Chapter3

1207 Words
PABAGSAK akong humiga sa kama ko, nakatitig sa kisame habang iniisip aang lahat ng mga nangyayari sakin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Hindi ko alam kung ano nanamang sasalubong sakin bukas. Napatayo ako ng mag ring ang phone ko, pag tingin ko sa screen, number ni mama ang naroon. “Hindi mo ba talaga ako lulubayan?” bungad ko pagsagot ko sa tawag. “Lulubayan kita… please, pagbigyan mo lang ako… 1 month lang Bela, before and after ng kasal… hindi na kita guguluhin” Saad nito, halata ang pagsusumamo sa boses niya. Bumuntong hininga ako, dapat ko ba siyang pabigyan? “Sige, pagtapos ng kasal wag na wag ka ng magpapakita sakin” saad ko. “Salamat, oh my god darling thankyou!” masaya nitong sabi, napairap naman ako sa inis. “Bukas na bukas ipapasundo kita sa bahay mo, I'm so excited na makasama ka anak.. Excited narin akong makilala ang Step dad mo at Step Brother mo.” litanya nito. Bigla akong napalunok ng marinig ang sinabi niyang ipapakilala sakin. Hindi ko alam pero, bigla ko nakaramdam ng kaba. “Okay” saad ko at ibinaba na ang tawag. Tumawag ako sa restaurant, ipinaubaya ko na muna kay Kuya Jeffrey ang Restaurant, at pumayag naman ito. Nagsabi rin ako na dadalaw dalaw sa restaurant. Nagsimula akong maglagay ng iilang damit at importanteng gamit sa maliit na maleta ko. Isang buwan, isang buwan kong titiisin makasama ang nanay ko, para hindi na niya ako guluhin pa. – MAAGA akong nagising, medyo madilim dilim pa kaya tinignan ko ang oras sa phone ko, mag aalas singko pa lang ng madaling araw. Pinusod ko ang hanggang bewang kong buhok, tapos pumunta ako sa kusina para magluto ng aalmusalin. Habang nagluluto ay nagtimpla ako ng kape. Matapos kong nagluto ay kumain ako. Pagtapos kong kumain ay dumeretsyo ako sa banyo at naligo, after ko maligo ay nag ayos na ako. Isang simpleng mini skirt at tops lang ang suot ko na pinarisan ko ng rubber shoes, bitbit ang maliit kong maleta ay naglakad palabas ng marinig ang busina ng sasakyan mula sa labas ng gate. Lumbas doon ang lalaking kasama ni mama no’n, i think body guard niya or ng family nila. Kinuha niya ang maleta ko at agad na inilagay iyon sa trunk ng kotse, tapos ay pinagbuksan ako nito ng pinto at pumasok na ako sa loob. Muli ko pang sinulyapan ang bahay, habang papalayo ang kotse. Babalik ako. I just need to end things with my mother. Inabot ng isa hanggang dalawang oras ang naging byahe namin ng mapansin kong pumasok ang kotse sa isang gate na napakalaki, tapos ng makapasok na ang gate ay nanlaki ang mata ko sa lawak ng lugar. Hindi lang basta, mansyon.. Isang buong hacienda, at nasa gitna ang isang malaking bahay na akala mo ay palasyo sa laki, ang gaan rin sa kulay ng sky blue and white na kulay ng mansyon na iyon. “We’re here ma’am.” bulong ng driver at ngumiti sakin. Ngumiti rin ako pabalik at muling tinignan ang paligid. Nang marating namin ang harap mismo ng mansyon ay naroon ang magaling kong ina, naka white silk dress, mukhang kagigising lang. Hindi ko na hinintay na pag buksan ako ng driver, ako na mismo ang nagbukas at lumabas. “Oh God Bela! I'm so happy!” ngiti nitong sabi at niyakap ako. Napaismid nalang ako at napairap sa kawalan pero hindi ko siya niyakap pabalik. Iginalaw ko ang parehong balikat para ipaalam sakaniya na