“Perfect,” bulong ko sa sarili habang nakatayo sa harap ng closet. “Three days sa resort kasama si Keiran. Ano bang mas masahol, sunburn o heartburn?” tanong ko pa sa sarili.
Sinamaan ko ng tingin ang mga damit ko. Lahat parang mali. ‘Pag masyadong revealing, baka isipin niya I’m doing it on purpose. Pero kung masyadong conservative naman… baka isipin kong takot ako sa kanya.
Which, fine. I kinda am.
Ugh.
Napailing ako, hinila ang plain white sundress na safe choice, light, simple, and hindi halatang pinag-isipan ko nang isang oras.
Paglabas ko sa veranda, naroon na siya sa labas ng kotse, nakasandal, naka–black shirt at shades, hawak ang phone, at tangina, bakit parang mas gumagwapo siya?
Ha?! anong gumagawapo!
“Ready?” tanong niya, hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
“Unfortunately,” sagot ko sabay lakad papunta sa passenger seat, habang siya naman ay kinuha ang maletang hawak ko at nilagay sa trank ng kotse niya.
Tahimik kami habang nasa byahe. Ang tanging maririnig lang ay ‘yung faint na tunog ng music sa radyo.
Sa bawat traffic light, I could feel his eyes on me, quick glances na parang aksidente, pero hindi naman talaga.
“Stop staring,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
“I wasn’t,” sagot naman niya, deretsyo parin ang tingin sa kalsada.
“Then stop almost staring.” irap ko sakaniya.
I heard him chuckled, low, annoying, confident laugh na gusto kong ihampas nalang siya sa manebela
“Relax, Bela. I’m just making sure you’re okay.” natatawa pa nitong sabi.
“Why wouldn’t I be?” taas kilay kong sabi, he looks at me for a second too long. “You tell me.” saad ko pa, pero ibinalik lag niya ang tingin sa kalsada at pangisi ngisi pa.
“Hmm by the way..” huminto ako saglit, dahilan para mapatingin siya sakin. “Don’t tell them about us.” saad ko at ibinaling ang tingin sa labas
“About us? can you say it clearly?” may kung anong pang iinis sa tono nito at alam ko kung anong ibig niyang sabihin. “I mean, about our parents… na.. we’re step siblings” sagot ko.
“Okay.” tipid niyang sagot at pinaandar na ulit ang sasakyan.
---
Pagdating namin sa resort, sinalubong kami ng staff. Mainit, malakas ang hangin galing sa dagat. Ang ganda ng blue skies, tahimik na alon, white sand.
Kung hindi lang dahil sa presensiya ni Keiran, baka ma-enjoy ko pa.
“Good afternoon, Sir Keiran. We’ve already prepared the Deluxe Poolside Suite you booked. One suite only as you requested” bungad ng receptionist
Napalingon ako agad. “Excuse me?”
He smirks. “Para tipid, for more gala and foods pag dumating na sila. Say thank you later.” pang aasar pa nito.
“Tipid tipid ka pang nalalaman, pumaaraan ka lang,” sabi ko sa isip. Pero nakangiti lang ako sa receptionist, polite, sweet, fake as hell.
Pagpasok namin sa suite, literal na halos mapanganga ako.
Ang lawak, may balcony na tanaw ang dagat, may jacuzzi pa. At naroon tanaw mula rito ang iisang king bed.
He shrugs, tinanggal ang shades, at nilagay sa mesa. “Bela, wag kang mag-alala. Walang mangyayare” paniniguro pa nito.
“Good,” I said, kahit obvious na parang may kung anong disappoinment sakin. “Pero kung gusto mo, pwede naman nating pag usapan” saad pa niya at tumawa.
Wtf?
“Padating narin sila niyan, atleast mababawasan ‘yang inis mo sakin” saad pa nito.
“Ts! so ano nalang sasabihin nila if malamb nilang nasa iisang suite lang tayo?!” inis kong sabi.
“Na tayo na?” sagot naman niya. “God! Keiran! nag iisip ka ba o talagang nang iinis ka lang?” inis ko pang sabi sakaniya.
“Sinagot ko lang tanong mo” saad niya ulit. Hind na ako nagsalita pa at napabuga nalang hangin.
Bwisit talaga!