Kinabukasan maagang umalis ang buong pamilya ni Augusto pupunta sila sa Kaputian Island kung saan nakatira ang nobya ni Xanthuis. Hindi mapakali si Gwen natatakot ito para sa kanyang anak. Ang sabi ni Xanthuis ay hindi raw ito makaka-uwi dahil gusto ng pamilya ni Amelie na pumunta sila doon. Nang malaman ni Gwen ang gusto nang magulang ng babae ay nagmamadali silang umalis ni Augusto. “Daddy, wala ba ta’yong nakalimuta?” Tanong ni Gwen habang nakahiga ito sa balikat ng asawa. “Just relax Sweety, kompleto lahat ng dala natin.” Sabay halik ni Augusto sa noo ni Gwen. “Mommy, malayo pa ba ang Island?” Nakangiti si Crsytal habang nakatanaw sa labas. “Anak, may problema ba?” Alalang tanong ni Gwen kay Crystal. “Ang ganda kasi ng view mommy gusto ko pang makita ang ganda ng buong Isla”

