Pasado ala una ng madaling araw nakarating sila Gwen sa kanilang mansyon. Nang dahil sa nangyayari hindi na sila nakakain dahil umalis na sila ni Augusto. Nasaktan si Gwen dahil napahiya sila sa maraming tao ngunit kahit ganun pa man ang nangyari ay nanatiling kalmado ang dalaga. Sobrang nag-alala si Gwen sa kanyang ama at sigurado ito na makakarating sa kanya ang nangyari. Napahinga si Gwen ng malalim hindi niya alam kung paano sasabihin kay Augusto para mapigilan ang mga taong kumuha ng video o larawan nila. Dumiritso agad si Gwen sa kanyang silid iniwan na niya si Augusto dahil may kausap pa ito sa telepono. Agad pumasok ang dalaga sa banyo maliligo muna siya dahil napuno ng dugo ang suot nitong gown. Ilang minuto rin nagligo ang dalaga at pagkatapos ay lumabas na ito. Paglabas ni Gwe

