CHAPTER 26 ( SPG! SPG! SPG! SPG! SPG! ) "Sige po, ate. Magbibihis na po muna ako sa kwarto ko. Tapos aakyat nalang ako mamaya. Nagmamadali po ba siya, ate?” umiling ito sa akin. "Hindi naman, Maven. Magpapasama nga sana 'yon sa 'yo na pumunta kayo ng rancho. Kaso gabi na pala matatapos ang klase mo kaya mag- isa nalang siyang pumunta doon.” ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapunta kay Autumn kanina. Bukas nalang siguro ako pupunta at yayain ko si sir John Wayne. “Hanggang alas singko po kasi ang klase ko, ate. Kaya ginabi na po ako ng uwi.” Nagpaalam na muna ako kay ate Aster na pumunta sa kwarto ko para makapaghinis na ako ng damit ko at para makapunta na rin kay sir John Wayne. Ano na naman kaya ang ipapagawa sa akin ni sir John Wayne? Mukhang kaduda- duda ito. Hindi

