Nasa sulok ako ng maliit kong opisina, nakaupo, nakayuko, at hawak ang sulat na galing sa landlord
“Final notice. Please vacate the space within seven days.”
Parang lahat ng pinaghirapan ni papa, naglaho lang dahil sakin..
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali.
Baka sa hiring decisions. Baka sa gastos.
O baka dahil 22 pa lang ako at akala ko kaya kong ayusin ang lahat mag-isa.
Naiiyak na ako sa sobrang inis ko sa sarili hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o kung kanino ba ako manghihingi ng tulong.
Habang tulala sa kawalan biglang nag ring ang phone ko, pag-tingin ko sa screen si Stacy.
“Hmm” walang buhay kong sagot.
“Oh? ba’t parang ang tamlay mo? ano nangyare?” tanong nito.
“Wala, pagod lang.” sagot ko, ayaw kong sabihin sakaniya ang totoo, hindi sa nahihiya ako dahil sa kalagayan ko, kundi dahil alam kong tutulungan niya ako kahit mas kailangan naman talaga niya ng tulong, at ‘yun ang mas nakakahiya.
“Hmm, okay.. remember the guy? doon sa birthday ni Cheska?” biglang may excitement sa boses nito.
“Guy? who's guy?” tanong ko. It's been 2 months since nag-birtday si Cheska.
“Ts, iyong kinwento mo sakin… Yung kinaiinisan mo parin siguro hanggang ngayon? si Mr. Kántôt Kalimot!” saad nito.
“Oh, what about him?” walang gana kong tanong.
“Nothing, i think i saw him earlier… with someone, i mean a girl? i think girlfriend niya?” may pag aalangan sa boses nito.
“Then? what do you want me to do about that?” inis kong tanong.
“Galit ka na ba niyan Beelat? i mean… wala na ba talaga kayong naging contact after nyong nagchukchakan?!” malakas na sabi nito, at halata na sa boses niya ang inis.
“You know what Stacy, if ayaw sakin edi wag, ayokong maghabol… tsaka…” huminto ako saglit at napalunok. “N..normal nalang rin nama yung mga ganoon diba? after the night they spend together magkalimutan.. diba?” saad ko, ramdam ko ang biglang pagiinit ng mata ko.
“No, that's not normal… lalo na sayo! you trust him, i mean… sinuko mo yung sarili mo sakaniya kahit kakakita nyo palang, tapos biglang ganon?” inis na nasabi niya.
“Okay, okay, kalimutan nalang natin siya please. Tsaka wala narin akong balak na makita pa siya… ibaba ko na ang tawag, i need something important to do pa e.. sorry.” saad ko.
“Nah, it's okay.. I'm sorry rin pinaalala ko pa” saad nito at ibinaba na ang tawag.
Pabagsak kong ibinaba ang phone ko sa mesa, pakiramdam ko bigla nalang bumigat ang dibdib ko… Dahil ba sa mawawala na ang restaurant o dahil… dahil sa sinabi ni Stacy?
*Flashback*
2 months ago
Isabelle’s POV
Nagising ako sa sinag ng araw na mula sa bintana, pag mulat ng mata ko ay tumambad sakin ang lalaking nakatalikod na inaayos ang damit nito.
“K-keiran?” tawag ko.
“Ohh.. you're up” walang buhay nitong sabi, ni hindi man lang ako nilingon.
Umupo ako sa kama, pinagmasdan ang bawat galaw niya. Wala siyang imik, tahimik lang siya habang sinusuot ang sapatos at relo niya.
“I'm sorry for what happened to us… j-just forget about it…” Saad nito ng harapin ako.
Natulala lang ako sa sinabi niya, parang hindi ako makahinga, ni hindi ko magawang magsalita.
“It was a mistake, and… a normal thing that will never happen again, l-let’s forget each other.” saad pa nito at mabilis na lumabas ng pinto.
Naiwan akong tulala sa loob ng kuwarto na iyon, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko… Pero isa lang ang sinisiguro ko, hindi ko hahayaang mag krus pa ulit ang landas namin, dahil pag nagkataon? hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ko sakaniya!
*EndofFlashback*
Napahampas nalang ako sa mesa habang inaalala ang araw na iyon, like… if hindi siya nasarapan sakin, well that's normal because it's my first time?! i mean… how can he say na kalimutan ang nangyari samin? he took away my virginity tapos gusto niya kalimutan na lang? tangina niya talaga!
Tapos ngayon, mababalitaan ko na may kasama siya? babae?! girl friend?! mamatay na sana siyang gago siya! ang kapal ng mukha niyang makipag s*x tapos gusto niya kalimutan nalang?! how can i forget that night? God! that was freaking my best night! tapos… tapos… gusto niya kalimutan nalang? hayop siya!
Napakagat ako sa labi ko, nanginginig ang kamay nakatingin sa kawalan at alam kong nanlilisik ang mga mata ko this time.
Sinubukan kong huminga ng malalim, kumalma.. After non ay kinuha ko ang bag at phone ko at naglakad palabas ng office.
Nag makalabas ako sa entrance ng restaurant, ay pinagmasdan ko muna ito… Bigla nalang pumatak ang luha sa gilid ng mata ko dahil… pakiramdam ko, nabigo ko si Papa..
“I-isabelle?” napalingon ako sa tumawag sakin.
