Hindi inaasahan ni Augusto ang pagluhod ni Alice sa kanyang harapan. Akala ng binata ay nagbibiro si Alice kilala ni Augusto ang dalaga noon pa man ay hindi ito marunong humingi ng sorry o tawad kapag may kasalanan siya. Nagulat si Augusto ng makitang duguan si Alice at dumaloy sa binti nito. Nagmamadali nilapitan ni Augusto si Alice upang makaupo ito dahil para na siyang matutumba. “Ricky, tulungan mo ako!” malakas na tawag ni Augusto kay Ricky. “Alice, dinugo ka relax ka muna baka mapano ang bata sa tiyan mo.” nanginginig ang boses ni Augusto dahil sa takot. Nakita nito ang pagkaputla ni Alice kaya naman hinawakan niya ang kamay nito. “Augusto, please iligtas mo ang anak ko.” pakiusap ni Alice na ngayon ay nataranta hindi niya rin inaasahan ang maraming dugo na lumabas sa kanya. “Ricky

