“Dad, wake up!” Mahinang tapik ang nagpagising kay Augusto. Napamulat ito dahil nakatayo ang kanyang anak na si Xanthius sa gilid ng kanilang kama. “Dad, can I talk to you?” Tumango si Augusto alam ng ama na may mahalagang bagay na sasabihain ang anak. Maingat na inangat ni Augusto ang ulo ng kanyang asawa na si Gwen at inilipat ito sa unan. Ganito sila mag-asawa kahit malaki na ang kanilang mga anak ay nasa bisig pa rin ni Augusto natutulog si Gwen. Inabot ni Augusto ang kanyang roba, sinuot niya iyon at walang ingay na lumabas ito ng kanilang silid. “I’m sorry dad kung naabala ko ang tulog mo, hindi ko na mahintay ang paggising ni mommy kaya sa iyo na po ako magpapaalam.” Umupo muna si Augusto sa kama ng anak sabay tingin nito sa isang valentino duffel bag na nasa carpeted floor. “Anak

