NAGISING ako sa paulit ulit na tunog ng alarm clock ko, agad ko iyon inabot at in-off at nagpakawala ng buntong hininga.
Napamulat ako ng mata, nakatitig lang sa kisame, hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo ngayong araw, kung kakayanin ko bang magsimula ulit.
Ayokong may nakakainis nanaman na balita ang malaman ko, napapunas ako sa kapiranggot na kuha mula sa gilid ng mata ko.
“Hays, ang aga aga Bela e!” inis kong sabi sa sarili ko.
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table, puro mga message lang sa gc namin tatlo ni Cheska at Stacy, sa mga kakilala, supplier, mga kilala ko ng customer at iba pa. Inilapag ko ang phone ko at tumayo, maglalakad na sana ako palabas ng kuwarto ng biglang tumunog ang phone ko, senyales na may ng pop up na message.
Pag open ko ay email siya galing sa landlord. Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko. Napakuskos pa ako sa mata ko kung totoo ba ang nababasa ko, at ng makumpirma ay napatalon ako bigla sa tuwa.
“AHHHHH!” tili ko at nag tatatalon.
Pero… sinong nagbayad sa utang? tapos may 1 year advance payment pa na bayad rin? wait… hindi kaya..
“Oh s**t!” singhal ko, dahil muntik ko ng mabitawan ang phone sa sobrag gulat ng mag ring ito.
Pagtingin ko sa screen ay unknown number at agad na sinagot.
“H-hello? sino to?” tanong ko agad
“Bela…” biglang nawala ang kaninang excitement na naramdaman ko ng marinig ang boses sa kabilang linya. “Saan mo nakuha ang number ko?” walang buhay kong tanong.
“Sa… sa landlor–”
“Ikaw ang nag bayad?!” putol ko sakaniya.
“Yes, a..a…alam ko kung gaano kaimportante at kung gaano kahalaga sayo ng restaurant na iyon… at.. at yun lang ang tanging naiwan sayo ng papa mo.” sagot nito.
“Insulto ba to?” inis kong sabi.
“No no no! Bela, just here me out please.. just this one.” saad nito
Ibaba ko na sana ang tawag ng magsalita pa siya ulit. “Please anak.. please!” pagmamakaawa nito.
Itinapat ko ang phone sa tenga ko, dinig ko ang hikbi niya pero di ako sigurado kung totoo ba yon o drama lang niya.
“Anak please… please.. kahit ngayon lang…” hagulhol nito.
Tumikhim lang ako, hindi ako nagsalita. “Salamat Bela, salamat!” hagulhol pa niya.
Napairap nalang ako sa kawalan, dahil sa inis na marinig siya ngayon.
“I… i’m getting married next week, and.. and i want you to come.. gu..gusto kong makita ka sa pinakamasayang araw ng buhay ko Bela, Anak..” saad nito.
Napangisi ako at bahagyang nanginig ang labi dahil sa pagpipigil ko ng luha. “So suhol pala ang ginawa mo?” tanong ko. “No hindi yon ganon… gusto ko lang bumawi sayo anak, alam kong late na but please.. hayaan mo akong makabawi” mabilis na s**o nito.
“Lakas ng loob mong sabihin sakin na ikakasal ka na! tapos tangina! sasabihin mo sakin na gusto mo present ako sa pinakamasayang araw ng buhay mo?! baliw ka ba?! anak mo ako! anak mo na iniwan mo para sa ibang lalaki tapos gusto mo damayan kita sa PINAKAMASAYANG ARAW NG BUHAY MO?! NAG IISIP KA BA HA?!” sigaw ko at ibinato ang phone ko sa kama ko.
Humagulhol lang ako ng humagulhol at napa-upo sa sahig.
Ganito ba talaga ang buhay ko?
Ganito ba talaga ang tindhanang mangyari sakin?! ang maranasan ko?! ano bang kasalanan ko para danasin lahat to?
Pauli ulit na tanong ko sa sarili ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.. Parang sa bawat araw na sasalubungin ko puro pasakit, kung makakaranas man ko ng saya panandalian lang, pagtapos non sobrang sakit ng kapalit.
Tumayo ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang palad ko, hindi dapat ako magmukmok…
Dumeretsyo agad ako sa banyo at naligo para ma-fresh-en up ang utak ko. Kailangan kong mag refresh, kailanga wala akong dala dalang bigat pagbalik sa restaurant… Iisipin ko nalang na utang ko sakaniya ang ipinangbayad niya, at babayaran ko siya.
PAGDATING ko sa restaurant ay nakangiti akong binati ng lahat, sinabihan ko sila na wag isipin ang mga problema at mag focus lang sa trabaho, at dumeretsyo na ako sa office ko.
Habang busy akong nakikipag usap sa mga supplier ay bigla nalang pumasok ang isa sa mga waitress, si Lanie.
“Ms Bell! Ms. Bell!” na eexcite nitong tawag sakin.
“Yes Ate Lanie? may… may problema ba?” tanong ko. “Sumulip po muna kayo sa loob…” nangingislap nitong pag aaya sakin. Hinila niya ang kamay ko at nagpatianod nalang ako sakaniya ng hilain niya ako.
Nang makita ko ang loob ng restau, halos maluha ako… Hindi ako makapaniwala… paanong… paanong nagkaroon bigla ng maraming costumer ngayong araw?
“Grabe Ms. Bell! congratulations po!” saad nito sakin, maluhaluha pa ito habang nakangiti. “H-hindi ba ako nananaginip?” tanong ko. “Hindi po..” sagot niya
“Aray!” napapitlag ako ng maramdaman ang kurot niya sa tagiliran ko. “Diba?” nakangiti nitong sabi, kaya napangiti nalang rin ako.
Habang pinagmamasdan ang mga costumer na kumakain at ang iba ay masayang nagkukwentuhan habang naghihintay sa order ay may napansin ako sa labas.
Nakatayo siya roon, nakangiting nakatingin sa restaurant…
Agad akong nagtungo sa office at kinuha ang phone ko at agad na dinial ang number niya.
“Ikaw ba may gawa nito?” tanong ko ng sagutin niya ang tawag. “Lahat gagawin ko anak, maging masaya kalang” mahinahon nitong sabi na nagpakulo sa dugo ko.
“Hindi ka ba titigil?! okay! thankyou sa tulong mo pero pwede ba? lubayan mo ako! kakayanin ko ‘to, alam kong kung hindi dahil sayo hindi makakabangon ulit ang restaurant, pero this? binayaran mo ba ang mga tao kaya sila nandito ngayon?” saad ko sa sobrang galit.
“Gusto ko lang makatulong” sagot niya
“Nandoon na tayo! sapat na yung natulong mo sa binayad mo sa landlord pero yung magbabayad ka ng tao? para pilitin kumain dito?! isang malaking kalokohan! paano ako matutuwa kung alam kong bayad sila?! at alam kong hindi sila nandito kasi gusto nilang kumain dito!, naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko?” litanya ko, mahigpit ang hawak sa phone ko na kulang nalang ay mayupi ito.
“O-okay i’m.. i’m sorry, hindi na mauulit” saad nito at ibinaba na ang tawag.
Pabagsak akong napaupo sa upuan ko, napasabunot nalang rin ako sa sarili ko kasi… bakit? bakit ako nagkakaganito? agad agad napu-frustrate ako?
Nilalamon na ba ako ng galit? ng sama ng loob? ayokong humantong sa punto na dahil sa galit ko sa Nanay ko ay… magalit narin ako sa mundo..