Clement's POV Tapos na ang mission ko sa bayan ng Palokampos kaya bumalik na ako sa aking palasyo. Iniwan ko na roon sina Deo kasama ang kaniyang anak na naging reyna na si Gullveig. Isang linggo siyang malungkot dahil sa nangyari sa mga nasawing secular witch. Isang linggo rin tuloy na malamig ang simoy ng hangin sa bayan ng Palokampos. Simula nang lumabas ang kaniyang kapangyarihan ay naging malamig na palagi ang panahon doon. Siguro ay magiging permanente na ang kalamigan doon dahil kay Gullveig. Nasa daan na ako at pauwi na sa Gorgata. Nakita kong napakaraming sira sa daan. Kagagawan ng mga dragon na ginawa ni Ogat. Maya't-maya tuloy ay bumababa ako para ayusin ang mga ito. "Marami pa ba?" tukoy ko sa mga sirang daan. "Opo, marami pa tayong madadaanan," sagot ng isang kawal ko. "