Nang makita ko siya ay sinuri ko siya. Nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, may nakatayo sa gilid niya na lalaking may kalakihan ang katawan nakaitim na suit, mukhag body guard. Habang siya? may mga branded na alahas, branded na kulay black and white na dress, branded na black diamond heels, at branded na bag.
“Isabelle.. anak” saad pa nito, may ngiti sa labi niya at bakas ng luha sa mata.
Napangisi ako, nakataas ang isa kong kilay habang tinitignan siya mula ulo haggang paa.
“How have you been my darling?” saad pa nito, hahakbang na sana ito palapit pero napatigil siya ng tumawa ako ng mahina.
“Anak? darling? WAAAAHAHHAHAA!” hagalpak ko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at sumeryoso ang tono ng boses ko.
“Na… nabalitaan ko ang nangyari sa restaurant ng papa mo… kaya nandito ako ngayon.. gusto kong malaman kung ayos kalang ba? nag aalala ako sayo” saad nito.
“Ayos lang ako. Tsaka, ikaw? mag aalala? himala?! matapos mo kaming iwan ni papa para sa…” napahinto ako at pinagmasdan ulit siya. “sa luho mo.. para sa pagiging desperada mong makaranas ng yaman? umalis kana” saad ko at tumalikod sabay punas ng luha ko.
“Ano ba Bela! Nanay mo parin ko!” sigaw nito.
“Nanay? matagal na akong walang nanay! at mula ng mamatay si papa? mag isa nalang ako, wala na akong kinikilalang pamilya ko! kaming dalawa lang ni papa!” sigaw ko sakaniya, napakuyom ako at nanginginig pa ang kamao ko.
“Nanay mo ako Bela! ako ang nagluwal sayo! ako ang bumuhay sayo sa loob ng tiyan ko sa loob ng siyam na buwan! kasalanan bang maghangad ako ng magandang buhay na hindi kayang ibigay ng papa mo?! ha!” sigaw nito, kita ko kung paano maglabasan ang mga ugat niya sa leeg at sintido, kasabay ng pamumula ng mata niya.
“Ikaw nga ang nagluwal sakin, nagdala ng siyam na buwan! pero pinaramdam mo ba sakin na mayroon ang ina? pinaramdam mo ba?! HINDI!! KASI HABANG NAGKAKAISIP AKO, HABANG LUMALAKI AKO! PALAGI NALANG BANGAYAN NYO NI PAPA ANG NARIRINIG KO!” Sigaw ko, humagulhol na ako sa sobrang sama ng loob.
“Alam mo kung anong pinakamasakit? yung marinig yung mga salitang binibitawan mo! na walang kwenta si papa! na sana hindi mo nalang siya nakilala.. NA SANA!” napahinto ako, napakagat sa ibabang labi at napasakmal sa bag ko ng mahigpit.. “.. Na sana hindi mo nalang ako pinagbuntis.. inisip mo ba kung gaano kasakit marinig lahat ng ‘yon? pitong taon lang ako non! pitong taon lang ako ng unang beses kong marinig sayo yon!” saad ko pa, pilit na pinipigilan ang pag hikbi.
“Hindi mo naiintindihan Bela! alam kong simula bata ka nagtanim ka na ng galit sakin, pero mali yon! kasi hindi mo pa naiintindihan ang nangyayari noong panahon na iyon.” lumapit sa sakin at sinubukan hawakan ang kamay ko pero umatras ako.
“E yung mga panahong uuwi ka sa bahay ng madaling araw? amoy alak! maririnig ko pa kayo ni papa sa kabilang kuwarto, kung sino nanamang lalaki ang sinamahan mo?! hindi ka ba nahihiya no’n sa asawa mo na walang ibang ginawa kundi subukan ang lahat para mabigay lang lahat ng gusto mo? para lang hindi mo masabing nahihirapan ka? na misirable ang naging buhay mo kasama siya?! ni hindi nga kita nakitang nagluto ng makakain e? pag kagaling ni papa sa trabaho siya pa mag aasikaso sa bahay, sakin… Sayo! sayo na walang ibang ginawa kung hindi maglandi at magpakama kung kani-kani–” napahinto ako ng bigla niya akong sampalin ng malakas.
Napahinto ako, napahawak a pisngi ko at dahan dahan na sinamaan siya ng tingin.
“B-bela… I'm so sorry hindi ko sinasadya…” saad nito, lumapit siya saakin pero lumayo ako.
“This will be the last time na makikita at makakausap kita! at kalimutan mo naring may anak ka!” saad ko at mabilis na naglakad patungo sa kotse ko at mabilis iyon na minaneho.
Puro punas lang ako sa luha ko na naglalandas sa pisngi ko habang ang isag kamay ko ay hawak ang manobela, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala.. Bakit naman nagsabay sabay pa? una restaurant ni papa, tapos yung balita ni Stacy, and now? tangina! bakit ba siya nagpakita pa ulit!
Pero sa totoo lang… kahit abot langit ang pagkasuklam ko sa sarili kong Ina… gusto ko paring maramdaman yung yakap niya, yakap na totoo, yakap na may pagmamahal… yung yakap na mararamdaman kong.. May nanay pala ako… pero mas nangibabaw parin ang galit ko.. at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba siyang makaharap ulit.