Nakahiga si Gwen sa tabi ni Crsytal hinahaplos nito ang kanyang mahabang buhok. Kanina pa sinusubukan ni Gwen tawagan si Augusto ngunit naka off ang cellphone nito. Hindi alam ni Gwen kung saan sila pumunta ni Alice dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap ang binata. “Tita Gwen, are you crying po?” tanong ni Crystal sa dalaga, bahagya pang nagulat si Gwen dahil ang akala niya ay tulog na si Crsytal. “N-noo baby girl, kulang lang si Tita Gwen sa tulog kaya namumula ang aking mata.” palusot ng dalaga na hindi naman umobra sa bata. “Pero tita may luha po ang pisngi mo?” sabay pahid nito sa pisngi ng dalaga na ikinalaki ng kanyang mata. Napayakap si Gwen kay Crsytal, napahagulgul ito sa maliit na balikat ng bata. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang kanyang nararamdaman sa mga oras