hindi ako kumportable sa ginagawa niya. Bumitaw siya sakin, hinawakan ang magkabila kong balikat at hinarap sakaniya. “Tara sa loob, ipapakilala kita sa stepdad at stepbrother mo” saad nito, siya lang ang naeexcite sa ginagawa niya. Habang nalalakad sa gitna ng hallway papunta sa malaking pinto, ay nakatingin lag ako sa kaliwa’t kanan ko. Grabe, iba talaga pag mayaman ganito sasalubong sayo palagi? mga maids na naka line up sa bawat gilid at nakayuko, medyo nakakailang tuloy. Pag pasok namin sa pintuan na binuksan ng dalawang lalaking naka suit ay namangha ako sa laki ng at ganda sa loob. Hindi ko na ididetalye pa pero… parang nasa loob ka ng palasyo, yung tipong ang taas ng ceiling tapos may higanting chandelier sa taas, basta yun na yun. “Maganda ba dito?” tanong ni mama sakin nakangiti at parang sinusuri ang ekspresyon ko. “Hmm, pwede na” walang gana kong sagot. “So, atleast you fulfill your dream” sarkastika kong sabi kay mama at nginisian siya. Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi niya at tumikhim. “Ahm, anyways.. pababa narin ang Tito Kervy m– o ayan na pala siya” saad nito at naglakad papunta sa malaking hagdan. Pababa roon ang lalaking masasabi mong hindi halata sakaniya ang may edad na. Di tulad sa mga tambay sa harap ng mga bahay na edad kurenta palang e bibilugin na ang mga tiyan at namamanot na ang ulo, iba talaga pag mayaman. “Oh, is she your daughter Isabelle?” tanong nito kay mama, napangiwi ako ng makita kung pano pa sila mag kiss sa pisngi at labi.. Wala man lang pasintabi “Yes Honey, come anak” saad nito sakin na sobrag hinhin. Kahit yata si satanas mahihiya sa kaplastican nitong nanay ko e. Ngumiti ako at naglakad palapit sa dalawa. “Hello hija, I'm your mom's Fiancé. If hindi ka pa kumportable natawagin akong Papa or Dad, you can call me Tito Kerv.” saad nito. “Grabe! bagay pala talaga kayo ng Nanay ko, mga feeling! never kitang tatawaging Dad or Papa! pagbuhulin ko kayo e!” Ilang akong napangiti ng makita kong nakatitig lang ang dalawa sakin. Akala ko sinabi ko talaga ‘yon, sa utak ko lang pala. “Hello po, T..Tito Kerv.” saad ko at nag bow ng bahagya. “Di pala nagkakalayo ang edad nyo ng anak ko, I'm sure magkakasundo kayo. I heard to your mother na you're 22, my son is 25 so mukhang may kuya kana” nakangiting sabi nito habang nakatingin kay mama at tinapik tapik ng dahan dahan ang kamay ni mama na nasa braso niya. “Tinanong ko ba kung ilang taon anak mo?” saad ko nanaman sa isip ko. “Ahh ganon po ba..” ilang kong sabi. “Yes, nakita nyo na ba siya honey?” tanong nito kay mama. “Puta kanina pa ako diring diri sa honey nayan ah” saad ko nanaman sa isip ko. “Hindi pa nga e– o there he is.” nakangiting sabi ni mama at tumingin banda sa likuran ko. “Oh Hi Mom! Dad!” dinig kong sabi nito at mabilis na naglakad palapit kay mama at Tito Kerv. Mom? tsk! pero pamilyar ang boses niya? san ko nga ba yon narinig? “Oh, and she is… what?” sabay kaming natulala sa isa’t isa, parang gusto ko tuloy magwala ngayon at magmura! “Oh, Keiran she is my daughter Isabelle. And Bela siya ang magiging kuya mo si Keiran” ani mama. Tangina, ganito ba talaga kaliit ang pilipinas?! pano namin kikilalaning step siblings ang isa’t isa kung may nangyari na saming dalawa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD