkakilala. Nasa isang sulok naman sina Gwen at Augusto kung saan tanaw nila ang mga taong nakatayo sa harapan. “Good evening sa lahat maraming salamat sa pagpunta ninyo lalo na sa mga taong tumulong para maging

