Clement's POV Pag-uwi sa palasyo ay tumuloy agad ako sa kusina. Nagulat pa ang mga kusinero ko roon sa aking pagdating doon. Habang nasa paglalakbay kasi ako kanina galing sa bayan ng Myraris ay na-miss kong mag-luto. Gusto kong i-test ang sarili ko. Baka kasi nakuha na rin ni Ogat ang galing ko sa pagluluto. Nakita ko kasi sa tubig na siya ang minsan na nagluluto sa kina Kalina. Hindi ko alam ang trip ni Ogat, pero pakiramdam ko ay ginagaya niya ako. Mabuti na lang at naghahanda pa lang sila sa iluluto nila para sa hapunan. Agad kong pinahinto ang kanilang ginagawa. "Itigil niyo muna ang ginagawa niyo. Ako ang magluluto ng hapunan ngayon," saad ko sa kanila. "Ngunit bakit po?" tanong ni Flarion na nadinig ang sinabi ko. Nandito na rin siya sa kusina. "Dahil baka nanakaw na rin ni Oga

