AUGUSTO Hindi lubos maisip ni Augusto na mangyayari sa kanya ang ganitong sitwasyon. Na siya ang sasalo sa lahat ng mga responsibilidad nang mga taong nasa paligid nito. Hindi kadugo ni Augusto ang mga taong iyon pero noong mga panahon na walang matakbuhan ang binata ay sila ang naging karamayn nito. Ang akala pa naman ni Augusto ay tapos na ang kanyang problema ngunit hindi pala siya tinantanan ng mundo. Patuloy pa rin itong sinisubukan ng panahon abot langit ang galit ni Augusto nang malaman nitong nandito si Alice sa pamamahay niya nang walang pasabi. Ang hindi alam ng binata na sinadya ni Alice ang puntahan siya upang kausapin. Kahit labag sa loob ni Augusto ay kinausap pa rin niya si Alice, nangako naman ito na hindi siya gagawa ng gulo. Sinabi rin niya sa binata na may mabigat raw i

