Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang palad ko at kinagat ang dulo ng unan dahil sa kaba at inis.
Tangina talaga, bakit ba kailangan pang magkasama sa GC si Keiran?! Hindi ba pwedeng wala siya sa life ko kahit sandali? i mean yeah magkasama kami sa bahay pero bwisit naman, need ba pati sa circle of friends meron ako naroon rin siya?!
| Keiran is typing... |
Oh no.
Parang tumigil ang mundo ko sa moment na ‘yun, pati pag hinga yata di ko na magawa. Parang lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Please, wag ka na magreply, bwisit kang lalaki ka.
| KKK huh? I know who’s you're referring to this Stacy | Keiran
“PUTA!” napasigaw ako habang hinahampas ang unan. Gago talaga siya! Sino bang may lakas ng loob mag-reply ng gano’n sa di naman niya ka close or ka vibes?
| Ayieee! sabi na nga ba may something eh! | Chess.
| Akala ko pa naman si Bela, si Stacy pala nais mo insan ha | Kevin
| Don't be silly bro, Bela might get jealous.. Right baby? | Message ni Keiran at minention pa ako.
Nakatulala lang ako sa phone ko. Parang gusto ko nalang sugurin si Keiran sa kuwarto niya at ibato itong phone ko sakaniya e.
“Bwisit ka talaga, Keiran,” bulong ko habang sinusubsob ang mukha ko sa unan.
---
Ilang minuto pa akong nakahiga, pilit ikinakalma ang sarili, nakatitig lang sa phone iniisip kung mag rereply ba ako o mag si-seen nalang sa mga asaran nila.
“Miss Bela, lunch na po!” Napatingin ako sa may pinto, nagkunot noo ako dahil sa sinabi nito.
Lunch? anong oras na b– 11:45?!
“Ah! Sige po!” sagot ko agad.
Tumayo ako at inayos ang sarili. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palabas ng pinto.
Time to face reality.
I mean time to pretend na nothing happened between me and my stupid, smug, annoyingly-hot stepbrother.
Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya, nakaupo sa dulo ng mesa, naka-white shirt lang at mukhang bagong ligo. Nakayuko sa phone, pero ramdam kong aware siya na nasa pinto na ako.
Naglakad ako dahan-dahan, kunwari chill lang.
Tumigil siya sandali, tapos tumingin sakin. That smug little half-smile appeared sa mukha niya.
“Did you rest,Bela? ” may kung ano sa tono ng boses niya kaya napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig, at buti nalang ay wala.
Pinili kong hindi tumingin diretso sa kanya.
Umupo ako sa kabilang side ng mesa.
Tahimik lang kami, tanging kalaksing lag ng mamahaling plato at utensils lang ang maririnig.
“Ano’ng plans mo today?” Basag niya sa katahimikan, napatingin ako sakaniya, pero busy lang siya sa phone niya.
“Wala. Magpapahinga. To pretend that everything seems normal.” deretsyo kong sabi at sinubo ang pagkain ko.
He smirked, sabay inom ng kape na parang walang sinabi.
“You’re impossible.” irap ko sakaniya.
“And you like me that way.”
“Ang kapal!” inis kong sabi at uminom ng tubig
“What about earlier? you didn't like it?” mahina nitong sabi, halos pabulong nakami lag dalawa ang makakarinig…
“Can you stop bringing that s**t into our conversation when we're at…” napahinto ako sa pagsasalita, habang si Keiran naman ay umayos ng upo.
“Oh! i think mapapabilis na ang pagiging close nyo.” nakagiting sabi ni Mama
“Mas mapapabilis buhay ko kapag nag stay pa ako rito!” irap ko.
“What Bela?” Tanong ni Mama
“Nothing… I said, you're right.” saad ko at nginitian ito ng purong kaplastikan.
“Great, o right Bela, sumama ka kay Keiran mamaya, pupunta siya sa resort para icheck ‘yung staff sa event nila,” sabi ni Tito Kerv.
“Event?” i asked, napatingin ako kay Keiran and his smirk gave me a goosebumps.
“Hindi mo pa nasabi sakaniya Keiran.” tanong ni Tito Kerv kay Keiran.
“I already sent it to Gc, why don't you try to look at it.” ani Keiran sakin. Napatayo agad ako ng mabilis papunta sa kuwarto ko dahil iniwan ko roon ang phone ko.
Kaya pala busy siya sa phone niya!
pagdating ko sa kuwarto ay nakita ko ang phone ko sa kama, agad kong kinuha iyon at chineck ang naging usapan sa GC.
| Alright! kitakits latuuur! | Stacy.
Last message was from Stacy, agreeing to Keiran na mag oovernight kami sa isamg resort dahil may event, without them even knowing na host si Keiran do’n.
Gosh! this is a torture for me!