CHAPTER 25 “Gising kana pala, Gracia.” nagtataka akong tiningnan ni ate Aster. Sinasadya niyang asarin ako. Halata iyon sa mga pasimpleng ngisi niya sa akin. Ang lapad ng ngisi niya, ah? “Sir, pasensya na po kung nakaidlip ako kanina habang naglilinis. Napagod po kasi ang katawan ko,” pinagpawisan ako kahit hindi naman mainit. Hindi kasi talaga ako marunong magsinungaling. Sana hindi mahalata ni ate Aster na nagsisinungaling ako sa kanya. “Nakatulog ka sa loob ng kwarto ni sir John Wayne?” palipat- lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni sir John Wayne. Tinuro niya pa ako pagkatapos ay si sir John Wayne. “Oo, nakatulog siya. Mukhang pinagod ko yata kanina,” may ibang ibig sabihin ang mga ngiti nito. Pinagod saan? Pinagod sa kama mo? Gusto kong sabihin sa kanya 'yon ngunit pinigila

