Hinatid na si Charlotte sa kanyang huling hantungan. Lahat ng bisita ay umalis na tanging sina Augusto, Gwen, at Crsytal na lang ang naiwan sa cementeryo. Dahil nakiusap ang bata na samahan raw muna niya ang kanyang Ina ay pinagbigyan ito ni Augusto. Kakatapos lang ni Gwen patahanin si Crsytal, kay Gwen at Augusto lang lumapit ang bata. Kung puwidi lang si Augusto ang sumalo sa lahat ng sakit na nararamdaman ngayon ni Crsytal ay ginawa na niya. Naawa na ang ama sa anak nito dahil namamaga na ang dalawa nitong mata. Mas lalong humanga si Augusto kay Gwen hindi na alintana ng dalaga ang pagod dahil mas mahalaga sa kanya si Crsytal. Nakaalalay naman si Augusto sa dalawa hindi niya pinabayaan si Gwen. “Daddy, hindi po ba maiinitan si mommy sa loob? Inosenteng tanong nito sa ama. Agad

