Kararating lang ng ibang kamag-anak ni Charlotte kaya naman mas lalong dumami ang taong nakikiramay. Sa dami nang bisita ay nagpa catering si tita dahil hindi na kaya ng mga tao dito sa bahay. Pina-akyat na ni Augusto sina Gwen at Crsytal dahil nakatulog na ang bata. Hindi iniwan ni Augusto si Corazon at kahit may mga waitress ay tumulong pa rin ang binata. Marami mga mayayamang bisita ang nakikiramay kaya naman walang katapusan ang kainan, snacks at iba pang mga gawain. Walang nakakaalam kung sino si Gwen tanging si Corazon lamang ang may alam. Mas pabor ito sa dalaga dahil ayaw rin niya magpakilala. Dito mas lalong humanga si Augusto sa dalaga dahil hindi siya mahilig magpakilala na isa siyang mayaman. Secreto lang kung tumulong si Gwen, kaya naman hindi ito makikilala ng iba ang istado

